o n e

262 8 0
                                    

"Does it have to be him, Sef? Can't you just choose me instead?"

I heard his voice broke. I'm still in his arms. Inhaling his manly scent. Damn, bakit napakabango ng hayup na 'to?

Why am I even complimenting him? We're supposed to hate each other!

Nanatiling ganun ang posisyon namin. Wala na kong lakas kumawala sa bisig niya. I wanna ignore what he said, pero hindi ko din naman alam anong sasabihin ko. What if he's only bluffing? Knowing him, napaka-alaskador niya kaya.

Di nagtagal, bumalik na kami sa mga kaibigan namin. Di ko maiwasang mapatingin-tingin sa paligid.

Wala pa sila.

Napabuntong-hininga na lang ako. Naramdaman ko ang kamay ni Russell sa likod ko. Worry is still etched in his eyes. Buti na lang lasing na sila kaya di nila namalayang sabay kaming dumating. Dahil kung hindi, puro kantyaw ang abot namin.

"Asan na yung sisig ko, Sef?" Janella whines.

Oo nga pala. Nakalimutan ko yung dapat kukunin ko.

"Ubos na. I asked Nana to cook for you." Russell butt in.

Napatingin ako sa kanya. Hindi ako sigurado kung totoo bang ginawa niya yun o he just said it to divert Janella's attention. Bago niya ko tignan pabalik, umiwas na ko ng tingin.

I froze when I heard Ford and Loisa.

"Guys, ihahatid ko lang si Loisa." Paalam ni Ford samen.

"Aga naman, tol." Angal ni Tristan.

"Inaantok na kasi ako eh." Sabi ni Loisa, naramdaman kong tumingin siya sa gawi namin ni Russell. "Uhm.. Russ.."

I can almost hear her voice shaking. Nang tiningnan ko siya, halos di siya makatingin kay Russell. She's biting her bottom lip to stop herself from crying. Si Ford naman, umiiwas ng tingin.

Sue caught my eyes. Nag-iwas agad ako ng tingin bago niya pa mapagtanto kung anong nangyayari saken.

"Ingat ka dun ha. Don't forget to keep in touch. Mamimiss ka namin." Naiiyak na sabi ni Loisa. Russell stood and hesitantly hugged her.

Few minutes later, they turned and left.

My eyes stung as they follow them walking out together.

Damn heart, kakayanin natin 'to.

Makalipas ang ilang minuto, nagsalita si Neil. "Babalik pa ba si Ford, Tris?"

Ininom ko na ang pang-apat na shot ko. Right now, only alcohol will help me numb the pain.

"Ewan ko dun. Baka hindi na. Bakit pre? Miss mo agad?" Pang-aasar ni Tristan.

"Baliw." he mumbled. Lahat kami nagtawanan. Pikon kasi tong si Neil.

Nagulat na lang ako nang tumabi saken si Sue. Umusog ako nang konti para magkasya kami sa bean bag. Nandito pa rin kami sa pool side. Yung iba, nag dip muna pampatanggal ng tama.

"Is it Ford?" Tanong niya nang hindi lumilingon saken, nakatuon ang mata niya sa mga kaibigan namin.

Agad nag-init ang mata ko, I pouted automatically. Naramdaman kong tumulo na ang luha ko. Thankfully, busy sila sa kanya-kanyang trip nila sa pool, wala namang nakakita bukod kay Sue.

Sue is one of my bestfriends, pangalawa kay Neil. Pero hindi sila magkasundo, ever. Don't ask me why.

"You can tell me what happened, you know." Sabi niya saken.

"B-bes." I tried, but my voice failed me. I can't even recognize my own voice. It sounds so broken, so vulnerable. "I... I heard Ford e-earlier."

Pinikit ko ang mga mata ko.

"He likes L-lois." I continued, it's barely a whisper. Di ko alam kung narinig niya ba. But I confirmed when she muttered a curse under her breathe.

"B-bakit bes? Why do I have to hear him confess to someone else? Ang masakit. Sa k-kaibigan ko pa." I smiled bitterly.

Hirap na hirap akong buohin ang mga salita ko. Pinipigilan ko ang sarili kong umiyak ulit. But a sob escaped my lips. For sure, mag-aalala lang ang iba pag nakita nila ako. Magtatanong lang sila kung bakit and they will know.

And no, I don't want that. I don't need more drama now.

"Mas lalaki lang ang posibilidad na she'll like him, too. She likes Russ. But Russ will be leaving. And Ford will be here to pursue her." I felt empty when the conclusion was made up in my mind. Yes, that's gonna be a possibility, right?

"Ano ka ba Sef. Masyado ka namang nega. Eh hindi ka naman nagkakaganyan sa mga pasts ni Fordy!" Pabulong na sabi ni Sue, pero may giit sa sinasabi nya.

"B-bes. Iba to eh! Siya mismo ang nag confess. Siya mismo ang may gusto kay Loi." Totoo yun. I was never threatened with his past relationships or flings, kasi madalas babae naman ang umaamin sa kanya. It's always been short-terms. Pero ngayon, iba. Ibang iba. He almost begged Loisa to choose him over Russell.

"E-eh si Loisa, pano siya." Pilit pangungumbinsi ni Sue saken. "Sabi mo nga, si Russell talaga ang bet niya. Babalik naman si Russ after 6 months. Ano ba naman yang anim na buwan, diba? It's never too late. Panong magkakagusto siya kay Ford? Ano ba naman bes, laban lang!" She said, trying so hard to convince me. But I knew better.

"I saw them, Sue." I paused when the pain is almost unbearable. "Ford kissed her and Loisa kissed him back."

Natahimik si Sue sa sinabi ko. Malamang nagulat din siya sa narinig. Malamang naisip niya rin ang posibilidad na mafo-fall si Loisa kay Ford.

"Ganun nga yata talaga Bes. Hindi ibibigay sayo lahat. Ganda lang ang meron ako." I joked few seconds later.

She deadpanned and I laughed at her, wiping my tears.

Nagpakalasing ako ng gabing yun. Lalo na nung narealize kong hindi na nga talaga babalik si Ford. Pilit akong pinipigilan ni Sue kasi never akong naglasing nang ganito. Neil is sending me weird, worried looks. Maging si Russell ay naiinis na sa ginagawa ko. Pero lahat sila, walang nagawa and no one dared to ask why.

I wanna get drunk. I wanna numb the pain. I wanna forget.

Sa sobrang kalasingan ko, hinayaan muna nila akong mahiga dun sa mga bean bags. Hindi ko sigurado kung sino sa kanila yung naglagay saken ng fleece blanket, but I bet it's Sue. Silhouette nang babae yung nakita ko before I closed my eyes.

Hindi ko alam kung gano katagal akong nakaidlip, but I suddenly felt so light. Sinubukan kong tignan kung anong nangyayari. I tried to open my eyes pero konting ilaw lang, nasisilaw na 'ko.

So I let myself fly.

Next thing I knew, nasa likod na 'ko nang sasakyan at nakahiga. Nasusuka ako. Shet. Wait.

"Damn, no. Don't you dare throw up inside my car!"

Wow, english. It's definitely not Neil, kasi hindi nya dala car niya. Obviously hindi si Tristan dahil pagtatawanan ko lang pag-eenglish niya saken. Si Russell siguro.

Yeah, it's definitely him. With the accent and kaartehan.

"But Russ, nasusuka na 'ko."

Itinabi niya yung sasakyan niya. He turned around and open the car for me, inalalayan niya 'kong bumaba nang sasakyan. Hindi ko na napigilan at sumuka na ko sa may damuhan.

Matapos iluwa yung intestines ko, nakapikit akong naglakad pabalik nang sasakyan. Russell still assisted me. Kahit ang bigat-bigat nang mata ko, pilit ko siyang tinitignan. But I can barely see his face.

Bat ganun? Same hair pero iba structure nang mukha? I'm so drunk so I'm really not sure. I tried reaching his face, and I felt him freeze under my touch. Mapanga si Russell, this one's not. Napatingin ako sa damit niya. Iba to sa suot ni Russ kanina. At kelan pa siya naging K-pop? What the heck.

I was about to mock him.

Pero bago ko pa mabalik ang paningin ko sa mukha niya, everything went black.

Paradox [BoybandPH]Where stories live. Discover now