t h i r t y - o n e

37 0 0
                                    

Ayoko pang umuwi.

I told him to drop me off at their shared apartment, where Niel is also staying, but this guy had the audacity to be stubborn at hinatid ako kila Sue instead.

Di nagtagal, nakarating na kami sa shop nila. Napataas ang kilay ko nang makitang nag-aabang sa labas ang bestfriend ko.

She knows we're coming?

"Tinext mo talaga siya?" I asked him in an incredulous tone.

He just nodded at me.

"Kapal ng mukha mo talaga. Di lang ako inistorbo mo." I told him but he just shrugged.

"I'll be back in an hour. Wag kang aalis."  He freaking ordered.

Well, I would have normally fought him on that but I'm too lazy to even talk. Bigla akong tinamad, ultimo tumango di ko magawa.

Nang nasiguro kong tumigil na nang tuluyan ang sasakyan, nagmadali akong bumaba. Ngunit bago pa ko nakalabas, narinig kong nag-hoy siya saken so I faced him.

"No goodbye kiss?" He asked playfully.

Ulul.

Inirapan ko lang siya at binagsakan siya ng pinto.

▪▪

Sue was giving me weird looks since I came here and it's starting to get into my nerves.

"Problema mo?"

She shrugged.

What's with people and shrugging today?

I sighed loudly and continued sorting some items. Apparently, wala ang pinsan at lola niya. Kaya tinulungan ko na siya dito because I have nothing else to do anyway.

Maya-maya lang tumunog ang chime, which signalled someone just came in.

"Pizza!" My bestfriend exclaimed.

I felt a bit disappointed.

Na-hopia ka no?

"Anong meron sainyo ni Joao?"

I was on my second slice when I almost choked at my bestfriend's sudden question.

"Pinagsasabi mo?"

"Sus. Lagi nga kayong magkasama eh."

"And so? Umaalis din naman tayo na tayo lang ah?"

Hindi siya kumbinsido sa sagot ko, kaya mas lalo kong gustong depensahan sarili ko.

"Wag mong lalagyan nang malisya pagkakaibigan namin. Napaka mo."

"Eh siya? Wala bang malisya sa kanya?"

"Ano ba? Can't we just eat our food in peace? Mahiya tayo sa pepperoni sa pizza natin."

Tinaasan niya 'ko nang kilay, with that annoying smile still in her face. But thankfully, she dropped it.

We went back to what we're doing pagkatapos namin mag-merienda. Nang matapos kami, sinabihan ko siyang gusto kong munang maidlip. Sadly, wala silang room dito kaya wala akong choice at sa table matulog.

"Bakit di ka na lang umuwi na? Okay na din naman na 'ko dito? Pabalik na din yun dito sina Lola maya-maya." She asked.

I am so tempted to call Tristan para sunduin ako, but I didn't do it.

"Wala pa 'ko sa mood umuwi."

Tumalikod na 'ko agad at pumunta sa maliit na desk nila sa likod ng shop, afraid that my bestfriend would see through my lies.

Paradox [BoybandPH]Where stories live. Discover now