Chapter 7

2 2 0
                                    

Kellie POV

Feeling ko ako ang pinakamasayang tao sa mundo ngayon.Nagbati na kami.Kami na!!! Sana hanggang sa huli kami parin.

"Oh kainin mo yan ha?" Sabi ni Jirro

"Opo"

Nagpasiya kaming dalawa na maglunch.Nakakatuwa nga yung ibang lalaki.Sabi nila sayang at taken na ako.Hahahaha.Ito namang si Jirro parang tatay ko kung makapagsalita.Kesyo bawal daw ako mapagod,siya na daw gagawa ng Gawain ko kapag may inuutos sakin na mabibigat.

"So!Pano ba yan mission failed tayo Jirro" sabi ni Sabrina na ikinakunot ng noo ko.

"Kasi dapat isusurprise ka niyang si Jirro sa valentines kaso ikaw naman may sakit pala ayan mission failed." Pagpapaliwanag ni Cliff

"Hahaha...Ayos na yun.At least kami na" mayabang na sabi ni Jirro

"Huy pasalamat ka at pinahiram ko ng sandali ang girlfriend ko.Selos na kaya ako." Sabi ni Cliff

"OK na yun babe at least nakatulong tayo" sabi ni Sabrina

Umalis na kami sa canteen at pumunta ng classroom.Nagsimula na ring magklase at nagquiz pa.Magkatabi kami ni Jirro sa upuan at balak na naming sabihin sa magulang namin na kami na.

Cring {bell ring}

"Tara uuwi na tayo." Sabi ni Jirro at hinawakan ang kamay ko.

Nag commute kami ni Jirro.Halos mga 15 minutes lang naman ang byahe.Ng makarating kami ay nakita naming magkakausap ang mga magulang namin.

"Wait I smell something" sabi ni mama at napatawa nalang kami ni Jirro.

"It means ba kayo na?" Tanong naman ng mama ni Jirro.

"Yes mom" sagot ni Jirro "tita mallou pwede po bang maging girlfriend ko ang anak niyo?"

"Yes ijo.Diba hon?" Si mama

"Basta wag mong papaiyakin ang anak namin" sabi ni dad

"Tanga na lang ang magpapaiyak sa reyna ko" sabi ni Jirro.

"Tara na.Kumain na tayo" sabi ng mama ni Jirro

Sa bahay Nina Jirro kami kumain.Halos about sa future namin ang pinag usapan kung ano ba daw ang motif ng kasal namin.Si Jirro naman puro naman sagot na basta sa kasal namin ay sa simbahan at magpapagawa siya ng sarili naming bahay.

About nga pala Kay Jericho Hindi naman pala sila dito titira binisita lang nila yung Lola niya.Kakaalis lang nila kanina

Nagpaiwan ako at umuwi na sina Mama at Papa.Atsaka napakalapit lang ng bahay namin.Pumunta muna kami ni Jirro sa dating tambayan namin,dun sa malaking puno kung saan ako umiiyak.

"Jirro ah... Napag isipan kasi namin Nina Mama na bumalik ng Manila"panimula ko

" Babalik ka naman diba?"tanong niya

"Oo.Mga one week lang kami dun para magpatingin sa doctor tapos uuwi nadin kami.Atsaka ayoko ng mawala ka sakin" sabi ko sa kanya

"Pangako?"

"Pangako!!!"

Jirro POV

Umuwi na kami ni Kellie.Kahit na alam Kong babalik siya.Parang nalungkot ako na aalis siya at babalik ng Manila.Sana bumalik siya.

"nasabi na ba sayo ni Kellie na babalik silang manila?" Bungad sakin ni mama

"Opo.Babalik naman po sila,tulog na po ako" sagot ko at pumasok ng kwarto.

Paano kaya kung hindi siya bumalik?Aysss...Ano ba tong iniisip ko?Sana tumagal ka.Aba siyempre naman na magtatagal kami.

Ayss...Makatulog na nga.

Kinabukasan~~~~~

"Sh..wag ka ng umiyak Hindi kita ipagpapalit atsaka dapat ako ang umiiyak kasi ikaw ang aalis" sabi ko sa kanya

Aalis na kasi sina Kellie ngayon.Ayaw niyang sumama baka kasi daw pagbalik niya ay may iba na akong babae e siya nga lang naman ang babaeng minamahal ko.

"Oh sige ha?Isang linggo lang naman eh.Basta tatawagan mo ako ha?" Tanong niya at pinunasan ang luha niya.

"Oo naman.I love you" sabi ko at hinalikan ang noo niya.

Sana ganito nalang kami.Yung lagi nalang kaming magkasama,magkatabi at nagmamahalan.Sana

"Bye I love you" pagpapaalam niya

"I love you too" sagot ko.

Pagbalik mo malulunod ka sa pagmamahal ko.Pagbalik mo gagawin ko ang lahat para lang Hindi mawala ang tiwala mo at pagmamahal mo sakin.Pagbalik mo ikaw lang at ikaw ang laging kong bukambibig at pagbalik mo Hindi na kita hahayaang umalis sa tabi ko.

ChangesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon