Chapter 10

2 2 0
                                    

Kellie POV

Tumapat sakin ang spotlight at sa hindi inaasahan may lalaking biglang sunulpot sa harap ko.Gwapo siya.Siguro may shota na siya.Nako maganda Siguro ang girlfriend niya,napakagwapo eh.At siyempre ako ang shota niya no.

"Hi my princess" sabi niya

"Jirro"

"Shhh .wag kang umiyak pumapanget ka eh.Let's dance."

Alam niyo ba kung bakit bigla akong umiyak?Kasi yung mga ngiti niya.Ngayon ko na lang makikita ang mga ngiti niya.

Kinuha niya ang kamay ko at nagsimulang sumayaw.Lahat ng paningin nila ay nakatingin saamin.Ito na ba ang huli?Ito na ba ang last day ko para maging masaya.

"Kellie,promise me na Hindi ka na aalis ha?" Jirro said

"I can't say promise to you" sabi ko at kita ko sakanya ang lungkot "because I stay.Dito lang ako."

Niyakap niya ako ng mahigpit habang sumasayaw.Sorry but Hindi ko alam kung makakapagstay pa ako.Ang sakit.

Nagsimula ng tumuloy ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.Ayoko pang umalis pero kailangan.Ayoko pang umalis kasi Ayokong iwan sina mommy.At Ayokong iwan si Jirro dahil alam Kong hindi  niya kakayanin.

Kung Hindi sana ako.Kung Hindi sana ako ang nagkasakit sana makakasama kami ng matagal.Pero Hindi ako ganon.Ayoko din ang iba ang mag suffer sa ganitong lagay

"Jirro?"

"Hmm?"

"Paano kung ito ang last day ko?Paano kung maiiwan kita?"

"Edi susunod ako" with matching fake na tawa

"Seryoso ako"

"Yeah.Susunod ako sayo sa hukay at gagawa aki ng paraan para magkasama parin tayo" seryoso siya.

"OK"

"Bakit may balak ka sigurong iwan ako ano?"

"Aba naman Jirro.siyempre wala naman"

"Please dont leave.Hindi ko alam ang mangyayare sakin ng wala ka."

Jirro pov

Ang sakit.Ang sakit makitang nagpapakatatag ang taong mahal mo para lang maging masaya ka.Ang totoo niyang alam ko lahat.Alam naming lahat na ito ang araw na mamatay daw siya.

Flashback

"Hi doc" panimula ko at isinarado ang pinto.

"May maitutulong ba ako sayo?"tanong niya.

" pinapasabi nga po pala ni Kellie na nakalimutan niyang itanong ang mga gamot niya para iinumin niya."

"Hindi ko pa ba nasabi na Hindi na siya mag tetake ng gamot kasi after 1 week ay malalaman natin ang resulta niya" sabi ni Doc

"Mamatay po ba siya?"

"May possibility na mamatay siya but may kaonting pag asa na mabuhay siya sa sakit niya" sagot ni doc

"Ganon po ba?sige po alis na po ako"

Pagkasarado ko ng pinto ay umiyak na ako.Ibig sabihin,kung kelan ang birthday niya ay saka siya mamatay?

End of Flashback

May ambulansiya na sa labas kung sakaling mangyare man ang kinatatakutan ko.Ayoko pang mawala siya.Ayokong iwan niya ako uli.

"Kellie?"

"Hmm?"

"Kung sakaling iwan mo man ako pwede bang magsabi ka naman?"

Ano bang pumasok sa kokote ko at nasabi ko yoon?Nakita ko sa mga mata niya ang luha,lungkot,at panghihinayang.Hanggang dito na lang ba?

"Jirro.....Mangako ka na kapag iniwan kita...Hindi ka magbabago,Hindi ka mag iinom,At siyempre hanapin mo ang babae na magpapasaya sayo habambuhay dahil alam Kong Hindi ako yoon" sabi niya ng umiiyak.

"Shhh.hindi ka mawawala ok?Lalaban tayo sa lahat.Lalaban tayo sa mga pagsubok na dapat naging harapin.Hindi ka aalis.Hindi mo ako iiwan nangako ka.Bumalik ka pero sana wag ka ng umalis" sa pagkakasabi Kong yun ay umiyak nadin ako.

Unti-unti Kong nilapit ang mukha ko sakanya.Hinding hindi ko malilimutan ang araw kung kailan kami nag kakilala.Kung gaano siya kabait.Naglapat ang aming mga labi.

Ten

Nine

Eight

Seven

Six

Five

Four

Three

Two

One

"I love you" sabi niya

Hindi ko alam pero bigla nalang akong nagwala.Pati mga tao Hindi alam ang gagawin.Bigla nalang siyang nahimatay.Eto na ba?Eto na ba ang sinasabi ni Doc?

"Kellie gising....Kellie please mahal kita wag mo naman akong iwan oh.Kellie please I'm begging you wag mo akong iwan." Paggising ko Kay Kellie.

Sinakay si Kellie sa Ambulansiya at ako ang sumama.Hindi ko alam kung anong mangyayare sakin kung sakaling mawala siya.Magbabago ang lahat kung aalis siya.Hindi ko kaya...

Ibinababa si Kellie sa malapit na hospital dito.Habang papasok kami sa O.P (operating room) bumibigat ang hakbang ko.

"Sir hanggang dito nalang po kayo" sabi ng isang nurse sakin

Hindi ko alam ang gagawin.Dumating din sina mama ng umiiyak at si papa naman ay kinocomfort ako.

Ito na ba ang huli?

ChangesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon