Chapter 1. Lianne Patrice De Encarnacion

12 0 0
                                    

15 years old. 3rd year Highschool student. Chubby, 5"2 ang height. Cheerful. Optimistic. Walang pakialam sa mga negative things. Loves eating, loves to chat with bestfriends. LOVES to paint or sketch. Sabi nila talented ako diyan. Pero kahit ganyan ako, mayroon at mayroon akong di ko kayang mabago sa sarili kong pagkatao. Depression. "Hoy, baboy." .. "Wag ka maglakad, baka lumindol." .. "Di bagay sayo maglagay ng pulbos, mukha kang donut na may confectioner's sugar." .. "Patay gutom." .. "Tababoy."  Lahat ng yan ang dahilan. But I was good at hiding negative emotions, kaya nga akala ng madami, halos wala akong bahid ng problema. I felt like a professional person, na magaling magtago. In short, magaling mamlastik ng nararamdaman. You might think na ako yung taong nagbibigay ng happiness sa iba, then you're right. Pero kung iisipin mo na positive ako lagi, dinadaan sa mga tawa ang problema, then you're wrong. As I said, magaling ako magtago. 

I was born on May 15th, 1997. Malusog ako nung pinanganak ako, halata naman sa appearance ko ngayon. I have nothing much to say tungkol sa pamilya ko, at yon ay sa 'only child' lang ako. Baket nga ba only child lang ako? Baket tinamad na ang mga magulang ko na gumawa ng isa pang anak nila, na magiging kapatid ko at aalagaan ko? Yan ang mga tanong na pumasok sa isip ko na hindi ko nasagot hanggang sa lumaki ako. "Mama, kelan po ako magkakaroon ng sister?" ... "Nak, pasensya ka na haa. Wala pa ang sister mo eeh. Hayaan mo, pagbalik ni daddy mo kasama na niya kapatid mo, okay?" ... "Okay po." I was only 6 or 7 years old nung tinanong ko siya ng ganyan, pero hindi ko parin naintindihan si mama. 3 years later nagtanong ulit ako, "Mama, kelan babalik si papa?" ... "Matagal pa anak eh. Uuwi din naman ang papa mo. Wag kang mag-alala. Dadating din siya." Tinanong ko ang sarili ko, kelan nga ba? I missed my dad so much na araw araw akong tulala sa klase, only thinking about my dad, siya lang at wala nang iba. Finally, 4 years later, nakausap ko siya. But then instead na matuwa ako, lalo lang akong nanlumo. Hindi padin siya umuuwi. I was becoming more mature, at narealize ko nga, may problema silang dalawa ni mama. I pretended na hindi ko alam an nangyayari. I love them both, at ayokong masira ang relasyon nila. Lalo na ang naging resulta ng pagmamahalan nila, which is ako. Dahil sa problema nila, unti-unti akong nasisira. Althrough that year, I felt like burning in my own hell. Hanggang ngayon. 

"Lianne, anak? ... Gumising ka na. Malelate ka na oh." 

Sabi sakin ni mama habang niyuyugyog ako sa balikat. 

"Bangon naaaa. Susunduin ka ni Chris dito diba?"

"Opo.."

Kinuskos ko ng maigi ang mga mata ko, bumangon sa kama at lumabas ng pintuan ng kwarto.

"O, tara anak. Kain na tayo."

Yaya ni mama sakin sa hapagkainan. Napunta ang mga tingin ko sa mesa namin. Lasagna, Egg Pies at Burger patty ang mga pagkain na nakita ko. I fell inlive with the sight of it.

"Wooooow, Ma! Birthday ko ba? Hahaha, lahat ng paborito kong pagkain nandito aah. Dami oh.."

"Ahaha, para sayo talaga yan nak. Pano, eh 'di ba nakapasok ka sa Top Achievers?"

"Ayy, Oo nga noh. Hihihi, Thanks, Ma!"

"O siya sige na, kumain na tayo. May pasok pa tayo."

Natuwa ako nung oras na yon, dahil kabisado na ni mama kung ano ang gagawin pag ipinasa ko ang mga subjects na dapat kong ipasa. Kumain kami ni mama at nauna ang isa samin na maligo.

"Nak, antayin mo nalang ako dito mamaya pagkagaling ko sa opisina. Ipagluluto uli kita."

"Hahaha, grabehan lang, Ma? Haha, Sige po, ma."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Skinny LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon