chapter 5

14 0 0
                                    

Chapter 5

Hay matapos tumawag si mama hindi na ako nakatulog kaya nag exercise nalang ako tapos nun eh nagprepare at maagang pumasok sa school.

Maaga nga talaga ang mga varsity players. Eh kung sumali kaya ako? Wag nalang. -____-

Nakita ko naman si Senjo na naghihilamos. Katatapos lang ata ng laro nila.

"Good morning." bati ko, pero he just snobbed me. Problema nya?

"Oh? bakit? baka matunaw ako." hindi ko namalayan na nakatingin na pala ako sa kanya.

"Wow!!! grabe ang hangin dito. May naligaw ata na electric fan. Hooooo!!"

"Ako naman talaga tinitingnan mo eh." ooh nga pero.

"Ewww, bakit naman kita titingnan aber??"

"Wag ka ngang magdeny." tapos lumapit sya sakin, ako naman panay ang atras hanggang sa nacorner na ako at linagay nya yung dalawa nyang kamay sa shoulders ko.

OMG!!! Can't breathe!!! BA't ba ako kinakabahan? TUG-dug-TUg-dug-TUG-dug-TUG-dug..... 

lumapit pa sya sakin hindi ko alam pero napapikit nalang ako.

Bigla naman syang tumawa.

"Hahahaha!!" kaya napamulat ako.

"H-hoy!! ba't ka tumatawa?" feeling ko tuloy napahiya ako. BA't kasi pumikit-pikit pa ayan tuloy!

Bigla nyang hinawakan yung ulo ko tapos kiniss ako sa noo.

O.o

Omooooo!?

Bakit nya ginawa yun?!

"Namumula ka!" sabi nya sabay talikod.

SWEARRRRR!!!!!!!!!!! NAKAKAHIYA!!!!!!!!!!! Feeeling ko tuloy ang pula-pula-pula-pula ko!! Kainis na Senjo yun eh.

"Hoy!" Ahy butiking kabayo!

"Ano ba Jas?" kainis tong besplen kong to eh!

"Kanina pa ako nagsasalita dito nakikinig ka ba?" ahy oo nga. Lutang nga isip ko panu ba naman kasi eh recess na pala namin tapos yung utak ko pabalik balik dun sa halik ni Senjo!! >.< Inis eh!!!

"Ah ano eh. Hehehehe. Ako raw kasi yung contestant sa physics contest."

"Ah? talaga? Waaaah!! congrats bestfriend!" tapos niyakap nya ako.

"Aray ko best."

"Hehehe sorry."

hmm. matanong ko na nga lang tong bestpren kong masecreto.

"Best, di buh sabi mo dati crush mo si Nigel?" namula naman ang loka. Ouh ganyan sya palagi pag si Nigel ang pinag-uusapan.

"Wag kang maingay!! Nukaba!!" tapos tinakpan pa nya yung bibig ko.

"May rumors na may 'kabit' daw sya, how true is that?" bigla naman syang natigilan sa sinabi ko.

"E-ewan, hehehe hindi naman kami masyadong close eh. Tsaka, baka chicka lang sikat si Nigel eh, gwapo pa at maraming alam na sports, siguro nainsecure lang kay Eliza yung mga yun kaya gumagawa ng tsismis."

"Sabagay, may point ka naman."

"Hay, andami ko pa palang gagawin sa club."

"Kaya nga naging sikat ka bestfriend eh. Napakahardworking mo na president. You really deserve that position." napatingin naman sya sakin at ngumiti.

"Alam mo best, I can't turn them down. Mataas ang expectations nila sakin, minsan nga nakakpagod na, tao lang rin naman ako eh, nagkakamali rin. Pero kahit anong mangyari gagampanan ko parin ang trabaho ko." parang may pinanghuhugutan itong si bestfriend ah.

"May problema ba best?" bigla nalang akong napatong.

"Hahaha nuh ka ba, wala no."

Matapos ang recess. Pinapunta na naman ako ni maam at binigyan ng sandamakmak na physics reviewer. Hayyy.. Buhay... 

ayos naman ang klase actually palabas na kami ni Jas ngaun.

"Narinig mo ba yung chicka?" malakas na sabi nung babae.

"Bye pres." binati nila si Jas tapos nagbulungan ulit. (Naririnig namin ang bulungan nila.)

"Ouh nga eh confirmed na, grabe ah kaklase pa talaga nila. That slut! Panu nya nasulot si Nigel? everyone knows na may girlfriend na cya."

"Ouh nga girl eh di na nahiya."

Tapos nun nawala na sila.

"Hay, mga babae talaga wala nang magawang tama sa buhay." sabi ko naman. pero si Jas di sumagot. Nakatulala lang sya.

"Hoy Jas, ayos ka lang ba?"

"hA-ah, may sinasabi ka?. Ano kasi, m-may nakalimutan ako sa room. B-babalikan ko lang. Mauna ka na." tapos yumuko sya at bigla nalang tumakbo. Problema nun? Baka importante nga club thing siguro.

While palabas na ako may tatlong babae naman na humila sakin kaya napasandal ako sa wall.

"Aray, nasasaktan ako."

"Kulang pa yan sa ginawa mo!" sabi naman nung isa.

Wait? Anong ginawa ko? Could this be? Senjo's girlfriend? Tapos gagantihan ako dahil sa ginawa ko? Nakita nya kaya kami?

"No, you got it wrong, si."  

*Pak*

Napahawak nalang ako sa pisngi ko.

"Ano bang problema mo?!" galit na ako nyan. Ikaw kaya ang sampalin?

"Ikaw ang problema namin!" sabi naman nung isa.

"Bakit? Ano bang ginawa ko ha?"

"Wag' ka ngang mag-maang maangan!" tapos hinila nung isa yung buhok ko.

Warshak tong gerlpren ni Senjo ah! Amazona!

"Aray ko! Pwede ba, kung yung kanina ang ibig mong sabihin you got it all wrong!" gaganti na sana ako pero.

"Tama na please." nakita ko naman yung babaeng familiar yung mukha medyo namumugto yung mga mata nya umiiyak kasi.

"Sabihin mo lang samin kung gusto mong kalbohin tong babaeng to dahil gagawin namin." sabi naman nung isa.

"Sino ka?" hindi ko naman to kilala eh, at wala rin akong atraso sa kanya.

"Ang lakas talaga ng loob mo no?! sya lang naman ang girlfriend ng kinalantari mo!." h-ha?

"Girlfriend ni Senjo?" girlfriend nya yan? ganu ba karami ang girlfriend nya?

"Aba! At may plano ka pang agawin si Senjo?! Aba ang landi-landi mo talaga!" tapos hinila na naman nila yung buhok ko. Di na ako nakapagtimpi kaya hinila ko na rin yung sa kanila. Kala nila sakin? hindi gaganti?! Nagkakamali sila!

"Stop it!" npatigil nman kaming lahat dahil sa boses na narinig namin. Si Senjo. Mabuti nga nandito ka na nang mahimas-masan tong warshak mong mga girlfriend.

Binangon na nya ako. At inayos yung unifrom at ayos ko. Halos mangiyak na ako, ang sakit kaya masabunutan.

"Eliza please stop it!" sabi naman nya ng mahinahon ka Eliza.

"Ganon-ganon nalang yun? mag katulad lang naman kayong mga lalaki eh!" sabi naman nung isa.

"Shut up okay! She's my girlfriend and it pains me to see her like this! Bakit ba sya ang pinagbubuntunan nyo ha? Whoever made that humor is just an insecure girl. Ano ka ba Eliza? kailangan ba talagang umabot pa sa ganito? Sh*t! kilala mo si Nigel. And alam mo na hindi sya gagawa ng kung ano mang ikasasama mo. So please don't jump into conclusions. I don't want this to happen again. Ayusin nyo yung problema nyo. And as for you girls. (Death stare sa 3 witches(pero gwapo parin)) Leave my girlfriend alone kundi mananagot kayo sakin."

Tapos hinila na nya ako papalayo sa mga babae. Bakit ba ngayon ko lang napansin na ang bait pala ng cassanova na'to.

He is my sister's ex-boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon