Chapter 3
Two days na ang lumipas matapos yung incident na yun. Yung katabi ko naman dalawang araw na rin absent. So pangatlong araw na nya ngayon kung absent parin sya. Teka, pakialam ko naman kung umabsent sya dibuh? Napag-alaman ko rin na si
Tyron pala ahy isa ring dakilang hearthrob yun nga lang nasa kabilang section sya, actually matalino raw sya pero sya mismo nagrequest sa principal na malipat say dahil nandun daw yung basketball buddies nya. Barkada nga naman. Tinanong ko rin si Jasmin kung ano yung ginagawa nila ni nigel sa likod ng gym, sabi naman ng loka na nagpapatulong lang raw si Nigel kasi nalilito sa club na pipiliin nya, katulad nya kasing mahal ang pagbabasketball at pagsasoccer. Napag-alaman ko rin na sikat na sikat pala ang aking bespren dahil sya ang president ng SB nila. Ako kasi mahina sa leadership eh. Hayy, bago pa ako malate kailangan ko ng pumasok.
Maaga pa naman eh, pagkapasok ko wala pa masyadong students pwera nalang siguro sa mga varsity. Naisipan ko naman na pumunta sa garden.
Nakita ko si Senjo dun, may kahalikan na babae.. -______- Ewan ko pero parang biglang nag-iba yung mood ko nung makita ko yun. Para akong nabadtrip na ewan. Panu naman eh, kay aga-aga pa naglalandian na agad ang nadatnan ko.
First period na.
"Mabuti naman at nakabalik kana." bati ko sa seatmate ko.
"Bakit? namiss moko?" nag killer smile pa ang loko.
"Hindi ka nalang sana bumalik." at mas lumaki pa ang ngiti nya. Oh na sya na gwapo. -___-
"Eto naman, hahaha, wag kang mag-aalala pag natapos ko na yung bagong chicks ko ikaw ang ipapalit ko."
Pinandilatan ko sya. Ayoko nga, ewww!! No way!!!
"No way."
"Yes way, tsaka kunyari ka pa, eh may gusto karin naman sakin." KAPALMUKS!
"Yuck? Ikaw? Magugustuhan ko? Ewww.. wag na uie." oo nga naman kung sya nalang man din wag nalang.
Tumawa lang sya ng bongga na mas lalong nagpasira ng araw ko. May sungay talaga tong lalaking to lakas mambadtrip.
Nagtest lang naman kami. Physics kasi first period. Yung thermodynamics. Panay na ang pagsagot ko, tapos alam nyo kung ano yung ginawa ng katabi ko? Sinulat lang nya yung pangalan nya tapos wala na syang ginawa. Sabi nya katamad raw magsulat kaya dinectate nya sakin yung sagot. As in, alam nya lahat pati formula, nag-advance ata pero ang weird nya talaga bakit kaya di sya sumagot? Sabagay bahala sya sa buhay nya.
Matapos nun nagercess na. Magkasabay naman kami ni Jasmin papunta sa canteen, as usual, nakasanayan ko na na may bumabati sakanya araw-araw ng 'good morning' dahil nga president sya at sikat and all. Umupo na kami sa upuan, bigla naman akong naiihi kaya pumunta ako sa cr. Paglabas ko run nakita ko na naman si Senjo na may kausap na ibang babae. Tsk, nagyakapan pa, di na nahiya.. -____- Ang lantad kung maglandian. Sabagay, pakels ko naman dyan?
On my way back to the canteen. Narinig ko na naman yung chissmiss na may kabit itong si Nigel. Ang blind item daw ahy hindi nila kilala ang babae. Nasa isang 6 months relationship na daw pala si Nigel. Hindi ako chismosa ah, narinig ko lang. May chicka rin na 'bakit ba wala pang boyfriend yan si Miss Pres? Eh maganda naman sya ah?' Paki-alam nyo naman kung wala? Bakit kayo, bakit wala kayong magawa kundi pagchismissan ang ibang tao? sarap rin sagutin ng mga to. Narinig ko rin na 'may bagong chicks na naman si Senjo hay!! sana ako sunod' muntik na akong masamid dun. Alam naman natin na playboy yun kaya kung pwede lang araw-araw may bago sya gagawin nya..at narinig ko rin na 'wala ring girlfriend si Tyron', 'baka sila ni Jasmin dibah?' ahy ang chismiss nga naman walang katotohanan. At tsaka narinig ko rin yung pangalan ko, na ang ganda ko daw. ^^ feelingera.