KABANATA 2

4.7K 44 4
                                    

KABANATA 2

Takot na takot at pawis na pawis si kristal noong gumising ito.

Galing sa pagkakahiga.

Nagising ito dahil sa tunog ng alarm clock nito.

At dahil narin sa bunganga ng maingay na nanay nito.

“gising na Kristal…malelate ka na naman nyan sa school”

Sigaw ng nanay ni kristal sa kanya.


Kinuha nito ang tuwalya.

At bumaba na sa sala nila.

At dumeretso na ito sa cr nila.


Naghubad ng suot nitong damit.

Kinuha ang tabo.

At ibinuhos unti-unti sa katawan hanggang sa nabasa na ang buong katawan nito ng tubig.

….

Pagkalipas ng ilang minuto ay natapos narin ito sa pagkakaligo nito.

Dumeretso sa kwarto at nagbihis.


Tumingin ito sa salamin.

At naalala ang masamang panaginip na kanyang napanaginipan.

“ang weird parang totoo”

Bulong nito sa sarili.


Nagsuot na ng uniform at bumaba para kumain ng agahan.


“haist malelate ka na naman nyan…bilisan mo para sumabay ka na kay trevor.”
Sabi ng nanay ni kristal sa kanya.


“huh??? Bakit ako dun sasabay??? Eh dadaanan raw ako ni joseph, dun ako sasakay sa bisekleta nya!”
Sabi ni kristal sabay subo ng pritong bangus na inihanda sa kanya ng kanyang ina.


“eh….gusto ka raw nyang makasabay….alam mo na…nanliligaw!”
Sabi ng nanay ni kristal na para bang gusto si trevor para k ay kristal.


“ewan ko sa iyo nay…hmpf basta sasabay ako kay joseph”

Biglang tumunog na ang busina ng bisikleta ni joseph.


Beep….beep…beep.

“oh ma andyan na pala si joseph….sige nay….ahm….nay…ipagbalot nyo po ako nito..ang sarap eh.”
Sabi ni kristal sa nanay nito.


“haist bahala ka…baka mainpeksyon kapa sa bisikleta ni joseph…oh..eto na….mag-ingat ka huh….pasaway na bata…”

“nay….wag na po kayong magalit…sige papangit kayo nya”

“sige na…umalis kana…marami pa akong gagawin”

Sabi ng nanay ni kristal habang naglilinis ng pinagkainan ng anak.


……

“ang tagal mo naman…malelate na naman tayo nyan eh”
Sabi ni joseph sa kaibigan si kristal.

“eh..si nanay kasi..pinipilit akong isabay dun sa mayabang na si trevor eh…alam naman nya na ayaw ko sa mokong na iyon”

Sabi ni kristal habang umaangkas ito sa harapang ng bisikleta ng binatang si joseph.

“buti naman….kung dun ka sumabay….hindi na kita…ihahatid kaylanman!”

Tampong sabi ni joseph.

“ay sus nagtampo naman kaagad ang bestfriend ko…wew…di bagay ah..ikaw lang kaya ang gusto kong mag-hatid sa akin”

Sabi ni kristal sabay pisil sa pisngi ng binata.

“ano??? Ba??? Mababangga tayo nyan eh…umayos ka nga..ang bigat-bigat mo eh!”

Sabi ni joseph kay kristal.

…….

Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating na ito sa kanilang eskwelahan.

Ang san sebastian national highschool.



“ay nandito na pala ang gustong tumakbong presidente ng student government”

Bati sa kanya ng isang bulling lalake na si PATRICK.

Sumagot si kristal.

“eh ano naman sa iyo???? Kung tumakbo ako??? Bakit??? Natetatakot ka??? Na baka hindi ikaw ang manalo??”

Matapang na sagot ni kristal kay patrick.

“aba mayabang pala talaga itong babaeng ito”
Sabat naman ni VON kaibigan ni patrick.

“humanda ka…tingnan natin kung hanggang kelan ka magmamatigas ng ganyang.”


Banta naman ni INO. Kasamahan din ni patrick.

“well….good luck nalang….good luck nalang sa iyo KRISTAL”

Sabi ni patrcik.


Naputol lang ang usapan noong dumating ang teacher nilang si MAM IRMA.


“oh?? Ano na naman ito?? Patrick??? Nagsisimula ka na naman ng gulo???”

Bungad ng teacher nila kay patrick.

“aba mam…hindi ah,…..mabait nga ako ngayon eh, gumawa po ako ng assignment…at si kristal??? Friends kami nyan diba??? Tala??? Anyways mam….kinakausap ko lang ang magiging karibal ko sa pagiging presidente ng student gov. dito sa san sebastian….masama po ba iyon???”

Tanong ni patrick sa guro nila.

“basta…kapag nagsimula ka pa ng gulo dito patrick makikita mo…makikita mo talaga…hala sige magsipasok na kayo at magsisimula na ang klase”

Sabi ni ms. Irma.

…….

Pagkalipas ng 4 na oras.

Break time na nila.

Lumabas sila joseph, kristal, at si sofia.

“pwedeng sumama??”

Tanong ni trevor sa mga classmate nito.

“ahm??? Uy…sasama raw si mr. yabang!”

Bulong ni joseph kay kristal.


“ano??? Isama natin??? Mukhang kawawa naman eh”

Sabi ni sofia.

“bakit ako ang dapat syang magdesisyon…bahala kayo kung gusto nyo syang isama”

Sabi ni kristal sabay naglakad palayo.

“sumama ka na raw….yun ang ibig nyang sabihin”

Sabi ni sofia.

“salamat”

Sagot ni trevor.

……..

Sa may puno ng mangga sila nagpasyang kumain.

Malapit lang ito sa kanilang silid aralan.

Walang gaanong mga estudyanteng pumupunta dito dahil raw masyadong tahimik at napapaligiran raw ito ng mga engkanto.



“sus…maniwala ka naman sa mga sabi-sabi…..in my 15 years of existence here in this world…wala pa akong nakikitang mga engkanto…multo…aswang…or any creature na mga sinasabi nyo”

Sabi ni kristal kay sofia.

“ang tapang mo naman”

Sabat ni trevor.

“hindi kita kinakausap….anyways…kumain na tayo at baka…malate pa tayo…at pagalitan na naman tayo ni ms. Irma.”

Sabi ni kristal.

Biglang tumahimik ang paligid.

At biglang may narinig na maliit na boses si trevor.


“sino yung nagsalita??”


“narinig nyo yun??”

Tanong ni trevor sa mga kasamahan nito.

“uy…adik ka wag kang manakot ah….matatakutin ako”

Sabi ni sofia na natatakot sa sinasabi ni trevor.

“hindi….narinig ko talaga …isang maliit na boses….parang boses daga!”

Sabi ni trevor. Na nakunot ang noo.


“haist…baka daga lang talaga yun…wag mo ng pansinin….anyways…guys…ang weird ng panaginip ko kanina!”

Sabi ni kristal na balisang balisa ang mukha.

“oh??? Bakit naman??? Ano ba ang napanaginipan mo??”

Tanong ni joseph kay kristal.

“ahm….ang weird kasi parang nandun ako….yung parang nakikita ko talaga ang nangyayari sa kanya”

Sabi ni kristal

“sino sya???.....at ano bang nangyari??”

Takot na tanong ni sofia.

“ahm…ang pangalan nya ang liza….putol yung panaginip ko…eh…tapos parang napaginipan ko naman ang sarili ko after ng kay liza....nakakita ako ng duguan mukha ng isang babae sa cr namin…tapos tumunog ang alarm clock ko…ayun…nagising na ako”

Kumpletong kwento ni kristal.

“so creepy huh!”

Sabi ni trevor

“nakakatakot naman yun…haist…kaya nga di ako nanonood ng mga horror movies kasi yun ata ang ikaammatay ko…haist”

Sabi ni sofia.


Naputol ang usapan nila noong nakita ni joseph na paparating si ms. Irma


“uy…paparating na si ms. Irma…papalapit na sya rito”

Sabi ni joseph.

Yung aktong patayo na sila ay nakarating na si ms. Irma sa punong mangga.

“anong ibig sabihin nito???? Bakit kayo dito kumakain??? Diba may kafeterya??? May canteen??? Ano tumatambay kayo dito??? At ikaw….trevor..kabago-bago mo lang dito…kilala mo na ba itong mga sinasamahan mo??”

Sabi ni ms. Irma.

“aba mam…hindi namin sya pinilit na sumama dito ah…at mam…nahihiya kaming..kumain doon kasi…yung ulam namin…di bagay doon…at ang mamahal ng mga ulam doon kahit kanin mahal”

Sabi ni kristal.

“aba…marunong ka na talagang mangatwiran ah”

Sabi ni ms. Irma.

“mam…wag po..ahm…ako nalng po ang parusahan nyo….wag na po sya”

Sabi ni trevor.

“mam…ako nalang po….ako po ang pasimuno dito!”

Sabi ni joseph.

“wow..ganda mo teh….dala-dalawang lalake ang nagtatanggol sa iyo”

Bulong ni sofia.



“wag nga kayong epal….sige mam..kaming lahat nalang po!”

Sabi ni kristal

“huh??? Bakit napasama ako??? Dyan??? Ano ba tala!”

Sabi ni sofia.


“ok nakapagdesisyon si tala….kayo ang maglilinis ng palikuran kayo tala at sofia…sa cr ng mga babae.

At kayo trevor at joseph…sa mga lalake naman.


Kapag hindi malinis ang pagkakagawa nyo…malilintikan kayo sa akin”

Sabi ni ms.irma.


“shit….madapa ka sana”

Bulong ni kristal.

At sakto nadapa nga ang manang.


At tumawa ang magbabarkada.

The Black Rose [Revised Edition]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon