KABANATA 8

3.3K 25 7
                                    

KABANATA 8

At sumakay na nga ang magbabarkada sa isang bangkang nakapara sa may lawa.

Ang hindi nila alam na ang lawang yun ay may signage na DANGER.

Ibig sabihin bawal pumasok sa lugar na iyon…

Lalong…lalo na sa kwenbang pupuntahan nila.

………

Bumaba na sila galing sa pagsakay sa maliit n bangka.

“natatakot ako…tala”

Sabi ni sofia na takot na takot.

“ano ka ba??? Don’t worry walang mangyayari sa atin ok??”

Pangako ni tala sa kaibigan.

Nagsimula na silang maglakad papasok sa loob ng madilim na kweba.

……

Madilim ang paligid.

Medyo malamig ang lugar dahil narin sa may tubig sa dumadaloy na galing sa bundok papuntang dagat at sa lawa.

Biglang umihip ang hangin.

Nagtaasan ang mga balahibo ni sofia.

“guys…kinikilabutan ako guys”

“ano ba???? Sige na nga…bumalik na lang tayo”

Sabi ni trevor.

“ano kaba?? Nandito na tayo babalik pa tayo”

Sabi ni tala.

Medyo nasa gitna na sila ng kweba noong nagkakagulo sila.

“ano??? Aalis kayo??”

Tanong ni tala.

“hindi ko na talaga kaya”

Sabi ni sofia.

“ang arte mo naman bahala ka!”

Sabi ni tala sabay naglakad papasok sa kalooblooban ng kweba.

“tala!!!!!”

Sigaw ni joseph sabay sinundan ang kaibigan,

Habang ang dalawa ay mas piniling antayin nalang ang dalawa.

Sa pampang na malapit sa kweba.

……

“talaaaaaaaaaaaaaaaaaa”

Sigaw ni joseph.

Nageecho ang boses nila kapag nagsasalita sila sa loob ng kweba.

Si tala ay nagpatuloy sa paglalakad sa loob ng kweba.

Para bang may nag-uutos sa kanya na pumasok at haluglugin ang loob ng kweba.

Sa kanyang paglalakad.

Ay may narinig syang isang boses.

“TULUNGAN NYO AKO……..”

Sigaw ng isang boses ng babae.

“nasan ka??”

Tanong ni tala.

“TULUNGAN NYO AKO…….”

Paulit-ulit na sinasabi ng boses babae.

Hinanap ni tala kung saan nanggagaling ang boses ng sumisigaw, at humihingi ng tulong.

Hanggang sa huminto sya sa isang pader sa loob ng kweba.

Medyo makinis ang pader na iyon dahil narin sa pagkakabasa nito sa tubig na pumapatak galing sa mga stalaktites.

The Black Rose [Revised Edition]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon