Wawakasan Na Ba O Ipagpapatuloy Pa? 💔

15 0 0
                                    

Mahigit apat... apat na buwan na ang nararamdaman ko sa isang babaeng di naman yata kayang suklian ang pagmamahal ko?

Nagsimula noong oct 3 2016. Nang pumunta ako sa bahay ng aking kaibigan para bumisita sa kanila at tumulong sa ginagawa nilang proyekto kahit hindi ako kabilang sa grupong iyon..

Hanggang sa napatingin at nagkatinginan kame ng babaeng mahal ko at napasabe ako ng ang cute mo. Ngunit tinawanan nya lang ako..

Hindi ko alam, hindi ko alam para bang iba ang aking nararamdaman sa mga oras nayon. Na para bang nahulog o nafall ako sa kanya ng hindi ko inaasahan at di ko maipaliwanag kung bakit..

Habang sa tumagal tagal patuloy na talaga kong nahuhulog sa kanya at lagi ko na syang kinukulit..

Marameng linggo, araw, oras, minuto, sigundo ang pangungulit ko sa kanya.. lalo akong nafafall pag tinatarayan nya ko, at lalo akong nahuhulog at nahuhulog pag nginingitian nya ko.

Hanggang sa ilang mga araw. Lagi lagi na kameng naguusap nito sa chat. Umaga. Hapon. Gabe. At kahit madaling araw minsan.

Isang araw ikay nagtapat na akoy iyong gusto na rin. Ngunit hindi ako naniniwala dahil parang binibiro at pinagtitripan mo lang ako. Hanggang sa, Ikay nagalit sakin at ikay umiiyak dahil sa hindi ko paniniwala sa sinabe mong yon.

Isang araw meroon ulit kayong proyekto na gagawin sa bahay ng isa kong kaibigan. Hinintay at sinundo kita sa may kanto ng fil. At pagpasok naten sa subdi kung saan nandun ang bahay ng kaklase naten at tayoy inaabangan at pinagtitinginan at parang naninibago dahil nakita nilang magkasama tayo.

At pinatanong ko sa kaklase naten kung totoo ba ang nararamdaman mo para saken. At ang sagot mo ay oo. Ako ay kinikilig ng papigil dahil nahihiya ako. Haha, hanggang natapos na ang inyong ginagawa hinatid na muli kita sa kanto ng fil at siniguradong safe ang pag uwi mo.

At naalala ko one time, habang masaya kameng magkakasama ng aking mga kaibigan, bigla tayong nagkatinginan at inalis mo ang tingin mo na para bang tutulo ang iyong mga luha at sobrang lungkot ng muka mo na di maipinta. Hindi ko alam? Hindi ko alam kung bakit para bang bumabagsak at bumabagsak ang loob ko na para bang may mabigat akong kasalanan nagawaa..

Yun pala ay nagseselos ka dahil sa babaeng crush ko na kaibigan mo na kasama namen sa mga oras na yon.. isang araw akoy iyong inirapan na bigla nalang may kumirot sa puso ko na di ko alam kung bakit mo iyon nagawa saakin. Dahilan nanaman ng pagkaseloss..

Isang gabi akoy nagplano at humingi ng tulong sa kaibigan ko at kaibigan mo na sumama sa aking plano.. kinabukasan ay napaka lungkot at kabadong kabado ako sa gagawin ko na ang expectation ko ay sasampalin mo ko..

Uwian nun nung pumunta kayo sa simbahan kasama ang kaibigan ko at akoy humiwalay sa inyo at pumunta sa likod ng simbahan upang ayusin ang aking pakulooo. Sinabit ang banner na may nakasulat na "Sorry Cristine" habang naglalakad ka papunta sa likod ng simbahan akoy naka sunod sa iyo at biglang lumuhod ba humihingi ng patawad dahil sa pagkagalit mo saakin. Akoy iyong pinatawad at pumayag ka na yakapin kita ng mga sandaling iyon. Gumaan gaan na ang pakiramdam koo.

Ngunit. Ngunitt may isang sagabal sa ating pagiibigan, ito ay aking kaibigan na hindi ko alam kung nanadya na talaga. Napapansin ko at ng mga kaibigan ko na tuwing lalapit sya sayo. Tititigan ako at para bang nang aasar. And one time nagkausap kameat sinabe nya saaking "ang bait ni cristine saken, bat sayo ang taray?" Sabay ngiting nang aasar. Natahimik ako sa mga sandaling yun and deep inside sobrang sakit na sabihin saken yun ng taong pinagseselosan ko.

Ano nga ba naman ang magagawa ko? Wala naman akong karapatan diba, dahil hindi naman kita pag mamay ari. Hahayaan ko nalang sya at akoy maghihintay nalang kahit araw araw akong nagseselos sa tuwing lalapit sya sayo. Para bang akoy pinagsasaksak sa sobrang sakitt ng aking nararamdamannn..

At hanggang sa tumagal tagal parang unting unti nawawala ang nararamdaman ko para sayo dahil akoy nagmumuka lang tanga dahil sa ginagawa kong pagmamahal sayo.. at isang dahilan na rin ang pagkagusto mo sa kaibigan ko..

Halos ilang araw din ang ating hindi paguusap at tayong may sariling mundo na. At ang akala natiy wala na tayong paki sa isat isaaa.

Isang araw nagtanong ka sa gc ng ating section kung anong pedeng ipamagat sa gagawin mong storya.. at kinamusta kita at tinanong kung about saan ang iyong gagawing storya.

Ang sagot mo saken ay "Sa babaeng hnd ka move on dahil mahal nya si boy But si boy mahal pa rin sya ngunit ayaw n ni boy kc iniisip nya may mahal na tong iba kaya MA's gusto n LNG n boy n let go ung feelings niya" para bang napapaluha na napapangiti ako sa story na gagawin nya dahil nalaman kong may gusto rin talaga sya sakenn.

Simula non ay nagtuloy tuloy na ang istorya ng aming buhay, nagka aminan na mahal na namen ang isat isa. At isang araw niyaya ko sya na mag Q&A kame.

Ang Pinaka Nagustuhan Ko Dun Ay Nung Tinanong Kita Kung Rate 1-10 Gaano Mo Ko Ka Love. Ang sagot Mo Ay 10 At Yung Baket Ako? Sabe Mo Kumukumpleto Sayo. Sobrang Saya At kilig Ko nung mga sandalin iyon.

Ngunit. Mga sa kabilang araw sinabe mo saken na hindi mo ko mahal. Crush lang talaga. Napa iyak ako na kalokohan lang pala ang lahat. Pero hindi parin ako sumuk o. At tinanggap ko nalang kesa naman sa walang nararamdaman saken kahit konti.

Gusto ko sana humingi ng pasensya kung mabasa mo man itoo. Sorry dahil Lagi kitang inaasar at tinutukso sa kaibigan kong pinagseselosan ko. Tinatry ko lang kung totoo ba na may feelings ka saken. Kahit sobrang sakit dahil sa katangahan ko. Tinitiis ko..

Hanggang sa parating na ang araw ng mga puso. Ikay niyaya ko na magdate tayoo. At sa araw ng mga puso sobrang saya ko dahil. Nakasama. Nakatabi. Nakatawanan. Nakusap. Nakalaro. At kung ano ano pa na ginawa naten nung time na yon. Sobrang laking pasalamat ko sa diyos dahil sa nakasama kita ng araw nayon at ako ang FIRSTdate mo sa buong buhay moo.

At may roon pang paparating na isang event sa school natin. Ang Gala Of Hearts O JS. Medyo Excited Na Pero Nalulungkot. Dahil sabe mo nuon AKO ang partner mo. Ngunit ayaw mo na nung mga oras na yon.. nalulungkot ako kasi hindi ako yung kasama mo sa paglakad sa red carpet at sa picture sa unahan. Nagkaka tampo ka. Pero wala na kong magagawa. Tapos na ee.

Hanggang sa sumayaw na kameng mga representative ng bawat section at ikaw ang inspirasyon ko dun. At after nun ay magsisimula na ang party party at ang pinaka hihintay koo. Ang maisayaw ka sa pinaka masayang gabi sa highschool life koo !

At Ayun Na First dance naten ang isat isa. at akoy nanligaw muli sayo. At ang sagot mo ay hindi ka pa pede. Ang sabe ko ay maghihintay ako... sobrang sayaw ko nun habang kasayaw kita at nagkakatinginan at nagkakatitigan ang ating mga mata..

Ngunit nabitin ang gabi ko dahil umuwi ka agad. At naiinis dahil ilalast dance pa kita kaso wala ka na..
Pero laking pasalamat ko kahit bitin dahil masaya nako na nakatabi at naka sayaw kita sa gabing yonnn..

Ngunit may isang tanong parin ang gumugulo sa aking isipan. Kung wawakasan ko na ba o ipagpapatuloy? Dahil hanggang ngayon ay kahit kaunting pagmamahal mo ay wala akong maramdaman. Kahit konting pagaalala manlang minsan.. di ko alam kung tama pa ba ang ginagawa kong pagpapakatanga sayo? Umaasa ako ng mamahalin mo rin ako katulad ng pagmamahal ko.. wala e. Walaa talaga. Hanggang ngayon naguguluhan parin akoo. Ewan ko kung bakittt. Bakit ganto ang nararamdaman ko sayo na para bang ikaw nalang ang babae sa mundo kaya siniseryoso ko ng hustoo. Sana naman kahit minsan. Tanungin mo kung okey pa ba ko. Kasi nawawalan na ko ng pagasa sa tuwing binabalewala mo ako..

Mahirap At Nakakapagod At Nakakasawa Ding Magmahal Sa Wala. Kaya Kong Sumuko Kung Kinakailangan Na.

Marameng marameng salamat at dumating ka sa buhay ko. Sa mga pakilig mo. Na hanggang pakilig lang. Salamat. Kahit ganon. Mahal na mahal na mahal na mahal kita..

The End !

Maraming maraming salamat po sa magbabasa ng short story ko. Pasensya na po mukang medyo magulo. Di na po kasi ako makahinga dahil sinabayan ng pagiyak ko ang pagsulat koo.

Comment nalang po ang advice or masasabe nyo sa story ko.

Wawakasan Ko Na Ba O Ipagpapatuloy Ko Pa?

Hope you like it :* thanks.

I love You CM ;)

Wawakasan Na Ba O Ipagpapatuloy Pa... 💔Where stories live. Discover now