chapter 2

87 1 0
                                    

pagkatapos namin mag dinner ni Cha dito sa condo nya nag usap na kami.

"kumusta ang buhay ng isang supermodel?" pagbubukas ni Cha ng paksa.

"masaya. marami ako naging kaibigan dun." masaya na ako dun, sana hindi na lang ako bumalik. gusto ko sanang idugtong ang mga salitang yun kaso hindi ko magawa, mahahalata nyang napilitan lang akong dumalo sa kasal.

"halata ngang masaya ka doon."

dahil kay Zed naging supermodel ako. dahil sa panunukso nya saakin noon nag pursigi ako maging isang model para kapag nagkita ulit kami hindi na nya ako tutuksuhin, para mahalin na din nya ako. and to think na I'm too late para mahalin ni Zed? unti-unti akong pinapatay sa sakit.

"so twins, next week na ba talaga ang kasal?"

"hindi eh." natatawang sagot saakin ni Cha.

"what do you mean?"

"hindi pa kasi pwedeng umuwih si Zed ngayon."

"paanong hindi pwede? kasal nya tapos hindi sya uuwih?" ano naman bang kalokohan 'to Zeedy?

"next month pa ang uwih nya."

"kailan ba ang huli nyang uwih dito?"

simula ng umalis ako ng Pilipinas iniwasan ko talaga na makarinig ng balita tungkol kay Zed kasi nga mag mo'move on "kunuh" ako. sa twing mag uungkat si Cha tungkol kay Zed umi-iwas talaga ako, nahalata siguro ni Cha yun kaya hindi na sya nag ungkat pa ulit. ang huli kong balita sakanya ay nung pagkatapos nyang grumaduate ay nag migrate na sya papuntang London para patakbuhin ang kompanya nila doon, and  that was 3 years ago.

"tatlong taon na syang nandun Yen at sa loob ng tatlong taon, tatlong araw lang sya nag bakasyon dito."

"ganun ba talaga sya ka busy?"

"ewan ko, maybe."

kung makapag salita naman 'tong si Cha parang wala lang sakanya ang lahat.

"bakit parang...hindi ka affected sa mga nangyayari?"

"bakit naman ako magiging affected?"

"for God sake Cha-Cha magiging asawa mo na sya!" singhal ko dito.

"for God sake din Yen arranged marriage lang ang saamin ni Zed!." naiinis na bulyaw saakin ni Cha na dahilan ng pagkalaglag ng panga ko.

"ha? b-bakit? papaano? naguguluhan ako." hindi ko alam kung ano ang una kong itatanung ko kay Cha. sobrang nabigla ako sa sinabi nya. bakit hindi ko alam 'to? akala ko ba mahal nila ang isa't isa kaya sila magpapakasal.

"pagkatapos kong mag bakasyon sayo doon sa Paris nung isang taon sakto naman umuwih si Zed galing London. akala ko magbabakasyon lang sya dito, yun pala...engagement na namin." Cha smiled bitterly.

"bakit hindi mo pinaalam saakin? "

"para ano? hindi mo naman ako matutulungan diba?"

hell yeah! Cha was right,  hindi ko naman sya matutulungan.

"simula palang Yen alam mong hindi ko mahal si Zed." naluluhang sabi saakin ni Cha.

wala akong masabi dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"nakakatawang isipin na matatali ako sa isang lalake na noon paman kapatid na ang turing ko. hindi ganito ang pinangarap kong buhay may asawa Yen." this time naiiyak na talaga si Cha.

The Wrong BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon