chapter 1

142 2 0
                                    

Napukaw ang atention ko ng isang babaeng may dalang karatula na ang nakasulat ay "Welcome Home Yen" agad ko syang nilapitan para yakapin, isang taon narin kasi simula nung huli kaming magkita.

"hi Twins" maluwag ang ngiti ko sa labi ng batiin ko si Cha, ang kakambal ko.

"I missed you, kumusta ang Paris?" tanong nito habang gumaganti saakin ng yakap.

At Paris pa talaga ang unang kinumusta, hindi ako.

"ayus lang, nakatayo parin ang Eiffel Tower." natatawang sagot ko.

"tara na sa condo ko."

"bakit sa condo mo? Bakit hindi sa bahay?" takang tanong ko kay Cha.

"ang sabi ko kasi kena Mommy at Daddy bukas pa ang uwih mo galing Paris."

"ha? bakit?" ano naman kayang kalokohan ang pumasok sa isip ng isang ito?

"sa condo ko na lang ipapaliwanag, baka abutan pa tayo ng siyam-siyam dito ay hindi mo parin ma'gets ang sasabihin ko."

"tss! Tara na nga." pag-aaya ko dito.

habang lulan kami ng sasakyan ni Cha hindi ko mapigilan tingnan sya. ano bang meron si Cha na wala ako? bakit sya ang pinili ni Zed na pakasalan? bakit hindi ako? magka mukha naman kami ah. matanda lang sya saakin ng dalawang minuto.sana hindi na lang ako umalis ng bansa edi sana ako na ang pinakasalan ni Zed, hindi si Ate. *deep sigh*

"mukhang malalim ang iniisip ng kakambal ko ah." untag saakin ni Cha.

"some stuff lang twins na naiwan ko sa Paris. " pagkukunwari ko.

bakit ko ba kasi iniisip ang bagay nayun? hindi ito tama eh. Ate ko sya and worst kambal ko pa, hindi ko dapat iisipin ang bagay nayun. at kahit siguro hindi ako umalis ng bansa hindi rin ako magugustuhan ni Zed dahil ang pangit ko noon. lagi nga nya akong tinutukso na mangkukulam dahil sa buhok ko na mahaba at kulot pa, ewan ko ba dun bakit mangkukulam ang tawag saakin.  kahit naman kulot ang buhok ko noon eh shine naman ito at kahit na mahaba lagi ko naman tinatali para hindi maging bruha ang itsura ko. at pati brace ko pinag diskitahan din.

ang hinding-hindi ko makakalimutan sa lahat ng panunuksong sinabi saakin ni Zed nung high school ay yung naabutan nya kami ni Matt magkayakap, sariwang-sariwa pa saakin kung ano ang sinabi nya saakin "naturingan nga kayong kambal ni Cha pero iba ang itsura at ugali nyu. kaya nga ba ayoko sayo."kaya ko lang naman nyakap si Matt kasi umiiyak sya dahil kakabreak lang nila nun ni Ella ang kaklase ko. kumpara saakin sobrang bait ni Zed kay Ate pero minahal ko parin sya sa kabila noon. si Zeedy Olivares ang first love ko.

The Wrong BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon