May isang dalaga na ang taba-taba
Na 'pag nakita mo'y baka ka masuya
Kay lapad ng mukha't dalawa ang baba
Binti n'ya'y kaylaki gayundin ang hita.Dibdib niya ay singk'wenta'y dos pulgada
Singk'wenta naman ang sukat ng baywang n'ya
Sukat ng balakang niya ay singk'wenta
At ang timbang niya'y 'sandaang kilo na.Dahil kay lusog nga ng kan'yang katawan
Parang dambuhala kung siya ay tingnan
Tulad ng balyena sa Pacific Ocean
O kaya ay baby elephant sa Thailand.Kapag nasalubong mo siya sa daan
Ang payo ko sa 'yo ay mag-ingat ka lang
Dahil kung sa kan'ya ikaw ay haharang
Baka mapisa ka kapag natapakan.Pero kahit siya ay sobra sa lusog
Ay di pahuhuli ang kan'yang alindog
Kay Ruby Rodriguez ay 'di patatalbog
Ang kan'yang katawang Coke in can ang hubog.Baka sabihin mong ako ay masyado
Dahil ang sinabi'y nakaiinsulto
Pero sana naman ay intindihin mo
Na ang sinabi ko'y para rin sa iyo.Hindi ba't totoo ang aking sinabi
Na ang katawan mo ay sobra sa laki
Alamin mo sanang di ito mabuti
Sa sobrang taba mo'y baka maatake.Ngunit kung ayaw mong makinig sa akin
Sige, hala tuloy sa sobrang pagkain
Subalit ibig kong sa iyo'y sabihin
Na makabubuting ika'y manalamin.Manalamin ka at tingnan mong maigi
Ang iyong katawan na parang China Sea
Alon-along bilbil mo ay sobrang dami
At ang puson mo ay tsunami sa laki.Hindi ka ba conscious sa hitsura mong 'yan?
Parang salbabida kung ikaw ay tingnan
Ang payo ko sa 'yo'y mag-reduce ka naman
Para pumayat ka't maganda kang tingnan.Lagda
Allan T. Sampang
Agosto 31, 1995