chapter1

46 5 0
                                    

Sumilip ako sa loob ng dance room at nakita kong masayang nag uusap si Ma'am Jenny at si Yen.

Pilit akong ngumiti at pinigilang tumulo ang luha ko. Umalis ako sa dance room ng school at naglakad pabalik sa classroom namin.

Katulad ng dati may mga nag uusap ulit ako na naririnig. Hindi ako chismosa pero sadyang malakas lang silang mag usap.

"Uy balita ko ipanglalaban daw si Yen sa sayaw."

"Deserve naman nya yun at naku kung makikita nyo yung sumayaw sobrang galing."

Pinilit kong palabasin sa kaliwang tainga ang mga nakinig ko. Si Yen yung  kaklase ko na mas magaling sakin sa mga bagay na dating ginagawa ko.

Hindi ko alam kung sino ang mga nakakasalubong ko basta naglalakad lang ako. Ganito ako lagi hindi ko alam pero hindi ko napapansin ang mga mukha ng tao.

"Rina!"

Lumingon ako at nakita kong kumakaway yung mga kaibigan ko sakin.

Tumakbo sila papalapit sakin at hinawakan ako sa braso ni Steph. Si Steph na siguro ang pinakaclingy sa lahat ng kaibigan ko. Si Yassi ang pinakamadaldal at si Sandra naman na bestfriend ko ang pinakaweird. Weird na kami lang dalawa ang nagkakaintindihan sa ugali namin

"So ano ipanglalaban ka na daw ba?"
Tanong sakin ni Steph habang nakahawak sa braso ko.

"Hahaha tinatamad na ko eh ang dami nating gagawin lalo na sa research."

" Ah oo nga hassle yun",sabi naman ni Yassi sakin.

"Mukha ata simula ng mag Grade 8 tayo tinatamad ka na ah" , nakinig kong sabi ni Sandra.

Hindi naman yun napansin ng iba kong kaibigan dahil siguro sinadya ni Sandra na sakin lang sabihin.

Naglakad kami papunta sa room at tuloy-tuloy lang ang pagkwekwento ni Yassi tungkol sa kung ano-anong bagay. Wala naman akong naiintindihan dahil lutang ang isip ko.

Nakita kong nasa labas ng room namin si Pier. Sya yung crush ko since Grade 7.

Si Pier Del Mundo ang isa pinakamagaling na chess player ng school sa lalaki at ang bestfriend ko na si Sandra naman sa babae. Madalas napunta ngayon si Pier sa room namin dahil malapit na ang intrams at sya ang madalas na utusan ng coach nila para puntahan si Sandra. Isa din sa rason ay kaibigan sya ng mga kaibigan ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko at parang nanghihina mga tuhod ko. Gusto kong lumakad pabalik pero pag ginawa ko yun baka magduda lang ang mga kaibigan ko.

Dire-diretso lang ako na pumasok sa loob ng room namin . Naiwan sa labas sina Sandra. Hindi ko alam pero saming magkakaibigan ako lang ang hindi kaclose ni Pier.

Mabait naman syang tingnan pero hindi ko talaga alam kung pano ako gagalaw pag malapit sya kaya tuwing nag aakit si Pier sa mga kaibigan ko na gumala ay hindi ako sumasama. Hindi na rin naman nila ko pinipilit dahil alam nilang ayoko ng nakikisalamuha na sa iba.

Kinuha ko ang gamit ko at nagpaalam kayna Sandra na aalis na ko. Hindi ko tiningnan si Pier at dali-daling umalis.

Pagkauwi ko dire-diretso ako sa kwarto ko.

Sabado bukas kaya pwede akong makapag emo ngayon at ituloy ang pagsusulat ko.

Pinatay ko cellphone ko at kinuha ang laptop ko sa desk.

Nagtype ako at pilit na pinigilan na umiyak.

May kumatok sa pinto at nakinig ko ang boses ni Momy

"Rina kakain ka ba?"

"Hindi po,busog pa po ako", sabi ko at pinagpatuloy ang pag type sa laptop ko.

Nakinig ko ang yabag ng mga paa ni Momy paalis. Tumingin ako sa orasan at napansin na ala-syete na pala ng gabi. Dalawang oras na pala kagad ang nakalipas

Nag online ako at binasa ang usapan sa group chat namin.

Nag-uusap sila tungkol sa grouping sa p.e. Pipili daw ng apat na magiging leader sa sayaw.

*ABMazing-2

Ron: Si Yen na yung isa tapos si Reese
Drew: Oo nga tapos si Rio yung isa
Dianne: Rite okay lang sayo na ikaw yung isa?
Rite: Hindi ako pwede eh baka kasi maging busy ako sa banda namin.
Yassi: Si Rina pwede.
Ron: Nasayaw ba yun?
Roan: Sabi ni Sir dapat daw marunong sumayaw.
Drew: Oo nga.

Hindi ko na tinuloy yung pagbabasa at chinat ko si Yassi.

Yassi Ramos:

Yassi huwag.

-------------
It is sad to say but the Rina they loved was easily forgotten.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 07, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DepressionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon