Kabanata I

17 1 0
                                    

Author's note: The whole story will be in Scarlett's point of view. I'll be adding special chapters for Saint's point of view.




This is a work of fiction. Names, characters, businesses, happenings and incidents are all product of the author's imagination. Any resemblance to an actual person-living or dead-or actual event is pure coincidental. All rights reserved. Copyright, 2017.




P r o l o g u e



Kaya mo yan, Scarlett. Tandaan mo na pinaghirapan mong isulat yan. Gumamit ka pa ng dictionary para maayos ang pag-iingles mo. Naglalakad na ako papunta kung saan palagi kong nakikita na dumadaan si Saint papunta sa kanyang classroom. Ibibigay ko sa kanya 'tong love letter na ginawa ko. Nakasulat dito kung paano ako nagkagusto sa kanya at....ano pa nga ba ang sinulat ko dito?


Nakita ko na malapit na sakin si Saint. Kinuha ko ang envelope sa bulsa ng bag ko at inabot sa kanya ang sulat. Tinignan niya lang ako at nilagpasan. Anak ng teteng! Nilagpasan niya lang ako! Tumalikod ako sa kanya at nakita ko na kasama niya na ang kaibigan niya na si Nicolas. Tumalikod siya sakin at nakita kong pinipigilan niyang tumawa. Ano ba ang nakakatawa? Nakita ko na madaming studyante ang nakatingin sakin at binibigyan nila ako ng tingin na nakakababa. Hindi ba nila alam na nagpuyat ako para isulat 'to! Tapos, lalagpasan niya lang ako?!


Hindi ko namalayan na nakatunganga ako at nakatayo sa gitna ng campus namin. Para akong timang. Mabuti naman alam mo, Scarlett! Nagsimula na akong maglakad papuntang classroom namin. Naririnig ko ang bulong-bulungan ng mga tao sa dinadaanan ko.


"Siya diba yung nasa Class F?"

"Oo nga! Siya yung nagbigay kanina ng love letter kay Saint kaso nilagpasan lang si ate mo, girl!"

"Ang kapal naman ng mukha niya para magbigay ng love letter kay papa Saint. Hindi ba niya alam na langit at lupa silang dalawa? Ambisyosang froglet si ate girl!"


Mga tao nga naman! Walang magawa kung hindi mangchismis ng iba. Nakakahiya talaga. Nakayuko lang ako habang papunta sa classroom namin. Eh, ano naman kung nasa last section ako? Paki ba nila? Sila ba yung nagbigay ng love letter ha?! Pakain ko sa kanila 'tong bag ko eh. Nagulat na lang ako na may umakbay sakin. Tinignan ko kung sino.


Si Marcus lang pala. Marcus Patrick Cuesta ang buong pangalan ni kumag. Nasa Class F din siya. So, magkaklase kami. Pogi nga si kumag kaso hindi ko siya gusto. Walang may makakatalo kay Saint!! #SaintForever!!


"Labidabs, bakit na naman nakabusangot ang mukha mo?" tanong ni Marcus.


"Labidabs ka dyan! Wag ka nga," sabay tanggal ng kamay niya na nakaakbay sa braso ko.


"Labidabs naman! Ang ganda-ganda mo tapos nagsusungit ka."

Should You Kiss Me First?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon