Chapter 7

939 25 6
                                    

Jae-Michelle's POV

Kasalukuyan akong nagbabasa ng magazine dito sa living room ng biglang tumunog ang phone ko, senyales na may notification.

May nagchat lang pala, tsk maopen nga.

Ellie Felizardo: Hi bunso!😚

Ah si ate lang pala eh.

Me: Hello

Ellie Felizardo: How's my baby girl?

Me: doing good. Btw I'm not a baby anymore ate! I hate you

Ellie: Why so sungit baby girl? Where's mom and dad nga pala?

Me: business trip as always😑 kelan kaba uuwi dito ha?

Ellie: busy pa si ate eh.

Me: tss k bye -_-

Di ko na hinintay pang magreply si ate at agad na inilapag ang phone ko sa glass table sa harap ko.

"Eto na po ang meryenda niyo lady Jae" sabi ng maid sabay lapag ng tray ng sandwich at juice sa glass table.

Tinignan ko lang sya na sinasabing 'You-may-go-now' look.

Nag bow naman sya at agad na umalis.

Ininom ko ang juice at kumagat sa sandwich ng biglang tumunog ang phone ko.

Kinuha ko ito para tignan kung sino ang dahilan ng pagtunog nito.

Jerome Dela Vega: Hi

Omg it's Jerome! My childhood friend.

Me: Omg Jerome! It's you! How are you na?

Jerome: doing great, how about you? Still masungit eh?

Me: naaah! You really know me talaga. Btw what's your plan? Kelan ka babalik dito?

Jerome: I don't know yet, I'm planning to come back maybe this year.

Me: really? Omg okay then! Paghahandaan namin yan!

Jerome: promise? Btw I miss you

Me: I miss you too Jerome. I need to log out na, may pupuntahan ako ngayon eh. Bye! See you soon

Di ko na sya hinintay pang magreply at agad na nag log out.

Inilapag ko na ang magazine sa table at tumayo na para magtungo sa kwarto ko.

Gusto ko mag gala ngayon, wala akong magawa dito.

Di ko na yayayain ang mga kaibigan ko, I want to be alone.

Nag shower lang ako after tapos nagbihis lang ng simpleng White V-neck shirt then denim pants sa pambaba. Isinuot ko rin ang white low-cut converse shoes ko.

Ibinagay ko naman ang black chanel sling bag ko.

Nag messy bun lang ako sa buhok tapos nag apply ng light lipstick na natural color lang tapos nag blush on para cute.

After ko mag asikaso, bumaba na ko para magpa drive sa driver namin.

"Manong sa café po" magalang na sambit ko.

Agad naman nagdrive si manong at mahigit 25 minutes ng makarating kami sa cafe. Walang masyadong traffic kaya medyo mabilis kaming nakarating.

Lumabas naman ako agad at nagtungo sa loob ng cafè para mag order.

"One regular skinny mocha frappe and 1 slice of caramel cake, please thank you" sabi ko sa cashier.

Umalis ako agad at nagtungo sa pwesto ko.

Remember? Binili ko yung favorite spot ko dito kaya ako lang ang pwedeng umupo.

Ngunit may isang makapal ang mukha na sing kapal ng libro ang biglang umupo sa harapan ko bitbit ang frappe niya.

Binigyan ko naman sya ng tingin na nagsasabing 'what-the-hell-are-you-doing-here' look.

Ngunit sa sobrang kapal ng mukha niya, parang wala lang sakanya ang binigay kong tingin at ngumisi pa ang gago.

"Why smirking? Mukha kang tanga" masungit na sambit ko sabay roll eyes.

"Why are you here? May pangalan mo na ba itong mesa?" Nakangising sambit niya.

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Wala eh" may malungkot na tono na sambit ko.

"You may go now" tila nanalo sa lotong sambit niya.

"Pero nabili ko na to😏kaya ikaw, pwede kanang umalis" maangas na sambit ko.

Tinignan ko sya at may pagkagulat sa mukha niya habang nakatitig sakin pero agad niya ring binawi ang pagkagulat sa mukha niya dahil narealize niya sigurong mukha syang tanga.

"Staring is rude mister, so what are you waiting for? Tititigan mo nalang ba ako? Maganda ako pero, ayokong matunaw sa oras na ito" puring puri sa sarili na sambit ko

Bigla naman syang humagalpak ng tawa, habang nakahawak sa kaniyang tiyan.

Problema nito? -_-

Nakatingin lang ako sakanya habang pinapanuod syang magmukhang tanga.

Tumikhim ako ng matigil na sya sa pagtawa.

"Tapos kana? Masaya kana sa lagay na yan? Pwede kana bang umalis? Kasi naalibadbaran na ako sa pagmumukha mo kaya kung pwede lang" maraming tanong na sambit ko.

"Tss" masungit na sabi niya.

"Ang sungit mo pwe!" Tila nasusukang sabi niya at umalis.

Di ko nalang sya pinansin.

Ng matapos ako sa cafè, nag pa-drive naman ako sa mall.

Pagkarating sa mall, dumeretso ako sa department store.

Halos naikot ko na ang buong store at marami na rin akong nabili ng bigla akong nag crave sa ice cream. Dumeretso ako sa isang ice cream parlor at nag order ng favorite kong cookies and cream.

Pag ka order ko agad akong lumabas sa shop ng bigla akong may makabanggaan.

"Di kaba tumitingin sa dinadaanan mo?!" Sabi ng lalaking naka bangga ko.

"Aba, ang kapa-- what the fck" putol na sabi ko ng makita ko ang mukha ng nakabanggaan ko.

"Hanggang dito ba naman makikita ko yang pagmumukha mo?" Pagrereklamo ko.

"Hanggang dito ba naman sinusundan moko?" Mayabang na sabi niya.

"Tss" masungit na sabi ko dahil ayoko na makipagtalo sa gagong to.

"Hoy palitan mo tong damit ko!" Sigaw niya ng makaalis ako.

Bigla akong huminto at nilingon sya.

"Mayaman ka diba? Edi bumili ka *roll eyes*" mataray na sambit ko at tinalikuran na sya.

Agad akong sumakay sa kotse namin at nagpahatid na pauwi hanggang sa nakatulog ako...

~~
(A/N)
Hi guys, Im sorry for the long update, at sorry din kasi nagpromise ako tas di ko tinupad. Naging busy lang po talaga ako, andaming nangyari nung panahong di ako nag a-Update. Again, I'm really sorry.

Hope you enjoy my story!😘

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 01, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Badboy meets Ms. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon