Real Story.
Kathryn as Jenny
Daniel as Henz
Sofia as Lyka
Diego as Ricky
Patsui as Patrick
Alex as Joel
Marco as MarkJENNY POV.
Hi Im Jenny 14 yearsold at Grade 7.
Tatlo kameng magkakapatid at ako ang pangatlo. Lalaki ang panganay at babae ang sunod, at ako ang bunso.Simple lang aming pamumuhay. Nakatira kame sa isang Barangay na kung tawagin ay Tabing Ilog. Hindi ko masasabi na may kaya kame kasi dito dikit dikit ang mga bahay.
Pero hindi naman ganun kahirap ang buhay ng mga nakatira dito. Sa katunayan nasa abroad ang Papa ko at nagtatrabaho dun ng Dlwang Taon.
Sariling lupa at bahay naman etong tinitirhan namin.Kahit maliit ang bahay namin ay ayos lang dahil ang mahalaga ay sama sama kame. Meron kameng TV at iba pang kagamitan. Sa kabilang bahay naman ay bahay ng pinsan ko na si Lyka. Magkapatid ang Mama nya at Mama ko.
Kakauwi ko lang galing school ng naabutan kong si Ate Jes lang ang nasa bahay. Nagbihis lang ako ng damit pagkatapos lalabas na sana ako ng dumating ang kaibigan nya.
"Oh Jenny nanjan ba ate mo?" sabi ni ate Gelay na kàibigan nang ate ko.
"Oo nasa loob pasok kà na lang."
"Hindi na sabihin mo nandito na ako sa labas, aalis din kasi kame agad eh".
"Ahh ganun ba, saglit lang tawagin ko lang." saka ako muling pumasok at sakto naman na palabas nrin sya.
"Hinahanap ka ni ate Gelay." sabi ko."Oo palabas na nga ako eh,kung aalis ka isarado mo yung pinto." tumango lang ako sa kanya saka sya lumbas.
Nakita kong umalis na sila. Hindi ko alam kong san sila pupunta pero naisip ko na sundan sila. Kaya pagsara ko ng pinto namin pumunta ako sa kabilang bahay at tinawag si Lyka.
Si Lyka ang pinsan ko. Sa lahat ng mgpipinsan kame ang palagi nagkakasundo at palage magksama.
Kahit sa School hindi kame mpaghiwalay yun nga lang 1-A sya kasi matalino yan."Lyka tara alis tayo." nakaupo sya at nanunuod ng TV kaya nilapitan ko.
"San tayo pupunta lilibre mo na ako?" pgbibiro nya.mhilig sya sa libre pero kuripot nmn. Parehas nsa abroad ang Papa nmin.
"Sundan natin sila ate Jes umalis kasi sila ni ate Gelay eh, bilisan muna baka hindi natin sila maabutan." sabi ko.
"Saglit lang naman,bakit naman natin susundan sila, alam mo minsan hindi kita maintindhan." tumayo na sya at ngsuot ng tsenelas saka kame lumabas.
Ang bahay namin ay tabing bukid. Sa kabilang bukid ay ilog na. Looban ang bahay namin at paglabas namin sa labasan nakita namin silq ate Jes na naglalakad kaya palihim namin silang sinundan.
Hanggang huminto sila sa Arcade ng Sta. Rosa. Hindi ko alam ang gagawin nila dun pero sa tingin ni Lyka meron silang hinihintay. Kaya ngtago kame malapit sa kanila. Sarado narin ang mga store dun.
"Alam mo kapag nakita tayo ng ate mo pagagalitan tayo." sabi ni Lyka. Habang nakaupo sya sa sahig at ako naman nakasilip sa kanila.
"Hindi naman tayo magpapakita eh.
Titignan lang natin kung sino hinihintay nila." sagot ko sa knya."Ay ewan ko sayo, puro ka kalokohan, dinamay mo pa ko." pgmamaktol nya.
"Sympre sino pa ba sasama sakin kundi ikaw. Haha" umupo narin ako.
"Ang tagal naman, silipin mo nga ulit". At npatayo tuloy ulit ako.
Sakto pagkasilip ko ay may mga lalaking dumating na mga nakabike.
Lima sila at kasalukuyang nakikipagusap kila ate Jes.Meron din isang babae. Hindi ko sila kilala at ngayon ko lang nakita pero yung babae si ate Anne kaibigan nila ate Jes. Sya ang kasama nila."Dumating na ba?" tanong ni Lyka saka sya tumayo para sumilip. Pero nkaharang kasi ako kaya pinapatabi nya ako pero hindi ako tumabi.
Sa inis nya naitulak nya ako.Sakto naman may basurahan dun ay natabig ko at gumawa ng ingay.
"Lyka kainis ka" simangot ko sa kanya. Saka nya ako inalalayan tumayo."Sorry eh kasi nmn ikaw eh." tatawa tawa pa tong gaga nato.Nkatayo na ako at sakto pagtingin ko sa gilid ko ay nasa harap na namin silang lahat.
Patay na.Huli na. Kame."Anong ginagawa nyo dito.?" Tanong ni ate Jes. Nahihiya ako kasi naman nakatingin silang lahat samin.
"Napadaan lang kame, sakto naman nakita namin kayo kaya tinignan nmin.hehe." paliwanag ni Lyka.
"Sana lumapit na kayo samin hindi nyo naman kelangan magtago." si ate Gelay naman ang magsalita.
"Ah eh hindi na paalis narin kame, tara na Jenny." saka ako hinila ni Lyka. Pero bigla na lang ngsalita yung isang lalaki.
"Sino ba sila? Ipakilala nyo naman samin." yung medyo maliit na lalaki ang nagsabi. napahinto nmn kame.
"Jenny Lyka lumapit kayo ipapakilala namin kayo sa kanila." sabi ni ate Ann. Kaya lumapit naman kame.
"Eto si Jenny kapatid ni Jes,sya naman si Lyka pinsan nila." turo ni ate Ann. Saka namn sya lumapit sa Boys. "Eto si Joel Patrick Mark Ricky at Henz." Dun tlaga ako natulala sa huling guy na pinakillala nya.
Si Henz matangkad moreno matangos ang ilong at gwapo. Gwapo naman lahat sila pero kay Henz lang tlga ako natulala. Nakipagshakehands sila smin bawat isa.
Huling nakashakehands ko si Henz. Hindi ko alam pero ngayon ko lang sya nakita pero yung puso ko wlang tigil sa pag-iingay. Mgkakasakit yata ako sa puso nito.
Pagkatapos ng makilala nmin sila ay ngpaalam na kame ni Lyka. Hindi ko kasi alam kung ano mangyayari kapag nagtgal pa kame dun na kasama sila.
Hanggang sa nkauwi kame ay wala na akong imik. Hindi naman ako kinulit ni Lyka dahil naghiwalay din kame agad. Magkikita pa kaya kame ulit.
Sana makilala ko pa sila ng lubos.To be continued...
Note:
Bataan poh ang Location nila.
Nasa taas ang picture ni Jenny at Lyka. Yun lang Salamat.Vote&Comment.
@MisReika
BINABASA MO ANG
Forget Me Not(Kathniel)
Teen Fiction.Lumaki si Jenny sa kaalaman na sya ay malas sa kanilang pamilya. Dahil sa tuwing sasapit ang kanyang kaarawan, isang pangyayari ang hindi inaasahan. Ngunit dumating ang taong magpapatunay sa kanya na sya ay isang espesyal. Magbibigay ng lakas ng lo...