Valentine's

29 1 1
                                    

JENNY POV.

Sabi nila ang araw ng mga puso daw ay para sa mga taong nagmamahalan. Tulad ng couples, pero para sakin kelangan din naman icelebrate yun ng pamilya at magkakaibigan diba.

Actually hindi ako naiinggit sa kanila na merong nagbibigay ng flowers at chocolates kasi meron din naman ngbibigay sakin. Meron din naman akong mga kaibigan na willing mgbigay at ngeexchange card rin kame sa room namin.

Friday kasi ang Valentine's buti nga sumakto ng may pasok eh. Kaya eto nakatanggap rin ako ng gifts sa mga kakilala ko. Sabay dapat kame umuwi ni Lyka pero hindi sya pwde kasi sinundo sya ni Ricky.

May Date daw silang dalawa. Masaya naman ako at okey na sila, naisip ko rin si Henz siguro kung okey kame ay malamang magkasama kame ngayon. Pero hindi ko na dapat iniisip yun kasi mali rin ako dahil napatawad ko si Lyka pero sya ay hindi.

Inaamin ko namimis ko narin sya. Nagkikita kame sa Arcade ng barkada pero hindi rin kasi sya sumasama. Kaya naging malungkot rin ako sa mga araw na hindi ko sya nakikiita. Iniisip ko minsan kung anong gingawa nya.

Kung sino ang kasama nya at kung iniisip nya rin ba ako. Kaya ngayong hindi kame maayos ay nagttyaga na lang ako na isipin sya. Inaalala ko rin ang mga araw na masaya kame.

PAgkauwi ko galing school ay nagpahinga na lang ako sa bahay. Kasi kung lalabas ako ay makakakita lang ako ng mga couples sa labas na masasaya kasama ang taong mahal nila. Ang bitter yata ng dating ko. Haha

Gumawa na lang ako ng gawaing bahay at tumulong sa ate ko na magtupi ng mga damit na nilabhan nila. Wala rin naman boyfriend ang ate ko kasi masipag sya magaral eh. Hindi ko katulad na 1styear palang ngkaboyfriend na.

Si Henz ang 1stboyfriend ko at 1stkiss narin. Sa kanya ko natutunan lahat ng bagay tungkol sa pagibig, sya ang nagturo sakin maging matapang at maging matatag sa pagsubok ng buhay.

"Jenny wala kang Date?". Tanong ni Ate ng nakita nyang wla akong kibo at tahimik lang ako sa ginagawa.

"Ah eh Wala eh." Sagot ko. Alam naman nya yung nangyari samin ni Henz eh. Hindi naman ako nglilihim sa kanya. Hindi narin sya sumagot kasi alam nya narin naman.

Nung matapos kame sa mga damit. Nanuod na lang ako TV kasi wala narin naman akong gagawin nun eh. Ngluto narin si ate Jes sa kusina kasi nasa trabaho si Mama at Kuya.

Nang lumabas ako ay sakto naman nakita ako ng kapitbahay namin na kaibigan ko. Inaya nya ako magala kasama ang iba pa namin kapitbahay. Wala naman akong gagawin kaya pumayag na ako. Ni hindi na nga ako ngabalang magbihis eh nkapambahay lang ako kasi hindi naman kame siguro lalayo.

Masaya naman ako kasama sila saka lagi naman namin gingawa to ang magala ng nglalakad. Una tumambay kame sa Spada kaso nainip sila at napgusapan na pumunta kame ng balanga.

Wala naman akong dalang pera kaya naglakad na lang kame papunta dun. Pero hindi ko akalain na pupunta kame ng Doña Park, hindi ko yun inaasahan kasi nglakad lang kame tapos nasa Doña Park na kame.

At yun ang ending dun kame tumambay. Naalala ko na ayaw ko nga plang lumabas dahil makakita lang ako ng mga couples. Pero wla na akong mgagawa dahil kahit san ako tumingin ay yun ang nakikita ko.

Marameng couples sa paligid, meron mga pamilya at magkakaibigan. Merong mga nagtitinda ng HeartBalloons Flowers at kung ano ano pang pwde ibigay kapag Valentine's Day.

Di ko maiwasan tumingin sa mga mgbabarkada kasi baka nandun sila Mark eh. Gusto ko rin kasi silang makita kung talagang nandito sila. Umupo lang kame sa bermuda grass at ngkwentuhan. Dumaan yung nagtitinda ng flowers at kinausap ko.

Forget Me Not(Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon