JENNY POV.
Pagkatapos na masayang bonding namin nila Henz. Bihira narin kame magkita. Sa isang linggo siguro dalawang beses na lang sila pumupunta sa Arcade.
Okey naman samin yun kasi nagaaral sila lahat. Ganun din kame ni Lyka kaya naiintindhan namin. Kaso kapag linggo talaga sa Doña Park kame nagkikita kita at ngbbonding.
Kapag magkakasama kame. Lagi akong tinuturuan ni Henz mgbike. Madali naman akong natuto dahil magaling ang nagtuturo. Sumali ako sa Sportfest namin sa School.
Badminto ang sport na sinalihan ko. Si Henz naman ay Basketball. Kasi matangkad talga sya at yun ang gustong gusto nyang sport. Bagay naman sa kanya ang Basketball Player.
Thursday ng Hapon. Ngppractice ako ng Badminton sa loob ng gimnasium ng School. Nang tinawag ako ng klassmate ko na meron daw nghahanap sakin sa labas.
Sino naman kaya yun. Kinikilig pa sila habang ngkkwento. Gwapo daw kasi yung naghahanap sakin. Kaya lumabas ako para puntahan kung sino man yung tinutukoy nila.
Napangiti naman ako ng si Henz ang maabutan ko sa labas. Nakauniform pa sya ng Basketball mukhang galing sa practice. Ang gwapo parin nya kahit simple lang suot na damit.
Ngumiti naman sya nang makita ako. Kaya lumapit ako sa kanya. "anong ginagawa mo dito?" tanong ko ng malapit ako.
"Sinusundo ka. Gusto ko kasing magala eh. Naisipan kong puntahan ka dito." paliwanag nya.
"Hindi pa ako tapos mgpractice eh. Gusto mong pumasok?".
"Pwde ba?"
"Oo naman." Saka ko sya pinasunod sakin. Kinausap ko yung Security at pumayag naman sya. Uwian narin naman kasi kaya hindi na sya mahigpit.
Hindi ko alam kung paano ko sya iaaproach. Hindi ko naman kasi inaasahan na pupuntahan nya ako dito sa School. Sumunod lang sya hanggang sa gimnasium.
"Upo ka muna. Saglit lang naman to tapos aalis na tayo." ska ko sya pinaupo sa mga bench ng gimnasium.
"Okey." tipid nyang sagot.
Pinaguusapan sya ng mga kasama ko. Ang gwapo daw kasi. Tinantanong nila kung Boyfriend ko raw pero hindi ko na lang sinagot. Wala pa naman kasi kame sa stage na yun.
15mins din bago kame natapos. Nahihiya ako kay Henz kasi naghintay sya. Pero ano ba kasing ginagawa nya dito. Bigla bigla na lang sumusulpot. Pero okey naman kasi ang ganda ng practice ko my inspiration eh.
Nung natapos ang practice. Nagbihis lang uli ako ng Uniform at lumabas na kame ng School. Hindi pumasok si. Lyka ngayon dahil susundo sila sa Airport sa Papa nya.
"Henz san tayo pupunta?" tanong ko ng makalabas na kame ng school at nglalakad.
"Ikaw san mo ba gusto?" balik nyang taong sakin. Wierd rin sya minsan.
"Ah eh tambay na lang muna tayo sa Spada." tumango lang sya. Kaya nang tumawid kame ay tumambay kame sa Spada. Katapat lang kasi ng School.
"Dito ka muna. Bili muna ako ng tubig." sabi ko at pumunta sa malapit na tindahan. Bumili ng mineral at bumalik sa. Pwesto namin.
"Salamat." sabi nya ng iabot ko sa kanya saka uminom dun sa mineral na binigay ko. "sa sunday ha sa Doña Park tayo."dagdag nya.
"Oo sige sabihin ko kay Lyka. Nga pala Henz Birthday ko nextweek. Pero wla akong handa kaya hindi ko kayo maiimbetahan. Pasensya na."
"Walang kaso yun. Punta na lang kame sa Arcade nun. At dun tayo mgkita kita."
"Okey sige. Bakit pala ikaw lang magisa"? Unang pagkakataon kasi eto na wala syang kasama pumunta.
"May practice kasi kame kanina. Maaga natapos kaya maaga kame pinlabas. Naisip kong puntahan ka". kahit seryoso sya makikita mo na wala syang pagaalinlangan.
"Ganun ba?." wala na akong ibang topic eh. Kaya wala akong masabi. Tahimik lang din naman sya.
Tumambay lang kame. Bumili narin ako ng Fishball para may makain kame. Pero hindi ko alam na hindi pala sya kumakain nun. Iba rin kasi kapag may kaya sa buhay eh.
Binili ko na lang sya ng Chips at Coke in Can. Hindi naman ako nabigo kasi kinain namn nya. Yun nga lang ako umubos ng fishball na binili ko. Gusto nga nya bayaran pa yung ginastos ko. Sympre hindi ako pumayag, Sila kasi nanlilibre kapag nasa Arcade at Doña Park kame.
Hinatid ko sya sa sakayan ng pauwi na sya. Pero nagulat ako ng hinalikan nya ako sa pisngi bago sya sumakay sa tricycle. Grabe kahit pawis sya ang bango parin sya. Hindi nakkasawang amuyin.
Nang nkaalis na sya. Nglakad narin ako pauwi samin. Malapit lang kasi ang bahay namin kaya pwdeng lakarin. Hindi parin magsink in sakin na nakasama ko si Henz ngayon.
I mean lagi ko sya nakkasama. Pero iba kasi yung ngayon eh. Pumunta sya sa School tapos hinintay at pinanuod nya ako mgpractice. Grabe baka masanay ako na ako nun.
Umuwi ako sa bahay. Nasa labas palang ako ng narinig ko na ang sigawan ni Mama at Kuya. As asual nagaaway na nman sila. Kung hindi pera ay kalokohan ni Mama.
Pagpasok ko nakahiga lang si Mama sa sahig at umiiyak. Lasing na naman sya kaya nagagalit si Kuya. Si Ate Jes naman ay nakaupo lang at nakikinig sa mga sinasabi ni Kuya kay Mama.
Nabaling ang tingin ni Kuya sakin. At saka nilapitan nya ako at hinawakan sa braso. "Kuya nasasaktan ako. Bakit ba?" Tanong ko sa kanya pero ngumisi lang sya at hindi ako binitawan.
"Isa ka pa Jenny. Gumagaya ka narin kay Mama ha. Nakita ko kayo ni Lyka nung isang gabi sa Arcade. May kasama kayong mga lalaki. Sabihin mong mali ako?" sabi nyang pasigaw.
"Mga kaibigan ko yun Kuya at wala kameng masamang ginagawa." sagot ko sa kanya saka nya ako binitawan.
"Tlaga lang ha. Isa pang makita kita Jenny sa Arcade hindi ako mgdadalawang isip na kaladkarin ka pauwi." saka nya kame tinalikuran.
Naiyak ako sa ginawa ni Kuya. Imbes si Mama lang ang kaaway nya ay nadamay pa ako. Naawa ako sa sitwasyon ni Mama pero kasalanan nya naman eh. Hindi nya maiwan ang bisyo nya.
Naawa kame kay Papa kasi ngttrabaho sya sa Abroad para samin. Pero ginagastos lang ito ni Mama sa bisyo nyang sugal at alak. Kaya tama lang na pinagsasabihan sya ni Kuya.
Umupo lang ako sa isang tabi at umiyak. Ganito naman kapag malapit na ang Birthday ko eh. Laging merong problema. Malas kasi talga ako eh. Kaya tanggap ko na matgal na.
Nakita ko naman si Ate Jes na inalalayan si Mama humiga sa kama. Pinunasan nya narin ito dahil sa kalasingan. Tatlo kameng mgkakapatid. Ako ang bunso pero ako rin ang malas sa Pamilya.
Naging masaya nga ako kanina. Pero eto naman ang kapalit. Hindi ko alam kung pano sasabihin sa kanila na hindi na ako pwdeng pumunta sa Arcade.
To be continued...
Note:
Bataan po ang Location nito. As usual dahil taga Bataan ang Author. Hehe Yung Spada sa Pilar yun at ang school na malapit dun ay. PRNHS.
Yun lang. Tenchu.Vote&Comment.
@MisReika
BINABASA MO ANG
Forget Me Not(Kathniel)
Teen Fiction.Lumaki si Jenny sa kaalaman na sya ay malas sa kanilang pamilya. Dahil sa tuwing sasapit ang kanyang kaarawan, isang pangyayari ang hindi inaasahan. Ngunit dumating ang taong magpapatunay sa kanya na sya ay isang espesyal. Magbibigay ng lakas ng lo...