[Baekhyun] Muling Ibalik ? Oo o Hindi :)

276 13 1
                                    

KEVCIE's POV

Hello sa inyo! Ako si Kevcie. 4th year college, secret na kung anong course ko :P Papunta ako sa may rooftop ng building namin, since dito naman talaga ako madalas tumambay kapag break time. Medyo may pagka loner ako dahil na rin siguro sa ex ko. Si Byun Baekhyun, isa sa mga pinakasikat sa campus. We broke up nung 2nd year college kami dahil sa hindi ko alam na dahilan. 

And ang hindi ko matanggap ay KINABUKASAN, oo kinabukasan! May kapalit na agad ako! Nung araw na yun sinumpa ko talaga na kapag magbrebreak sila ay andun ako at tatawanan yung babae o si Baek! 

Pipihitin ko na sana yung doorknob ng may narinig ako na nag uusap.

"Sorry pero hindi na talaga pwede"

"P-pero---"

"Sorry pero we need to end this ... masyado ahdsbwqdgywvedhvs....."  hindi ko na marinig yung sinasabi niya kasi habang tumatagal humihina yung boses niya. Tila mga hikbi na lang naririnig ko at maya maya ay nabuksan ang pinto na dahilan para bumagsak ako sa bungad ng lupa. Tiningnan ko yung babae na namumula ang mata, nakatingin rin ito sa akin pero kalaunan ay umalis na rin siya. Umirap na lang ako at pinagpagan ang pantalon ko. Tutungo na sana ako ng makita ko uli ang mukha na matagal ko nang hindi nakikita ng malapitan.... si Baekhyun

Nagsmirk siya sakin. "Oh ano? Tumawa ka na. Kinarma na ko sa ginawa ko sayo" sabi nito sa akin. Inirapan ko na lang siya at pumwesto sa gilid at nagsaksak ako ng earphones. Hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala siya at nakaupo. Salita lang siya ng salita at wala kong iniintindi. Maya maya hinugot niya yung earphone ko.

"Nakikinig ka ba?!" pagalit niyang tanong. Umiling lang ako.

"Aynaku! Dyan ka na nga!" sabi niya at umalis na.

Psh. Kapal rin ng mukha niya eh no? Tingin niya kakausapin ko pa siya? ASA!

**********

Matapos ang break lumabas na ko ng rooftop at tutungo na sa susunod kong klase ng may nakabunggo akong lalaking matangkad. 

"Ay sorry--" hindi ko na natapos sasabihin ko nang bigla niya kong hatakin kung saan at iniwan rin.

"HOY! TEKA BUMA---" hahabulin ko sana siya ng may nakabangga nanaman ako! Maliit naman at ang laki ng mata niya. Hihingi sana ako ng pasensya nang bigla nanaman niya kong hatakin at sa kung saan nanaman ako nakarating!

Naku po. Baka pinagtritripan ako ng mga to at balak ako rapin! T^T

"Teka teka--!" may dalawang lalaki naman ang nagbuhat sakin sa braso isang mukhang babae at yung isang nakapoker face, kinaladkad ako sa madilim na lugar! HALA!!!!!! Nagpumiglas ako kaya lang ang lakas nila. Nang makarating na talaga kami sa madilim na parte may nagsuot sa mata ko ng piring! 

"HOY ANO BA! KUNG BALAK NIYO KONG PAGTRIPAN AKO NA NAGSASABI SA INYO ITIGIL NIYO NA TO!!!" Matapang na sigaw ko kahit na sobrang takot na ko. Nag-echo lang boses ko at tila walang nakakarinig. Kinapa kapa ko yung paligid ng may makapa akong lamesa..

"Baby"  nag ulit ulit yun sa utak ko.... lumalala na ang imahinasyon ko. Nagagawa ko pang alalahanin yung boses niya sa mga oras na ganto!

"Kung ano ano nanaman naririnig ko. Tsk! TAE PAKAWALAN NIYO NA KO!!!" sigaw ko uli. May naramdaman akong nagbuntong hininga. At maya maya pa may mga labing malalambot na dumampi sa labi ko. Tumagal ito ng ilang segundo at kumalas rin siya.

"Kevcie ako to... " pagkasabi niya nun ay inalis niya yung piring. Tae! Bat di ko nga inalis yung piring no? -_- pero sana hindi na lang niya inalis dahil nakita ko si Baekhyun. Siya kaya yung humalik sakin? siya ba nagplano nito? Ano nanaman ba to? Sasaktan nanaman ba niya ko? 

Ang dami kong tanong pero walang lumalabas sa bibig ko. Tanging luha lang ang lumalabas.... oo mahal ko pa siya pero ayaw ko na. Pagod na ko, nagsawa na ko, ayoko na... ayoko na! 

Lalapit sana siya sakin pero lumayo ako. "H-huwag kang l-lapit!" nagbreabreak down na ko. Sumasakit nanaman puso ko.

"Kevcie... sorry. Sorry talaga! Mahal na mahal kita--"

Sinampal ko siya.

"Kevcie...."

"Baekhyun matagal na tayong wala. Matagal na...." napaupo na lang ako sa sahig at tinakpan mukha ko. Baekhyun bakit? Bakit mo to ginagawa?

Maya maya ay naramdaman kong may yumakap sakin. Inangat ko ulo ko at nagkatinginan kami ni Baekhyun sa mata. Hindi pa rin siya kumakalas sa yakap.

"Kevcie makinig kang mabuti, hindi ko na to uulitin dahil sa nakakahiya. Kilala mo naman ako diba? *sighs* Baby I'm sorry, sorry kung naging gago ako. Mahal na mahal kita at narealize ko yun nang mawala ka sakin. Akala ko kasi nagsawa na ko sayo, akala ko hindi na kita mahal kasi dumating yung araw na nagising ako na pakiramdam ko wala ka na sakin. Dumagdag pa si Kaye na grabe ang sexy! Hindi ko alam ano meron sakin nun pero kinuha ko yung number niya at di tumagal niligawan ko siya sa text kahit na tayo pa. Sorry, sorry talaga! Akala ko wala na talaga akong nararamdaman sayo pero nung nagbreak tayo, nung umiyak ka nadurog puso ko. Pero hindi kita hinabol kasi naduwag ako, na baka hindi mo na ko tanggapin uli pero nung may mga lalaking umaligid sayo nung 3rd year hindi ko kinaya. Nagselos ako, kinain ako ng selos ko kaya naalala mo pa nung hinatak kita sa likod ng building para ibalik yung eraser mo? palusot ko lang yun. Kevcie mahal na mahal kita, gusto ko na sanang makipagbalikan nuon kaya lang si Kaye sabi niya magpapakamatay siya kapag iniwan ko siya kaya umabot na tayo netong 4th year at kami pa rin. Pero dahil lilipat na ng trabaho ang daddy niya lilipat na sila sa Japan next week kaya nakipaghiwalay na siya sakin at sumang ayon ito sa plano ko. Naalala mo pa ba kung ano ngayon? It should be our 6th anniversary baby. I'm really sorry and I loveyou very much. Pwede ba kitang ligawan uli?"  

----------------

Kevcie unnie! Hahahaha hello po ^^ oh ayan ikaw na bahala sa isasagot mo ;)

Ciao~ XOXO Baekhyun!

EXO oneshots/short stories [Fanfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon