Akira Pov
Paulit ulit parin ang aking mga ginagawa pumasok, makipagdaldalan, umuwi ng bahay.
Pero naiisip ko parin si Ivan pagkatapos ng 3 tatlong taon, nag intay ako sakanya sa harap ng mall.
Halos inabot na nga ako ng 1:00 Ng madaling araw para sa kanya pero wala paring dumating na Ivan.
Mahal niya ba ko ?
Kung naalala niya pa ko ?
Naiisip ko parin ang mga katanungan na iyan sa aking isipan.
Hindi ko alam kung aasa pa ako o kung iintayin ko nalng siya dumating.
Sa School : Break Time
Bumili na kami ng mga Friend kong Si jena at aymi ng mga pagkain namin.
Nang may nabanga akong isang lalaki.
Nahulog yung daladala kong egg sandwich.
Buti nalang nasalo ng lalaki, at sinabing
" Ingatan mo para hindi masayang "
Biglang nagflash back yung sinabi sakin ni Ivan.
Parang si Ivan yung lalaking sumalo nung sandwich ko.
Habang tinitignan ko siyang papalayo, tumakbo ako at hinabol siya.
Hindi ko alam yung nararamdaman ko, na parang si Ivan yung lalaking nabanga ko.
Pero bakit iba yung boses niya ?
Mas matangkad siya
At nawala yung sigla niya
Biglang tinawag yung inaakala kong Ivan Na Clark Mercado at ngumiti
Biglang nag flashback yung nakangiting mukha niyang nakangiti at punong puno ng kasiyahan
Pero bakit iba yung pangalan niya
After The Class
Sinundan ko siya na parang isang spy na walang ibang ginawa kung di magtago sa tuwing siya ay titingin.
Pumunta siya sa gilid ng puno at para bang nagtatago siya.
Tumakbo ako at sumigaw
" IVAN !!!! IVAN !!!! IKAW BA YAN ? "
Lumabas siya mula sa pinagtataguan niya
" Buti naalala mo na ako ? "
Nagsimulang tumibok ang puso ko ng sinabi niya iyon.
Marami akong katanungan na gusto kong itanong sakanya.
Pero ang tanging lumabas sa aking bibig ay
" ivan ikaw ba talaga iyan ? "
" Hindi na ako si Ivan ako na si Clark Mercado simula ngayon, kaya tandaan mo "
" pero Ivan ! "
" Sabing hindi na ako si Ivan ako na si Clark Mercado "
Para akong nabingi sa mga narinig ko na nag iba na ang Ivan na kilala ko.
Nag iba na ang boses niya.
Nag iba na ang height niya
Higit sa lahat yung ugali niyang mabait
Tinanong niya ako
" Mahal mo ba Ako ? "
Nag oo nalang ako na para bang nahihiya.
Bigla siyang nagsalita
" mahal mo ko , mahal kita pero Dati pa Yon kaya kalimutan mo na ko "
Hindi ko mapigilan ang mga mga luha ko na tumulo sa aking mukha, na para bang sinaksak ako ng kutsilyo na hindi na inalis sa dibdib ko.
Tinitigan niya ako !!!
" Huwag kang umiyak, nakakainis lang "
Pagkasabi niya ay bigla siyang umalis.
BINABASA MO ANG
Past Vs Present ( The cold and hot Love )
Teen FictionLahat ng kwento nagsisimula sa nakita niya si girl/ hi hello nag ka inlove tapos happy ending agad .......... pero sa kwentong ito may twist soo hope you read...... si akira at si ivan ay nagmeet nung elementary days pa nila. But one day nawala si i...