" nicole pov "
talagang hindi ko na maintindihan ang lahat ng bagay bagay tulad ng feelings ko para kay clark.
Siguro nga mahal ko na siya, simula siguro nung unang sulyap ng mga mata ko sa kanya.
Parang may kurot sa puso ko kapag magkasama sila ni Akira.
At School
Naglulunch kame nila akira sa room ng lumapit si Clark para nanaman kay akira kase may gagawin nanaman sila sa office.
Ingit na ingit ako kay akira kase siya nakakasama niya si clark, tapos ako wala parang hangin lang.
Feeling ko lahat ng atensyon na kay akira.
Lahat ng pag mamahal nasa kanya din .
Alam kong hindi ko dapat nararamdaman yung ingit at galit kay akira, pero........ hindi ko mapigilan.
Gusto kong sumigaw pero.... Alam kong wala akong karapatan.
Gusto kong ako nalang si Akira para mapansin din niya ako.
naglalakad ako sa hallway ng nakita ko si akira.
" AKIRA !!! "
pasigaw kong tawag sa kanya.
Lumingon naman siya at sinabing
" uyyy nicole , saan ka galing ? "
" wala !! Naglalakad lakad lang "
Pagkatapos kong sabihin iyon nagulat ako.
Nang bigla lumabas si clark mula sa office.
Nagkauntugan kami at bumagsak ako sa lapag
" sorry nicole, Ok kalang ba ? "
Kinabahan ako.
Sumagot ako sa isip ko na
Hindi ako ok !!
Hindi ako ok clark !!
Hindi ako ok !!
Sa sobrang kaba ko tinulak ko siya at tumakbo habang umiiyak.
Akira POV
Nagulat ako ng tumakbo si nicole habang umiiyak.
Ngayon ko lang nakita na umiyak si nicole.
Sobra kayang masiyahin niyan.
" Clark lagot ka pinaiyak mo si nicole "
" nagsorry naman ako, ok lang siguro siya "
Alam kong manhid si clark pero kung sa bestfriend ko gagawin niya iyon aba ibang usapan na.
Lagot siya sa akin.
Nilapitan ko siya at hinampas hampas at sinabing
" Clark Wala ka talagang puso !!! "
" wala naman talaga ehh "
Diretsyo niyang pagkakasabi
" magsorry ka clark "
" ayoko nga ! "
Sa sobrang inis ko hinagis ko lahat ng hawak kong papers sa kanya at sinabing
" wag mo kong kakausapin kung hindi ka magsosory kay nicole "
Inis na inis akong umalis.
Nicole POV
At Room
Umupo ako sa upuan ko at niyuko ang ulo sa lamesa.
Nakakahiya yung ginawa ko kanina.
Sa harap pa ni clark.
Pano kaya ako magsosorry sa kanya.
Siguro kapag lumapit nalang siya
Hindi ko alam na papalapit na pala si clark.
" nicole !! "
Hindi ko siya tinitingnan kasi nahihiya ako.
" nicole alam kong galit ka !! , sorry na ohh !! "
Sabay hawak sa ulo ko.
Kinikilig ako na hindi ko maintindihan.
Dahan dahan kong inangat yung ulo ko.
Habang kunwari ay umiiyak.
" sorry clark ako talaga yung may kasalanan hindi ikaw, hindi kasi ako nag iingat "
Bigla akong tumayo.
At tatakbo sana ng
Bigla niya akong hinawakan at niyakap.
Kaya ayun nag iyak iyakan ako.
" nicole !! Sorry na "
Niyakap ko siya ng mahigpit at sinabing.
" Pwede ba kitang yakapin kapag nalulungkot ako "
Sumagot siya ng straight to the point.
" Oo "
Tuwang tuwa ako ng sinabi niyang, oo
Akira POV .
Papasok na ako sa room ng nakita ko na magkayakap sila nicole at clark.
Parang sumakit yung dibdib ko.
Na para bang may tinik na hindi maalis alis.
Tapos na silang magyakapan.
Nilapitan ako ni clark sa labas ng room at sinabing.
" Akira !! Ayan na nagsorry na ako kay nicole, so ok kana ? "
Pagkatapos niyang sabihin iyon umalis na siya.
Hindi ko ba alam kung matutuwa ba ako dahil nagsorry na siya kay nicole o maiinis kasee, ramdam kong may gusto parin ako sa kanya.
Pumasok na ako ng room.
Tinawag ako ni nicole.
" Mamayang 4:30 PM Akira Mag usap tayo "
" sige nicole "
At nag istart na ang klase
BINABASA MO ANG
Past Vs Present ( The cold and hot Love )
Novela JuvenilLahat ng kwento nagsisimula sa nakita niya si girl/ hi hello nag ka inlove tapos happy ending agad .......... pero sa kwentong ito may twist soo hope you read...... si akira at si ivan ay nagmeet nung elementary days pa nila. But one day nawala si i...