Sienna's PoV
I'm so Boooooreeed!!! Sabado ngayon!!! Wala akong magawa dito sa bahay wala si Ate Ylia nasa barkada niya nag party party si Lianne lumayas kasama tita niya, Yung mga magulang ko? Nasa States may business kasi may ari sila ng kompanya doon kaya bihira lang sila umuwi dito sa Pilipinas
Mag mall nalang kaya ako?! Doon naman paborito kong pasyalan eh mag sho shopping nalang ako..
I'm wearing black offshoulder dress with black dollshoes add redlipgloss on my lips and done!
"Mam Sienna saan po kayo pupunta?"tanong ng yaya namin
"Sa patay"
"Kaya po pala ganyan suot niyo po" narinig kong bulong niya
"And so what?! Eh ito paborito kong kulay at pupunta lang ako ng mall!!" Galit na sabi ko sa kanya at dumiretso palabas nang pintuan
Agad akong sumakay sa aking itim na kotse yeah my favorite color, marunong naman akong magmaneho kaya lang pagpapasok ako ng school hinahatid pa ko
----
MALLNandito na ako sa Mall syempre tinitignan ako ng mga tao dahil sa suot ko, mukha daw pampatay, SO WHAT?! EDI GUMAYA SILA!!
Naglakad lakad ako papuntang sandals section nang may pumito tinignan ko kung sino yun...mga lalaking feeling gwapo na nakashades pa, may araw ba dito sa mall?!
"Miss!" Tawag sakin nang lalaki nilingon ko siya inalis niya yung shades na suot niya tapos kumindat pa..FEELING GWAPO!
"Hindi ako si 'Miss' " sabay irap ko sa kanya
"What's your name" mukha lang tanga 'to ah! Close ba kami?!
"Close tayo?!" Mataray na sagot ko sa kanya
"Eh gusto ko lang naman makipagkaibigan sayo..." sabi niya sabay ngiti
"No, thanks...Not interested.." irap ko sabay talikod ko sa kanya, bigla naman niya hinawakan ang braso ko, wtf!
"Let me go!" Galit na sabi ko sabi sa kanya habang nagpupumiglas sa hawak niya kaya lang ang higpit nang hawak niya sa braso ko awww!!!
Wala akong magawa kundi tinadyakan ko yung tiyan niya kaya nabitawan niya yung pagkakahawak niya sa braso ko at mabilis na tumakbo narinig kong nagmumura pa siya sa sobrang sakit..wala akong pakialam kung pagtinginan pa kami ng mga tao dito.
Hingal na hingal ako pagdating dito sa Sandals Section kung saan marami ang ang sandals, kaya nagikot ikot ako para makahanap ng black na sandals...yes my favorite color!!! *u*
Nilibot ko ang buong sandals section hanggang sa mahagilap ko yung..wow! Black na sandals na may glitter at maliliit na diamond ang design shet ang ganda, kukunin ko na dapat yung black na sandals kaya lang may kumuha, kinukuha ko sa kanya yung sandals kaso di sya bumibitaw
"Hey! Ako naunang kumuha niyan" sabi ko sa lalaki na matangkad, gwapo mukhang model kaya lang may pagkamasungit!!!
"No"
"Akin na yan ako nauna dapat diyan eh" mataray na sagot ko sa kanya
"Nakuha ko na..."
"Bading ka ba?!" Tanong ko sa kanya
"No"
"Para kanino ba yan? Sa syota mo?!"
"It's none of your business"
"Eh wala pala eh! Akin na yan!" Sigaw ko sa kanya habang pilit na inaagaw ko sa kanya yung sandals pero di pa rin niya binitiwan at iniiwas pa niya waaaah!!!
"Mam,sir bibilhin niyo po ba yang last stock nang sandals?" Biglang singit ng saleslady, WHAT?! LAST NA LANG YUNG SANDALS NA YAN?!
"Last stock?!" Gulat na tanong ko sa saleslady
"Opo, bestseller po kasi yan" sagot nang saleslady
"I will buy this" sabi ng lalaki , tangena ako nauna dyan
"No ako bibili yan!" Galit na sabi ko sa kanya
Di na ako pinansin ng lalaki at dire diretso lang sya naglakad papuntang counter...arrrgh!!! Nakakainis! ang malas malas ko ngayon!
Inirapan ko nalang siya at sinumpa ng sinumpa sa isip ko at naglakad palayo..makalayas na nga! Letse!
Humanda ka sakin talagang lalaki ka!!! Argghh!!
Kane Ian's POV
"Sir pinapabigay po ni Ms.
