Chapter 8- Awake

4 0 0
                                    

Sienna's PoV

Iminulat ko ang mata ko..

Ang liwanag

Patay na ba ako?!

Naalala ko yung kagabi na sobrang hinang hina dahil sa lagnat ko ngayon...nararamdaman ko parin na nanghihina ako

Hindi! Umaga na pala! Tinignan ko ang buong paligid iba ang kulay ng kabuuan kulay dark blue eh iba ang kulay ng kwarto ko, kulay peach...nasaan ako?

Bumangon ako at kinuha ko yung bag na nasa tabi ko kinuha ko ang cellphone ko roon at nakita kong maraming missed calls si Lianne pati si Manang...Oh no! Baka Nag aalala na sila sakin kailangan kong umuwi agad kundi baka pagalitan ako ni mom pag nalaman niya 'to

From: Lianne

Besh nasaan ka na?! Hinanap ka na ni Manang Ria nyo!!

Pumunta ako sa may kusina nakita ko siya

What the--

Siya yung tumulong sakin!

"You're awake.." sabi niya habang nakatalikod lang siya alam kong naramdaman niya ang presensya ko

"Bakit ako nandito?!" Tanong ko sa kanya

"Ang tanga mo kasi...alam mo na ngang maysakit ka, pumasok ka pa!" Aba't bastus 'to ah! Akala mo tatay kung manermon!

"Aba'y sorry naman kasalanan ko bang tanga ako?!" Galit na tanong ko sa kanya
Humarap siya sakin "Waaaaaaaah!!!!" Tinakip ko yung mukha ko sa gulat Napasigaw ako grabe yung mukha niya! Mukhang zombie!!! Waaah!!! Takot ako sa zombie!!!

"Hahahaha" tawa siya ng tawa habang nakatakip pa rin yung mukha ko sa sobrang takot ko sa kanya, Inalis ko yung kamay ko sa mukha at nakita kong tinatanggal niya yung maskara na zombie, binato ko sa kanya yung mansanas sa inis ko

"Yan kasi tinatakot mo pa ako nung isang araw kaya gumanti lang ako" sabi niya habang hinahanda niya yung sopas sa table

"Oh ayan kumain ka na! Tapos lumayas ka na sa condo ko tsk! Pinaalaga mo pa ako ng maysakit"

"Edi salamat! gusto ko na ngang lumayas eh!"

Di niya na ako pinansin dumiretso lang siya papuntang kwarto na tinulugan ko at paglabas niya binato niya sakin yung bag ko..waaaah!! Yung cellphone ko nandyan

"Hoy! Wag mo ngang ibato yang bag ko nandyan yung cellphone ko!" Sigaw ko sa kanya

"I don't care"

"Pwede mo namang ibigay nang maayos diba?!"

"Eh ganito gusto ko eh!" Pilosopo 'to ah!!

Kinuha ko yung bag ko sa sahig at lumayas na ng condo niya padabog kong sinara yung pintuan niya..kakainis!

"Salamat sa sopas! Di masarap!!!" Sigaw ko sa kanya habang sinasarado yung pintuan 

---
Nag commute  ako papuntang bahay namin, siguro magagalit si Manang dahil di ako umuwi kagabi.

Nakarating na ako ng bahay ng biglang sumalubong sakin si Cindy grabe ang laki niya na parang dati ang liit liit palang nya

"Ate Sienna! I miss you!" Niyakap niya ako

"I miss you too little sister!" Niyakap ko rin siya ng mahigpit

"Wait! Where's Ate Ylia?" Tanong niya sakin, huh? Asan na ba yung Ate kong yun? Nasa condo niya siguro

"Nasa condo niya..siguro" kasi di ko alam kung saan saan nag gagala yun kasama kabarkada nya

"Can you please call her I really want to see Ate Ylia" nagpuppy eyes pa siya sakin..ohhh so cute! Tinawagan ko si Ate Ylia

AgainWhere stories live. Discover now