MAHAL KONG HARA I
Sa Lireo'y kaytagal ko nang namuhay
Lahat ng aking makakaya'y ibinigay
Sa liwanag ng araw, gumabay
Sa dilim ng gabi, umagapay
Paglilingkod ng tapat inialay
Para sa Lireo na aking mahal
Mahal kong Hara
Buhay sa Encantadia'y matagal
Maraming maaring maging sagabal
Kaya noon pa ma'y nagpasya di sumugal
Sa mga bagay na walang buting gugol
Ako'y lumayo't naglingkod ng buo
Para sa Encantadia'y tuwid na namuhay
Mahal kong Hara
Matagal nang ako'y nag-iisa
Nasanay sa tahimik na gabi
Nagsanay sa umaga ng mabuti
Oras ay di binilang pang muli
Sapat ng noo'y bumabangon
Para maging pader ng proteksyon
Sa lupaing nagkanlong sa akin
Para sa mga nilalang na mabuti
Mahal kong Hara
Batid mo bang di ko inakala
Na may higit pang ikagaganda
Na may higit pang ikasasaya
Ang buhay sa layon na aking nilaan
Iyon ay nang ikaw ay makilala
Wari'y noon lamang huminga
Para sa iyo, bigla akong nagising
Namulat sa rikit ng panahon
Sa saya ng pagkakataon
Mahal kong Hara, Iniibig kita.