Mahal Kong Hara II

338 14 0
                                    



II

Mahal kong Hara, aking Danaya

Sa iyo, nais kong huminga

Sa iyo, nais kong sumaya

Sa iyo, nais kong mag-alay

Sa iyo, buhay, ibibigay

Sa iyo, puso ko'y gagabay

Sa iyo, kaluluwa ko'y aagapay

Sa iyo, lahat ibibigay

Ikaw na Hara, aking Danaya

Natatangi kong mahal


Mahal kong Hara, aking Danaya

Ganito pala ang magmahal

Lahat ay bagong paglalakbay

Kislap ng iyong mga mata'y

Tibok ng aking puso

Kampay ng iyong mga kamay

Bilis ng aking hininga

Lahat ng iyong ngiti

Pumupuno sa'king isipan


Kilos mo't galaw, hampas at padyak

Buong pagkatao ko'y pumapalahaw

Ginising mo lahat sa akin

Kaya noon din aking nabatid

May digmaan pa 'kong dapat ipagwagi

Sa digmaan ng puso't isipan

Lahat-lahat sa akin ay sumalang

Mahal kong Hara, Aking Danaya

Puso ko ang nagwagi

Ngiti mo'y sapat na sa akin

Makasama ka'y sobra ng pag-angkin    

Can I Love You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon