Aking Mashna III

102 6 0
                                    

© posted on twitter - 05. 12. 17   

III

Aking Mashna

Nawa'y batid mo aking kasiyahan

Ikubli man o ipagsigawan

Puso ko'y nagdiwang sa sulyapan

Kahit maraming bungguan at baguhan

Di ka nawaglit sa'king pusong taguan

Sa gitna ng maraming kaguluhan

Naiibang kataga'y naging paraan

Mga saloobin na din masabi

Umalpas at naibahagi

Damdamin na pilit itinabi

Naging batian natin lagi


Aking Mashna

Sa mga nakaw na sandali,

Isip ko'y sumisigaw

Sa mga pigil na hawak,

Puso ko'y sumasayaw

Sa mga labanan isinali

Sigaw ng puso't isip ibinahagi

Pilit pinigil ngunit di nagwagi

Aking Mashna, noon din nagpasya

I love you ka talaga!


Aking Mashna

Sa iyong tingin nais kong sumagot

Sa iyong bisig nais kong magpasakop

Sa iyong hininga nais kong yumabong

Sa iyong pag-ibig nais kong sumibol

Aking Mashna, mahal kong Aquil,

Pag-ibig sa iyo'y ayoko nang isikil

Puso't pagkatao'y sa iyo, di papapigil


Can I Love You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon