Chapter One
Jamie's POV
DALI-DALI akong naglakad patungo sa opisina ng research department na kinabibilangan ko. Kailangan ko nang magmadali. Mahigit limang minuto na kasi akong late at sigurado akong katakot-takot na sermon na naman ang sasalubong sa akin.
Paano ba naman kasi lagi na lang akong nale-late, bilang na lang ata ang mga araw na hindi ako nahuli sa trabaho e. Himala na lang kapag nakapasok ako ng maaga. Kaya lang naman kasi ako nale-late dahil sa traffic. Totoo nga sila, traffic na lang ang may forever.
Kapag nahuli na naman ako ng sampung minuto, siguradong gigirahin na naman ako ng mala-machine gun na bibig ng department manager namin na si Ma'am Megan. Deserve ko naman sigurong masermunan. Patakaran kasi nito na kapag na-late ng limang minuto ay okay, pero kapag lumampas roon ay 'di na okay.
Napatingin sa akin ang mga katrabaho ko ng hangos na hangos akong pumasok ng opisina. Sobrang napagod ako sa lakad takbong ginawa ko para lang hindi ma-late at mabulyawan. Kaaga-aga haggard na agad ang itsura ko dahil sa pagmamadali. Binigyan ko lang sila ng nag-aalangang ngiti.
Nilapitan ako ni Maggie. "Hoy bruha ka, ba't late ka na naman?" bungad nito. Siya ang katrabaho ko at matalik na kaibigan.
"Para namang bago ka ng bago, Maggie," sabi ko sabay hinga ng malalim. Piling ko lumaban ako ng marathon dahil sa pagod. Ni hangin ng aircon hindi ko na maramdaman o baka mahina lang talaga.
"Sobra kayang traffic!" Inayos ko ang aking sarili at dumiretso sa table ko. Sinundan naman ako ni Maggie.
"Jamie alam mo bang mainit na naman ang ulo ni Ma'am Megan?" nakasimangot na wika niya habang nakatuon ang dalawang kamay sa mesa ko.
"Lagi namang mainit ang ulo no'n. Buti nga 'di ako na-late ng sampung minuto e, siguradong masasabon na naman ako ng sermon kung nagkataon."
"Maigi nga kamo, kung hindi pagsisihan mo na namang dito ka nag-apply sa kompanyang ito," singit naman ni Chester na hindi namin namalayan na nasa tabi na pala ni Maggie. Sinimangutan ko lang ito.
"Bakit 'di ba totoo?"
Totoo naman kasi 'tong si Chester, sinasabi ko kasi 'yon tuwing nasesermunan ako ni Ma'am Megan. Paano ba naman, makasermon parang ang sama kong tao.
"Haist oo na po! Bumalik na nga kayo sa trabaho n'yo." Sinimangutan ako ng mga ito at naglakad na palayo.
Pinagmasdan ko na lang ang mga ito at napailing. Huminga muna ako ng malalim bago nagsimulang magtrabaho. Tinuon ko na lang ang sarili ko sa pagtipa sa computer na kaharap ko. May mga papers pa akong kailangang tapusin.
Isa akong empleyado sa isang malaking kompanya na pag-aari ng mga Caireos. Hindi naman kami kahirapan. Ayaw nga ni Mommy na magtrabaho pa ako. Pero dahil makulit ako, wala na silang nagawa.
Pasalamat naman ako at tahimik ang buong opisina. Marahil dahil sa tambak na gawain na ibinigay ni Ma'am Megan. Masaya naman ako sa trabaho ko, kaya lang nakakapagod din minsan.
Natapos ang oras ng trabaho, kaya naman sabay-sabay na kaming lumabas at dumeretso sa malapit na restaurant.
"Mukhang gutom na gutom ka ata Jam a," puna ni Chester sa akin habang nilalantakan ko ang in-order kong hita ng manok at tsaka pasta. Masarap kasi e!
"Problema mo? Gutom ako e. Saka masarap 'yong hita at pasta nila." Sinamaan ko pa siya ng tingin at nagpatuloy sa pagkain. Nakita kong napailing na lang ang dalawa kong kaharap.
BINABASA MO ANG
Love and Death [Completed]
Mystery / Thriller[WATTYS 2017 WINNER: The Originals] [UNEDITED]√ "Isang laro kung saan pag-ibig ang nakataya at kamatayan para sa matatalo!" Handa ka bang maglaro, kung pag-ibig ang nakataya at kamatayan kung sakaling matalo ka? Date started: February, 05, 2017 Date...