Chapter 02: Unang Pagtatagpo

10.3K 331 75
                                    

Chapter Two

Jamie's POV

"MANONG!" nakangiwi kong saad habang gusot ang aking mukha dahil sa traffic. Muli akong tumingin sa wrist watch na suot ko at sumimangot.

"Ano ba 'yan! Alas-syete y medya na," sabi ko sa pabulong na tinig.

Male-late na kasi ako! Dahan dahan lamang ang usad ng sasakyang sinasakyan ko. Hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko dahil ilang minuto na lang ay late na talaga ako. Siguradong sermon agad ang sasalubong sa akin. Hindi ko naman masita ang driver dahil wala naman itong kasalanan sa traffic na nangyayari.

Hindi pa rin maalis ang pagkagusot ng aking mukha. Hindi ko alam kung anong oras akong makakarating sa aking trabaho. Paulit-ulit na rin akong tumitingin sa wrist watch na suot ko. Nakakabanas ang traffic!

"Naman e!" Lutaytay akong sumandal at napakagat sa aking labi. Gusto ko ng paliparin ang taxi ni Manong para lang makarating agad kami sa destinasyon ko.

Sa haba ng pag-iintay ko, sa wakas nalampasan din namin ang traffic at naging maayos na ang daloy ng mga sasakyan.

Medyo nakahinga ako ng maluwag ng makarating na kami sa tapat ng CL building. Dali-dali akong bumaba ng Taxi at inabot ang aking bayad. Hindi ko na nagawa pang lingunin ang driver ng taxi at mabilis akong naglakad palayo.

"Bilis Jamie abot ka pa!" pagpapakalma ko sa aking sarili.
Araw araw na lang ganito ang sitwasyon ko. Bakit ba kasi hindi ako makagising ng maaga?

Tiningnan ko muli ang wrist watch ko at napangiwi ako ng makita ang oras. Isang minuto na lang late na talaga ako. Dali-dali ko nang nilandas ang ground floor at tinungo ang elevator. Hindi ako mapakali habang hinihintay ang pagbukas niyon. Nakaramdam lang ako ng relief ng sa wakas ay bumukas na ang elevator. Agad akong pumasok roon, pinindot ko ito patungong 10th floor kung saan nandoon ang opisina ng mga taga-research department.

"Paktay na! Late na ako ng fifteen minutes!" Hindi ako mapakali habang umaandar pataas ang elevator. Maya-maya pa ay bumukas na ito. Dali-dali akong lumabas mula roon at tinahak ang hallway patungong Research Department Office.

"Jam, bakit ba ang bagal mo?" pabulong kong sermon sa aking sarili.

Huminto ako ng nasa tapat na ako ng pinto at agad kung inayos ang aking sarili tsaka pumasok sa loob. Tahimik ang lahat at kapwa sila abala sa kung anong ginagawa. Dahan-dahan akong humakbang patungo sa table ko at..."Miss Jamie Regardon, your late!" Napahinto ako ng marinig ko ang maawtoridad na boses ni Ma'am Megan. Napangiwi akong humarap sa kaniya at pilit ngumiti.

"Ms. Regardon, come to my office now!" maawtoridad na utos ng bruha, este! Ni Ma'am Megan. Napayuko ako ng mapansin kong halos lahat ng katrabaho ko ay nakatingin sa akin.

"Yes, Ma'am!"

Pumasok ng office si Ma'am Megan at agad akong sumunod.
Nadatnan ko itong nakaupo sa swivel chair at nilalaro ang hawak nitong lapis.

"Ms. Regardon, alam mo na siguro kung bakit kita pinapunta dito?" malamig na tanong nito.

"Yes, Ma'am!" tangi kong sagot.

"Why? I will give you a time to explain!" Umayos ito ng upo. Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya. Para kasing apoy ang tingin niya, nakakapaso.

"T-traffic po kasi," nag-aalangan kong sagot, dahil alam kong hindi niya iyon paniniwalaan. Gasgas na raw kasi ang linyang 'yon.

"Traffic? Wala ka bang ibang maidahilan kung bakit ka late? Gasgas na 'yang dahilan na 'yan. Halos lahat ng empleyadong nale-late 'yan ang dahilan."

Love and Death [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon