Chapter ThreeJamie's POV
ISANG liwanag ang sumilay sa aking mata daan upang muli akong pumikit. Nang muli akong nag-mulat ng mata iniwas ko na ang aking tingin sa bintana na pinanggagalingan ng liwanag. Iniunat ko ang aking mga kamay kasabay ng paghikab ko.
Weekend ngayon kaya hindi ko kailangang gumising ng maaga at suungin ang mahabang trapiko.
Tumayo ako at tinungo ang tapat ng bintana. Hinawi ko ang kurtina at pinagmasdan ang maaliwalas na umaga. Pumikit ako at ngumiti ng malanghap ko ang simoy ng sariwang hangin. Ang sarap sa pakiramdam. Ilang segundo rin akong nasa ganoong posisyon bago nagmulat ng mata at pinagmamasdan ang paligid.
Naagaw ang atensyon ko ng makita ko ang isang lalaking tila nakatingin sa kinaroroonan ko. Nakasuot ito ng bonnet. Napakunot-noo na lang ako at hindi na pinansin ang aking nakita. Nagpasya na akong lumabas ng kwarto at tinungo ang banyo.
"Anak gising ka na pala," bungad ni Mommy ng makita akong papalapit sa kaniya.
Umupo ako sa bakanteng bangko na nakapaligid sa lamesa kung saan nakahain ang almusal na hinanda ni Mommy. Mayroon na ring tasa ng kape roon.
"Kumusta ang tulog mo anak?"
tanong naman ni Daddy na nakapwesto sa kabilang kanto ng lamesa."Mahimbing naman po, saka sapat naman po 'yong tulog ko." Nagsimula na akong kumuha ng pagkain na nasa lamesa. Kumuha lang ako ng kaunting kanin at itlog.
Sumubo ako at tumingin kay Daddy. "Dad, aalis ka?" Bihis na bihis kasi siya na halatang may pupuntahan nga.
"Oo anak, pupunta ako ng opisina para mag-report," sagot ni Daddy at nagsubo ng pagkain. Nagtatrabaho kasi si Daddy sa isang maliit na kompanya. Kung saan isang simpleng tagagawa lang siya roon. Hindi ganoon kalaki ang income niya. Maigi nga at mayroon kaming maliit na business na kahit pa paano ay malaki ang kinikita.
"Ikaw ba anak, hindi ka ba lalabas?" balik na tanong ni Daddy sa'kin.
"Hindi po, tinatamad ako Dad e." Wala naman kasi akong pupuntahan. Mas maigi pang magmukmok sa bahay kaysa gumala. Hindi ko talaga hilig ang mga gimick o ano mang klase ng mga gawaing kailangan pang umalis ng bahay. Okay na ako sa loob ng bahay.
"Mag-shopping? Wala ka bang bibilhin?" sabat naman ni Mommy na agad kong tiningnan.
Hindi naman ako mahilig mag-shopping. Naboboring lang ako kalalakad sa mall at katitingin ng iba't ibang item."Wala naman po akong bibilhin, Mommy!" sagot ko at nagpatuloy sa pagkain.
"Sige, ikaw bahala," patango-tanging saad ni Mommy.
Katahimikan na ang namayani sa amin. Nauna nang matapos si Daddy at nagpaalam na para umalis. Maya-maya si Mommy naman ang natapos at ilang saglit ay natapos na rin akong kumain.
Lumabas ako ng bahay at naisipang magdilig ng mga halaman. Kinuha ko ang hose ng tubig at isa-isa kong dinilig ang mga halaman na ngayon ay namumulaklak na. Maalaga kasi si Mommy sa mga halamang tanim niya dito sa bakuran kaya naman napakaganda niyon.
Napatingin ako sa grupo ng mga lalaking naglalaro ng basketball. Malapit kasi sa bahay namin ang isang basketball court, half court lang iyon na sadyang ginawa para paglibangan lamang.
Napapitlag ako ng marinig ko ang pag-vibrate ng cellphone na nasa aking bulsa. Tumambad sa akin ang pangalan ni Maggie na nakarehistro sa screen ng cellphone ko. Pinindot ko ang answer button at tinapat iyon sa aking tainga.
BINABASA MO ANG
Love and Death [Completed]
Mysterie / Thriller[WATTYS 2017 WINNER: The Originals] [UNEDITED]√ "Isang laro kung saan pag-ibig ang nakataya at kamatayan para sa matatalo!" Handa ka bang maglaro, kung pag-ibig ang nakataya at kamatayan kung sakaling matalo ka? Date started: February, 05, 2017 Date...