S I M U L A

17.3K 406 183
                                        

Change is inevitable.

Change is constant.

Change is...coming?

I don't think so. By the looks of it, wala akong nakikitang pagbabago kay Thalia Jimenez. She's still that cold and aloof woman I knew.

Kung bakit siya aloof ay hindi ko alam. Kung bakit siya malamig at tila bato ay lalong wala akong ideya. Ganiyan na siya simula pa noong nasa grade school kami, tila palaging walang pakialam sa paligid. Wala din naman sana akong pakialam kung hindi lang ako binigyan ng task ng superior ko. And that is to have an interview with the Muses na siyang kinabibilangan ni Thalia Jimenez.

I'm a writer for the student mag of our university — The JSU Stats. The magazine is centered towards the achievements and accomplishments of students around the campus. Nafi-feauture dito ang mga estudyanteng nagbibigay karangalan sa unibersidad. And our EIC wants to feature the MUSES.

Sila ang siyam na mga kababaihan na namamayagpag sa iba't-ibang klase ng larangan at nagbigay karangalan sa buong JSU nitong nakaraang taon. At ang siste, sa akin napunta ang task na ito, sa kadahilanang karamihan sa mga Muses daw ay kilala ko.

Ito na nga ba ang sinasabi ko, dapat pala nag-leave na ako at nang hindi ako naperwisyo ng ganito.

"You should start with the Ice Queen."

Kumibot ang labi ko para sana pilosopohin ang kausap ko. Kung hindi lang talaga ito ang task ko ay baka kanina ko pa siya nairapan dahil sa inis. "Ano ba naman 'yong isang interview, Dione? Is that much to ask?" Ang babaeng ito talaga, pa-suspense lagi. Palibhasa, sa kanilang magkakaibigan ay siya ang pinakamisteryosa. Her face alone is already a mystery. "Bakit kasi pinasa mo pa ako kay Jimenez?"

"TJ is nice."

I scoffed, "you mean, the other way around." Inubos ko nalang ang in-order kong piñacolada. "Kwentuhan mo nalang ako tungkol sa kaniya."

"Why don't you ask her? Sasagot naman siya."

"Alam mo, malapit na akong mapika sa inyo. Una, si Yuri ang tinanong ko pero pinasa niya ako kay Helen. Kaso nahihiya ako kay Helen, alam mo namang super crush ko iyon. Tapos, si Mnemosyne ang nilapitan ko pero ipinasa naman ako kay Victoria. Girl, that woman is a mythical bitch."

"I see," makahulugang sabi niya. May kasama pa itong ngisi na nagbibigay ng mystery vibe. "I'm busy that's why I can't do the interview. Your last resort is TJ."

I need more patience when it comes to this. Nagpapasalamat nalang ako at hindi pagsusungit ang inabot ko sa kaniya. At least, she's that polite to say no. "Fine, basta ikaw ang mag-set ng meeting. Deal?"

She extended her hand. "Deal."

And that bargain was already days ago. Wala pa akong nasusulat ngayon. Damn it, I'm doomed!

Napasimangot ako habang nakatingin sa repleksiyon sa salamin, ang pangit ko na. Mukha akong luging-lugi sa negosyo, at hindi nakakatulong ang eyebags!

"Girl, what's the make up for?"

"Para sa pagbabago na mailap yata sa bansang ito," walang ganang sagot ko. Kapag hindi pa talaga sumipot ang Thalia Jimenez na iyon, susulungin ko talaga siya sa kung saan man siyang lupalop ng mundo. Pangatlong beses na niya akong hindi sinipot. Siya yata ang reyna ng ghosting na usong-uso sa panahon ngayon. "Okay na ba, James Iron?"

He made a face. Ayaw niya talagang tinatawag ko siya sa kaniyang pinaka-totoong pangalan. "Sasabunutan na kita, babae. Don't call me nga kasi ako sa ganiyan. Don't say bad words!"

I checked my face again, maganda pa din ako. Inaya ko siyang sumama sa akin pero tumanggi lang ito. May date daw kasi siya kasama 'yong nirereto sa kaniya na babae ng mama niya. "See you on Saturday, James Iron. Don't forget to bring condoms, 'kay?" Kumaripas ako ng takbo papunta sa nakaparada kong kotse bago pa niya ako masabunutan. Daig pa naman niya ang pusa kung mangalmot.

Thalia JimenezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon