Memories

11 0 0
                                    

February 23,2017
b
Exam day.
I arrived at exactly 8 in the morning.
Luckily Teacher Maricel's still not there. I have time to eat breakfast pa at the canteen. Medyo nagkaroon rin ng konting time to review. Nakakakaba kasi ngayon ang Math.

8:34 am
Nag start na ang exam. Medyo nagkakaconvo na rin kami ni Canoy.Pasingit singit hahaha.

After ng exams, we decided na bumaba na papuntang church.
Niyaya ko si Byron, while Adrian is there hahaha. Then di ko na natiis and ni-invite na rin sya. Isasara ko na sana pinto nun. Ewan ko ba, naisip ko kasing parang ako lang ang may pake kay Adrian. Kawawa naman yun dun sa room mag-isa lang. Kaya tinawag ko na sya.
"Adrian" seryoso ako haahha
"Adrian, dyan ka lang ba?"
"Oh?,san kayo pupunta?"
"Sa church. Tara, sama ka na"
Together we went downstairs with Camille, Dom, and Arvin. Inilabas ko yung pinamili kong food kahapon. Sya pa nauna kumuha haha. Namiss ko 'tong lalaking 'to. Hirap kasi pag magkakaaway kayo ng bestfriends mo. Mamimiss mo talaga pinagsamahan nyo. Then we stayed there for a while and had some chattiechat. Then ginutom kami and we decided na kumain na sa labas.

I smiled nang mapagtanto kong kumpleto na uli ako. Walang kaaway. Di kasi ako sanay. Then sabay kami ni Adrian maglakad. Dumaan kami sa flower shop nina Sam. Nagdaldal rin yun na yung white daw na rose is pwedeng mapalitan ng kulay. Just put the stem raw sa tubig then lagyan ng food color. Ayoko naman maging killjoy kaya sinabayan ko nalang sya. Naaalala ko mga moment na nagsasalita sya then walang pumapansin, at to think na ako nga yung pinakamabait sa'min at mataas haha ang sense of humor. Sanay na akong magaappreciate. Di ko alam kung bakit. Alam ko kasi ang feeling ng di naaappreciate.
Nasa door na kami ng kainan but di na natuloy kasi gustong umuwi na ni Dom. Kaya sinamahan nalang siya ni Camille. She gave us money, 1k. Tsaka kumain nalang rin daw kami and after that bumili ng food na lulutuin sa house nina Dom. So yeah, me, Arvin and Adrian ate sa Hothothot. Then after that naggrocery na kami and bought Dom some medicine. Then sumakay na kami ng tricycle papunta kina Dom.

Kami sa loob ni Adrian at si Arvin naman sa backride. May topak rin yung driver na yun. Panay pauntol. Eh pantay naman yung kalsada. Nakarating na kami and nag cook na ng hotdogs. Si Adrian na rin ang nagpalaman ng breads. Halos 30 minutes kaming nagbangayan don. Kung sino ang magluluto, maghuhugas, etc. Sarap rin kasing kasama 'tong si Arvin eh. 😏😓

Then after nun tumambay na kami sa sala. Naalala naming may exams pa bukas at bukas na rin ang deadline ng comics namin. Yung mokong na Adrian di pa rin pala nakakatapos ng kanya. Tinomboy pa ako about sa phone nya. Wiw. Saya lang kasi. 😁😄😒.

Sinabi ko kasing tinatamad ako. Totoo naman. Ayooon nagalit. Sabi nya tatanggapin nya lang daw yung sorry ko if tinapos ko yung comics nya. Kilala nya si Eddie? Eddiewaw!

"Sya pa may ganang magalit"
"ayan na naman kasi, sorry na sabe"

Ni-hug ko sya at parang asong nagsosorry dun. Pabebe pa eh tinatamad lang naman magdrawing. Pssshh.
Ayoko ng gulo kaya pumayag na 'ko.
Tuwang tuwa naman sya 😪😏 Parang may pahed lang eh.

Namalayan kong mag ti-3 pm na kaya I decided to go to the terminal. Nagyaya rin ako ng sasama sa kin pauwi. Eh tae bes walang may gusto.
Pero hinatid naman ako ni Adrian papunta sa likuan. Eh alam ko na style nito eh. Para sa comics nya. Pshhh. Nag goodbye na at nag-ingat. Eh tongono naiwan ko pala tong phone dun sa kwarto ni Dom. 😂

Bumalik nanaman ako kina Dom at tinawag si Adrian. Yun lang naman di busy dun. Si Camille at Dom naghahanimun😂 Wag mo nang icorrect yung spelling Hahahaha para di halata 😂. So ayon. Si Arvin, busy mag-vape, ang gagandang influence eh noh? So ayon lumabas si Canoy at tinanong ako kung ba't pa 'ko bumalik.

"Pakikuha naman nung phone ko sa kwarto ni Dom!"

"Nasan ba?"

"Nasa kwarto sabeee"

Pumasok sya at kinuha na ang phone.
"Eto na Jen."
"Tsalamath"
"Geh. Bye. Ingat"
"Hmmm."
Then off to terminal I go hahaha

3:07 pm.
Ang saya 😁Iniwan nanaman ako ng jeep. Buti nga't andito pa ang Pretty Boy.

Kumain na ako ng dinner ko at nag wash ng clothes namin sa washing machine. 9pm na rin natapos. After that, I decided to take a bath. At para fresh. Naglinis na rin ako ng pes ko. At naglaro sa tablet ko. Naalala ko nanamang may pinapagawa si Adrian. Nakakatamad talagaaa.

Ginawa ko na ang cover ng pinapagawang comics ni Adrian. 10:15 pm ko na natapos yung pinapagawa nyang kabanata 8-10. Quarter to 9 na rin ako nag start kasi naglaro pa ako ng puzzle game. Nakakaantok na nga kaso may pahed tong si Canoy eh. Baka ano magawa sa kin nun pag wala nito bukas 😂. Under ako ng kapatid kong yun 😂😄😅. Night.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 11, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ENIGMAWhere stories live. Discover now