"Wahhhh lunes nanaman and I hate it." hindi naman sa ayokong pumasok nakakainis lang kasi makikita ko nanaman sya ang taong laging sumisira ng araw ko.
Ay oo nga haha daldal ako ng daldal hindi pa pala ako nakakapagpakilala haha. Ako nga pala si Amber Pyre Tolentino.
"Aaaammmmbeeerrr!!!"
at sya sya ang maingay kong bestfriend.. si Monique Gutierrez.
"ano nanaman yang iniisip mo ha bruhilda alam mo bang late na tayo kaya bilis bilisan mo na ang pagpapantasya dyan!!!" grabe talaga bibig neto eh talo pa mama ko sa pagbubunganga.
"ano ba!! Amber Pyre Tolentino!! bibilisan mo oh kakaladkarin kita papasok!!!"
"andyan na andyan na napaka brutal mo din eh noh."
15 minutes lang ang travel time namin mula sa bahay papuntang school hindi naman sa late na kami eto kasing si nikki (short for Monique) eh hindi pa ko diretsuhin na hoy amber bilisan mo at si crush eh andun na baka malate na ko sa pag landi hahaha.
"Hoy babae nung tinatawa mo dyan ha? kaw ambs ha tinotorture mo na ko dyan sa marumi mong utak ha." lakas din ng radar neto ah alam na sya iniisip ko.
"Naku ambs kundi lang talaga eh nakatikim ka na sakin."
"Hala to namang si bessy hindi naman ikaw yun eh wag assuming teh."
and after ng malabagyo naming diskusyon nakarating na kami sa school. Ang napaka ganda kong school punong puno ng knowledge, dreams at magagandang nilalang...
"Aaaaaarrrayyy!!!! at sinong..."
"Oh liit andyan ka pala hindi kita napansin liit mo kasi next time wag kang basta basta tatayo nalang sa gitna ng school ground baka matapakan ka kaw din. Ingat ha bye kutong lups."
"Anak ng tipaklong binabawi ko na yung huli kong sinabi....Wahhhh napaka kapal naman ng lalaking yun ahhhh!!!! humankjghkhl. hindi ko na natuloy ang napakahaba kong sasabihin badtrip kasi tong si nikki tinakpan yung buong mukha ko ng bag nya.
"Tama na yan lalo lang lalala yang pang aasar nya habang pinapatulan mo." buti nalang may bestfriend ako. (^_^) kaya mahal na mahal ko tong si nikki. Maloko pero alam nya kung kelan magseseryoso.