"hmmm"
"Ambs are you awake? Anung masakit? sabihin mo." pagaalalang tanong ni nikki.
"ok na ko nikki dont worry galos lang naman to eh." pag-aalo ko sa kanya. Napansin ko namang may kasama si nikki at ang masaklap pa nito eh si raine pa ang kasama ni nikki.
"Haay buti nalang at nandun tong si raine kundi hindi, hindi lang galos makukuha mo nyan."
kahit kelan talaga ang daldal nitong si nikki.
"Hi students yung mga hindi patient dito you need to go to your room its already time. wika ng nurse.
"Dito ka lang ambs sabay tayong uuwi huh." yun lang at nag paalam na ito...
"Dito lang kayo kukuha lang ako ng pagkain nyo." paalam ng nurse.
Ansabi ng nurse umalis na daw ang hindi patient eh ba't hanggang ngayon eh andito pa tong ungas na ito?
"Hoy!!" sigaw ko sa kanya
"Ako ba tinatawag mo?"
"Ay hindi hindi itong dingding. Syempre ikaw!! tsss. Kala ko matalino. tsk" pilosopo kong sagot.
"May pangalan po kasi ako. At hindi naman Hoy ang pangalan ko.. Tsaka naninigurado lang baka may kausap kang hindi ko nakikita alam mo na." with matching paikot ng kamay sa tenga that means nababaliw...
May punto din tong ugok na to eh. Kainis sana hindi ko nalang kinausap napahiya pa ko.
"Ikaw ok ka na ba?" seryosong tanong nito.
Nagulat ako ng mag seryoso ang mukha nito.
"ahh ehhh oo ok na ko medyo masakit lang tong gasgas ko sa ulo." naiilang kong sagot
"Mabuti naman. Next time wag nang tatanga tanga ha. haha" pangiinis nito.
"grabe ka aksidente yun ano. Eh bakit ka ba kasi nandito?"
Itinaas nya yung kanang kamay nya at nakita ko na may benda ito at medyo namamaga.. Bigla tuloy akong nakaramdam ng awa at guilt.
"ahmm sige pahinga ka muna." pahiya kong tugon.
"its not your fault." yun lang at tumalikod na sya sakin. Naramdaman nya siguro yung guilt ko.