Two

10 0 0
                                    

Belle: Hmmm... Masakit pa rin.

Allen: 'Yung ngipin mo? Sabi ko kasi sa'yo pumunta ka na sa dentista eh.

Belle: Ano ka ba? Hindi 'yung ngipin ko ang masakit.

Allen: Oh? Eh ano?

Belle: Heto bes. (Sabay turo sa kaliwang dibdib)

Allen: Kain ka kasi nang kasi ng taba eh. Sabi ko naman sa'yo, Belle, 'di porket hindi ka tumataba eh you'll eat whatever you want.

Belle: Allen! Shit! Ang sakit ng puso ko lalo na 'nung nakita ko 'yung mala nobelang birthday greeting ni Des para kay Crest. Mahal ko pa, bes. Pero ayun siya, may mahal nang iba.

Allen: Akala ko ba set your priorities straight. Eh bakit nagmumukmok ka ngayon d'yan?

Belle: Mas lalo nga akong nasasaktan because of this fucking priorities. Kung alam ko lang na ganito pala kasakit, eh 'di sana sinagot ko na siya...

Allen: Tapos ano? Malalaman ni Tita? Paniguradong mata mo lang ang walang latay, bes.

Belle: Eh hindi naman malalaman ni Mama.

Allen: Isisikreto mo?

Belle: Bakit hindi?

Allen: Eh ang kaso mo'y hindi mo nga sinagot 'yung tao tapos si Des at Crest na ngayon ang dapat ay Belle at Crest.

Belle: Alam ko. Ang sakit lang talaga. Parang wala na kong ginawang tama. Lagi na lang ako 'yung naiiwan. Bakit hindi n'ya kayang mag-stay? Gusto n'yo bang mga lalaki ang entitlement? 'Yung matatawag ninyong girlfriend n'yo ang isang babae sa harap ng mga kaibigan n'yo? Hindi kami trophy, Allen! Gusto ko lang namang matupad lahat ng mga pangarap ni Mama para sa akin. Bakit kailangang iwanan ako ng mga taong nangako ng paghihintay? Bakit pwedeng maging dalawa ang mahalin ng mga lalaki? O baka sinungaling lang talaga kayo. Susubukan n'yo kung mapapasakamay ninyo kami tapos kapag hindi, hahanap kayo ng babaeng makapagsasabi sa inyo ng matamis na "oo." Ganun ba 'yun? Sumagot ka!

Allen: Belle. Hindi ako si Crest. At lalong lalo na hindi ako naghahanap lang ng babaeng mapapasagot ko. Tumitibok ang puso ko, Belle. Hindi mukha ang nagmamahal, puso.

Belle: Sorry, Allen. Ang tanga tanga ko lang talaga. Wala naman akong karapatan kay Crest eh. Hindi ko siya boyfriend. Nanligaw siya, binasted ko. Kahit alam kong siya na. Si Crest lang naman kasi ang nagparamdam sa'kin kung gaano ako kahalaga eh. 'Nung mga panahong sinabi niyang maghihintay siya kung kailan ako handa. May tao pala noon na magpapaniwala sa'yo ng totoo pagkatapos ay siya ring kakain ng pangako niya.

Allen: Bakit kasi hindi ka tumingin sa ibang tanawin d'yan. Katulad ng mga taong nasa tabi mo lang pala, hindi mo naman pinapansin.

Belle: Katulad ni...?


Itutuloy.

Wala Tayong PamagatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon