Belle: Katulad ni...?
Allen: Katulad ko.
Belle: Ano?
Allen: Ah, este, katulad ni Koko. Nanligaw din 'yun sa'yo diba?
Belle: Di ko siya type.
Allen: Ah. Ganun ba?
Belle: Masyadong presko at bilib sa sarili si Koko. Ayaw ko sa ganun.
Allen: Ako na lang kasi
Belle: Ha? Ang lakas ng harurot ng sasakyan sa labas eh.
Allen: Ako na lang, Belle.
Belle: Allen, wait. Tumawag si Crest.
Allen: Sige, sagutin mo. Baka alam na niya na alam mo nang sila na ni Des. Baka mag-explain sa'yo.
Belle: Hello, Crest?
Allen: (in mind) Belle, Mahal kita. Hihintayin ko na lang sigurong makita mo kung gaano ka kahalaga sa'kin. Maghihintay ako hanggang sa maging handa ka na. Nandito lang ako, bes. Sa'yo lang titingin ang mga matang ito. Sa'yo lang iibig ang pusong ito. Sa ngayon, kuntento na ako sa kung ano mayroon tayo. Sa pagkakaibigang ito, minamahal na rin kita, Belle.
BINABASA MO ANG
Wala Tayong Pamagat
AcakOne shot story. Mga pag-uusap lang ni Allen at Belle. Huwag mo nang basahin.