Chapter 1

661 10 0
                                    

Ako nga pala si Mikael Corpuz, pero tawag sa akin ng lahat ay Kyle. Sa edad kong 20, nagtatrabaho na ako bilang teacher sa isang private school. Normal na sa akin ang umuwi ng gabi dahil sa probinsya ako umuuwi at nasa siyudad ang pinagtatrabahuan ko dahil private school ito na sikat dito sa lugar namin.

Kaya naman nasanay na talaga ako umuwi ng gabi. Mga oras na 9 o 10 ng gabi ay normal na para sa akin. Di gaya sa maynila, sa mga ganyang oras ay talagang napaka delikado na at wala na masyadong tao sa lugar naming sa inuuwian ko. Naglalabasan na sa mga oras na yan ang mga masasamang loob.

Parating nag-aalala si Mama. Hindi nga daw siya makatulog kapag wala pa ako sa bahay.

Pero dahil stable na ang trabaho ko at okey naman ang sahod, eh wala naman akong reklamo. Mag-iingat naman ako parati.

Ang sinasabi sa akin ng mga kakilala, kamag-anak at mga kaibigan ko. Delikado daw dun sa daanan, hindi lang sa masasamang loob kundi pati narin sa mga hindi kanais-nais na mga nilalang na andito sa mundo natin.

Asus, hindi naman ako naniniwala sa mga ganyan eh. Mas nakakatakot pa ang mga buhay kaysa mga patay o kung ano mang kaweirduhan ang pinagsasabi nila.

At kung sakaling makakita man ako ng mga ganung nilalang…

Well, ako mismo ang lalapit sa kanila. HAHA!

Dadaan ka pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon