Chapter 32- Without You

2.5K 55 6
                                    

Chapter 32- Without you

Alexa's POV

Oh my gawd! Hindi pwede toh! Hindi pwede! Eeeeh! Nasan na ba sila Mika!

"Alexa! Waga ka nang mga taranta diyan. Padating na sila!"-Andre

"Wag mo akong sabihan na wag mataranta! Nakita mo yung balita ngayon. Maganda ang rason ko para mataranta at mag alala!"-Inis kong sinabi.

*Ding Dong*

Uggh Finally! Sila na siguro yan.

"Oh ayan na! Relax na!"-Andre

Hindi ko na siya pinansin at lumakad na ako sa pinto at binuksan ito.

0___________0

"Sharlene?! Shayine?!"-Pasigaw kong binulong.

"Surprisssseee!"-Sigaw nilang perehas.

Hindi ako naka react.

"Alexa?"-Sharlene

"Anong problema?"-Shayine

"A-anong ginagawa niyo dito?"-Ako

"Alexa sino.... "-Bigla naman sumulpot si Andre

"Sharlene?"-Andre

"Andre! :)"-Shar

Nagkatinginan naman kami ni Andre.

"Alexa! Alexa!"-Bigla naman dumating sila Mika at Jairus patakbo.

Napatigil sila nung nakita nila sila Sharlene.

"SHARLENE?!!"-Sabay sigaw nila Jairus at Mika.

"Ang ganda naman nang pag welcome niyo sa akin. Mukhang ni isa sa inyo hindi masaya sa pag balik ko. Ano bang problema?"-Sharlene

Nagkatingin kaming lahat at nag dedecide kung sino mag sasabi sa kaniya.

"Uhmm Sharlene ano kasi..."-Pag uumpisa ko pero hindi ko alam kung pano sabihin.

"Si Nash nawawala!"-Pagtuloy ni Mika.

"ANO?!"-Sabay na sigaw ni Sharlene at Shayine.

.

.

Mika's POV

"Anong ibig niyong sabihin nawawala si Nash"-Pag aalalang sinabi ni Sharlene

"As in hindi namin alam kung na saan siya! Tatlong araw na siyang di nagpaparamdam at..."-Jairus

"Pumasok muna kaya tayo sa loob at don to pagusapan!"-Pag singit ni Alexa at pumasok na kaming lahat

"So ano? Ano ba nangyari?!"-Shayine

"Ganto kasi yon....."-Paguumpisa ko.

*Flashback*

"Nash ano na bang plano mo?! Habang buhay na lang ba mag mumukmok?!"-Ako

Nandito kami ngayon sa bahay ni Nash kasi simula nung nagumpisa yung klase hindi na siya pumapasok. Sabi pa ni Tita bihira lang siya kumain. Kaya pinuntahan namin siya nang barkada.

"Wag niyo muna ako pakielaman pwede?"-Nash

Hayyyyyy!

"Nash naman! Tignan mo nga yang sarili mo. Sinabihan mo si Sharlene na wag nang bumalik at na ayaw mo na siyang mahalin tapos magkakaganiyan ka lang din pala?! Ang gulo mo eh noh!"-Alexa

Tinignan lang siya ni Nash nang masama.

"Kung pinabalik ko ba siya, masasabi mo ba na hindi na ulit siya aalis? Kung mahalin ko ulit siya, masasabi niyo ba na hindi na niya ulit ako pagtatabuyan? Ha?! Wag kayo magsalita na parang alam niyo ang nararamdaman ko. Dahil kung kayo ang nasa lugar ko, siguradoako na pati kayo makakalimutan ang pagkakaiba nang pagmamahal sa pagdurusa! Dahil para sa akin ang pagmamahal ay katumbas nang pagdurusa"-Nash

It Was You All Along.  (Nashlene, Nlex, Mikash, Jailene, Kobilene, Jaika, miko,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon