Kabanata 23

429 26 4
                                    

Kabanata 23

Manila

Pumasok ako sa loob ng computer shop dito sa bayan ng San Diena. Mabilis kong tinype ang website ng aapliyan kong eskwelahan sa kolehiyo.

Mag-aapply kasi ako ng schorlaship. Hindi naman namin kaya ni Mama ang bayarin sa kolehiyo. Nalaman ko kasing merong mga kolehiyong nag-o-offer ng schorlarship.

Mag-apply ako sa De La Salle Taft. Maging scholarship ay aaplayan ko rin. Hindi na nga ni Mama ang gamit ko para sa pagsama ko kela Tita Gerlie. Sasabay lang naman ako sa kanila't uuwi rin agad.

Inayos narin namin ni Mama ang mga kailangan papel, may pera ring ipapadala sa 'kin si Mama para pagnag-exam ako. Ayos na ayos na ang gamit ko.

Hindi ko pa sinasabi kay James ang pagpunta ko nang Maynila, ayoko kasing abalahin pa siya. Siguro'y sasabihan ko nalang siya sa araw ng alis ko.

"Ayos na ba lahat, anak?" tanong ni Mama. Ngumiti ako.

"Ayos na ayos, Ma." nakangiti kong sabi.

"Siya, sige, tatawagan ko na ang tita mo. Mag-antay ka nalang sa kwarto mo."

"Opo, Ma."

Sinilip ko ang orasan. Mag-a-alas syete na nang umaga. Ang inaasahang dating namin roon ay alas-nuebe. Ala-una kasi naka-schedule ang oras ng exam ko.

Mabilis akong nagtipa nang ite-text kay James. Ilang beses rin akong nagtipa at bura dahil hindi ko mawari ang nararapat na sabihin.

Alam naman naming pareho na sa Maynila kami mag-aaral ng kolehiyo, pero paano kung malaman niya kung saan ako mag-aaral? Malamang ay gagawa iyong parang magkasama kami.

At iyon ang ayaw ko.

Ako:

Good morning, James! Wish me luck! Ngaun ako kukuha nang exam. Secret ang school :P
Ipapaalam ko nalang sayo ang mangyayari mamaya. Love u.

Nakangiti kong sinend iyon bago ako nag-antay sa pagdating nila Tita Gerlie. Sinilip ko ang laman ng bag ko habang iniisip ang maari kong danasin sa Maynila.

Dumating sila Tita Gerlie, mabilis akong pinapasok ni Mama sa van nila dahil nakakahiya. Nagtuloy naman na kami sa biyahe dahil sa kakuladong oras ng dating namin at ang oras ng pagkuha ng pagsusulit.

"Saan ka ba mag-a-apply, Nadine?" tanong ni Tita Gerlie habang nagda-drive.

"Sa DLSU po." mahina kong usal pero sapat para marinig nila. Napakagat ako sa labi ko dahil nahihiya ako. Hindi ko naman kasi ganoon kakilala ang mga taong kasama ko. Tinatawag ko siyang Tita pero hindi naman namin kamag-anak.

"Naku, 'yung panganay ko doon nag-aaral. Nawa'y makapasok ka at makita mo siya roon. Mag-a-apply ka ng scholarship?" tanong nito.

"Opo, kukuha rin po ako nang dorm. Maging mga uniform po."

Hindi na nagtuloy pa ang pag-uusap namin at nagkanya-kanya na sa ginagawa. Madalas lang akong nakatingin sa labas, tinitignan ang daan papuntang Maynila.

Bumabalik sa aking alaala ang mga araw na nakasakay ako sa motor ni James at dinadaanan namin ang lugar na ito papuntang Maynila. Iba lang ngayon dahil hindi siya ang kasama ko at sa kotse ako nakasakay.

"Ito ba ang unang balik mo ng Maynila matapos ng ilang taon n'yong paninirahan sa San Diena?" tanong ni Tita Gerlie ng tumigil kami sa loob ng parking ng DLSU-Taft.

"Hindi po, pero ngayon lang po ako nakabalik sa lugar na ito, kung saan tayo tumigil."

"Kailangan mong masanay lalo na kung mag-do-dorm ka, kailangan mong makisama at maging matapang sa kakaharapin mong dami ng estudyante."

Hanap-Hanap ni Mr. Antipatiko. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon