Kabanata labing anim

6 0 0
                                    


Kabanata labing anim: yema cake

Thalia POV

"ahhhhhh...." Inunnat ko ng sobrang haba ang aking mga braso.

Grabe naman itong mga pinag-aaralan naming apat tungkol kay Rizal. Ang dami pala munang ng yari bago siya ipinanganak.

Akala ko pa nga dahil sa sobrang haba ng discussion namin ay sasabihin din nung professor namin kung paano inire ni Theodora si Rizal. Buti nalang talaga ang sinabi lang niya nahirapan lang ito sa panganganak dahil sa Malaki ang ulo ni Rizal.

Hindi man lang nag bigay ng kaunting talino sa akin.

"Thalia, mag focus kana diyan sa nire-review natin malapit ng mag time." Utos sa akin ni Susana.

"Oo nga pangit at baka ma bokya kananaman sa mga quiz natin." Asar ni bakla.

"oo na ito na po..." tumingin ako muli sa aking nire-review at inumpisahang muli ang pag titig dito.

Bakit ganon hindi siya kinakaya ng brain cells ko?

"JM? Gusto mo bilhan kita ng chocolate para ganahan ka?" bigla akong napatingin sa dalawa. Kay JM at kay Bakla. Sweet huh?

Bakit ganoon kung makapag libre siya kay JM talagang kusa? Tapos pag dating sa akin sapilitan pa? unfair!

Umiling si JM at inumpisahan ang pag re-review.

"hay..." biglang nag buga ng malalim na hiniga si bakla. Anong ng yari?

Binasa ko muli ang aking lecture.

Hindi ko parin talaga makalimutan ng makita ko si JM nanaka confine din sa hospital, habang hawak-hawak ni Bakla ang mga kamay nito. Nang yari iyon nung nakaraang dalawang bwan, habang nag lilibot kami ni Cooper sa hospital.

At hanggang ngayon ay hindi parin nila masabi sa akin kung ano ba talaga ang ng yari kay JM at bakla. Miski si Susana ay hindi nag sasalita tungkol dito at sahalip ay iniiba niya ang usapan.

Kaya heto kami ngayon at humahabol sa mga na miss naming klase, dahil sa matagal-tagal rin kaming hindi nakapasok.

In short mga irregular student kami.

"aalis muna ako guys, bibili lang ako ng pagkain nagugutom nanaman kasi ako ngayon eh." Hindi ko na hinintay ang pagsang ayon nila at umalis na ko.

Nagtungo ako sa Canteen at sinimulang mamili ng makakain

"Ate pabili nga po ng isang slice ng yema cake." Inabot ko ang aking bayad, ng biglang isang kamay ang tumabing sa akin kaya na hulog ang aking pera sa lupa.

"Ate ito po bayad ko." Kinuha nung lalaki yung yema cake na binili ko.

"KUYA akin po yang yema cake na iyan!" hala yung yema cake ko!

"May pangalan mo ba itong yema cake na ito, para angkinin mo?" sabi ni Kuya, tumingin ako ng maiigi sa kaniya at nanlaki ang aking mga mata ng makilala ko kung sino siya.

Si Crush ko!

"Hindi ka makasagot no? kaya akin na ito." Sabi niya sa akin, hindi ito maaari.

MAGKA-Schoolmate kami YAHHHH

"H-hindi kuya, sa inyo na po iyan... ate akin na yung bayad ni kuya at kunin niyo itong bayad ko" madaling sabi ko kay ateng nag titinda at kinuha ang bayd ni crush.

Yieee. Kinikilig ako.

"K-kuya ito na po yung bayad niyo, sa inyo na po yang yema cake ko. Sorry po." Inabot ko kay crush, yung bayad niya kanina.

Black MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon