Kabanata I

232 8 2
                                    

Unang Kabanata

Alas dos na ng hapon na at tirik ang araw. Ngayon si Mama aalis ng Pilipinas para makipagsapalaran na naman sa bansang Amerika.

Nagmadali akong umuwi at agad ring nakarating sa bahay dahil isang traysikel lang ang transportasyon na sasakyan galing eskwelahan.

Nasa unang taon ako ng kolehiyo at ang aking kapatid ay nasa ikaapat na taon ng hayskul. Gusto 'man ni Mama na makita ang kapatid ko na umakyat ng stage ay hindi pwede. Kailangan niyang paghandaan ang pagkokolehiyo rin ng kapatid ko.

Sinalubong ako ni Mama ng ngiti ngunit bakas 'roon ang kalungkutan.

"Mama..." wika ko habang papalapit sa kanya. "Huwag ka pong magalala. Kami ang bahala dito sa tindahan. Aalagaan at babantayan ko rin po si Jonn. Kaya na po namin."

Tinignan ako ni Mama sa mata. "Anak... Jennifer... Mamimiss ko kayo ng kapatid mo. Alagaan niyo ang bahay ah? Heto na lang ang alaala ni Mama sa atin. Sorry kung iiwan ko na naman kayo. Mahal na mahal ko kayo ng kapatid mo." litanya ni Mama na halata mong nagpipigil ng iyak.

"Mama naman eh. Magdradrama pa dyan! Kaya namin ni Ate toh! Diba ate?" pagmamayabang ng kapatid ko habang nagtataas baba ang mga kilay. " Mamaya umiyak pa kayo dyan dalawa! Tara na 'ma andoon na ang taxi naghihintay sayo, mamaya eh mauna pa sa Amerika yung mga gamit mo. Hahahaha!"

Niyakap akong muli ni Mama saka kami tumungong tatlo sa labas para ihatid na si Mama sa taxi na maghahatid sa kanya sa airport.

Mas minabuti niyang wag na kami sumama sa airport dahil raw mahihirapan siyang umalis, na sinangayunan naming dalawa ni Jonn. Dahil miski kami eh ayaw naman talaga namin paalis si Mama.

"Oh ate? Wag kang iiyak hah? Doon lang ako kina Adrian! Maglalaro lang kami ng pogs!" sigaw ng kapatid kong papalayong naglalakad.

Baliw talaga. Alam ko na sa kabila ng mga ngiti niya ay malungkot siya. Masyado siyang attached kay Mama at kakaiba ang closeness nila kesa sa'kin. Hindi naman naging ugat ng selos sa akin yun dahil hindi ako 'yung tipo ng tao na malambing at expressive. Tama na sa akin na ako lang ay may alam ng nararamdaman ko.

Pumasok na ako sa loob ng bahay at pumwesto sa pintuan malapit sa tindahan para kung sakaling may bibili ay hindi na ako mahihirapan pang tumayo. Dala-dala ko ang lumang laptop na galing pa kay Grandpa Jones na binigay niya nung nabubuhay pa siya.

Hinanap ko sa bag ang takdang aralin ko sa isa sa minor subject ko  na mahabang sulatin na kailangan ay printed at bukas na bukas ay kailangan na din ipasa.

Sumapit ang alas sais ng umuwi si Jonn ng bahay at nagsaing. Napagusapan namin na sa umaga ay sarado ang tindahan at kung sino ang unang uuwi sa hapon siya ang magbabantay at siya namang mahuhuli ay ang magsasaing at gagawa pa ng ibang gawain ng bahay tulad ng paghuhugas ng plato at paglalaba ng uniporme.

Kinagabihan ay maaga namin isinara ang tindahan dahil maaga ang pasok namin dalawa. Periodical exam nila Jonn bukas at ako naman ay may mga requirements na kailangan ipasa bago magend ang sem.

Kinabukasan... Maaga akong gumising para maghanda ng almusal at mamamlantsa ng uniporme namin.

Alas singko na ng gisingin ko ang kapatid ko para kumain at maligo. Busangot siyang bumangon dahil sinipa ko siya sa tiyan dahil tulog mantika. Kaya pala hirap na hirap si Mama gisingin sa umaga at lagi akong pinapauna sa banyo.

"ATE! TWALYA!" sigaw ni Jonn mula sa loob ng banyo.

"Oh!" iniabot ko ang twalya saka ipinagpatuloy ang pagaayos ko sa gamit ko.

Pagkatapos niyang maligo ay sumunod din ako. Naligo at kumain at nagayos.

Sabay kami ng kapatid kong umalis ng bahay dahil wala na daw siyang allowance para sa pamasahe.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MagdalenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon