It Started With a Wish

157 7 8
                                    

 “Centimeter, Millimeter, nasaan na ba kayong mga bata kayo? Bilisan na ninyo! 6:30 na kaya! Baka ma-late kayo! Maglalakad pa kayo tapos maghi-hintay pa kayo ng blue trike!” Sigaw ng pinakamamahal kong ina. Ang aga-aga tapos nagsisisigaw dun. Nakakahiya sa kapit-bahay. Ang ingay-ingay!

“Teka lang kasi, Mommy! Excited? Excited?” Sigaw ko din sa kanya. Okay, hindi porket sinigawan ko rin yung Mommy ko, ibig sabihin na walang-galang, ah! Sumigaw lang ako kasi nasa ibaba siya tapos nasa itaas naman ako sa kwarto ko. Eh, may pagka-bingi pa naman yun!

“Anong sabi mo?” Sigaw ulit ng nanay ko.

“Wala! Sabi ko, maganda ako!” Tapos tumawa ako.

“Who you?!” Napa-iling nalang ako. Hahahaha! Baliw talaga yung nanay kong yun.

Binilisan ko nalang yung pag-suot ng uniform ko tapos nag-suklay na. Kinuha ko yung backpack ko, lumabas ng kwarto ko tapos dumiretso sa kwarto ng kapatid ko. Kumatok ako ng malakas sa pinto niya.

“Hoy, Cent! Bilisan mo na diyan! Magsisi-sigaw na naman nito yung Mommy mo!” Sabi ko sa kanya sa habang nag-aantay sa labas kasi naka-lock yung kwarto niya hanggang ngayon.

“Nanay mo yun, noh!” Sabi niya sakin.

“Eh kung hindi ko kaya kayo pag-aralin dalawa?” Biglang pag-singit samin ni Mommy. Tumawa lang kami ng kapatid ko. Hindi talaga sa pwedeng laitin si Mommy. Lumalakas kasi bigla yung pandinig, eh.

Maya-maya lang ng konti lumabas na rin yung kapatid ko pagkatapos ‘nun, bumaba na rin kaming dalawa. Naabutan namin yun Mommy namin na nagluluto ng breakfast namin. Umupo na ako at kumain. Hotdog, pancake, bacon and egg. So yummy!

“Dala na ba ninyo lahat ng gamit ninyo? ID? Registration form?”

“Yes, Mom.” Sabay na sagot namin ni Cent.

Pagkatapos naming kumain, nagpahinga lang kami ng konti tapos tumayo na.

“Alis na kami, Mom.”

“Bye, Mom!” We kissed her on the cheek tapos umalis na. Naglakad kami papunta sa main gate ng subdivision namin para mag-abang ng blue trike. Buti nalang meron agad dumaan kaya nakasakay agad kami.

“Kuya, sa may labasan lang po. Ito po bayad naming dalawa.” Tapos ‘nun, umandar na yung trike na sinasakyan namin. Mga five minutes lang naman ang biyahe namin, eh. Nasa loob naman ng village yung way papunta sa school namin kaya walang traffic. Nung makarating na kami sa may labasan, bumaba agad kami ng trike tapos naglakad lang ng konti papunta sa Bates University kung saan kami mag-aaral.

By the way, ako nga pala si Millimeter Gonzales, first year college at ngayon ang first day of school namin. Kasama ko naman ngayon yung twin brother ko na si Centimeter Gonzales. Pareho kami ng course na pinili ------- Information Technology. Hinanap muna namin saglit yung Room 129 na classroom namin for the rest of the day. Nang mahanap na namin, siniko ko si Cent.

“Uy! Una ka ng pumasok!” Sabi ko kasi kinakabahan ako. Ganito kasi ako, mahiyain kapag hindi ko pa kilala yung mga tao kaya ayaw na ayaw ko kapag first day of school, eh. Bagong mga mukha na naman at bagong mga pangalan na kailangan mong tandaan.

Umiling-iling naman siya, “Ikaw na muna!”

“Ayoko nga! Ikaw muna kasi!” Tinulak-tulak ko siya palapit sa may pintuan.

“Ready?” Tanong sakin ni Cent, mukhang kinakabahan din ang loko.

Napalunok ako, “Yes.”

Hinawakan na niya yung doorknob at bubuksan na sana ng biglang bumukas yung pinto tapos nagsilabasan yung mga estudyante sa loob. Lumapit ako sa dalawang babae na magkasama para magtanong kung ako ano ang nangyari at nagsilabasan sila bigla.

It Started With a WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon