Montinola's Mansion
"Mommy! Bakit niyo naman pinapakuha ang mga anime books ko?"
(sigawan ni Gabby habang pilit na binabalik ang mga kahon-kahon na puno ng anime books sa kanyang library)
"Lexy, anak, please. Wag nang magpumilit, dun ka nalang sa music room mo. Sige na, wag matigas ang ulo."
(mahinahong sagot ng ina ni Gabby, habang nagmamadali sa pagliligpit ng mga gamit)
Nilisan nalang ni Gabby ang lugar at tumungo sa Music Room.
Gabby's POV
"Mommy! Bakit niyo naman pinapakuha ang mga anime books ko?"
(sigawan ko habang pilit na binabalik ang mga kahon-kahon na puno ng anime books sa mini library ko)
"Lexy, anak, please. Wag nang magpumilit, dun ka nalang sa music room mo. Sige na, wag matigas ang ulo."
(mahinahong sagot ni mommy, habang nagmamadali siya sa pagliligpit ng mga gamit niya para sa palasyo)
Tumungo nalang ako sa Music Room. Gusto kong magsigawan pero hindi ko naman magawa. Nagiging adik na kasi ako sa mga anime books na yan, lalo na pag ang pinaguusapan ang “Psycho Busters” series, kasi yun talaga ang tinututukan ko. Ang ibang anime books naman ay pampalipas oras nalang habang hindi pa ako nakakakita ng next series for my favorite anime book.
Siya nga pala, ako pala si Alexia Gabrielle Montinola. Bunso sa tatlong magkakapatid ng Presidente ng Pilipinas. Ako ay 16 years old, tig-5 years ang agwat naming magkakapatid. Ako ay nasa 10th grade na, 4th year high school na ata un? Magcocollege na ako next year at hindi ako excited. Civil Engineering ang gustong ipakuha sa akin nina Mommy kasi daw yun ang IN ngayon pero sa totoo lang, ang gusto ko ay Information Technology major in Web Design and Mobile Application. Gusto ko kasing gumawa ng sarili kong website at ng maraming games.
* bzzzt *
From: +6390938-----
Little girl, where are you? Kanina pa ako naghihintay dito sa bookstore. Bilis na!
Oh my! Lagot! Nakalimutan ko! Tsk, magkikita pala kami ni Kuya sa NBS ngayon. Haha! Hindi nakasave number niya? Kasi, mabait ako. Haha!
* reply *
From: +6392987-----
Kuya, I'm on my way.
"Mang Kanor, umalis hu muna tayo. SM po tayo."(sabi ko kay Mang Kanor)
"Sige Iha, pasok na sa sasakyan." (sagot ni Mang Kanor)
"Kanor, bilisan niyo lang ho ah. Si Kuya kasi kanina pa ata naghihintay sa NBS." (sabi ko naman kay Mang Kanor)
* bzzzt *
From: +6390938-----
Little Girl, you owe me a snack. Kanina pa ako naghihintay dito. Akala na tuloy ng mga chikababes dito, inindian na ako ng girlfriend ko.
* reply *
From: +6392987-----
Andito na po..
"Kuya!" * hug *
"Princess, bakit ngayon ka lang? Mahigit kumulang 45 mins na akong naghihintay sa'yo."
"Hindi mo na ba ako love kuya?" * pout *
"Ha! Ha! Ha! Tignan mo nga tong baby namin. Bakit mo naman yun natanong?" (sabi ni Kuya sabay kurot sa pisngi ko)