bagong simula

130 2 5
                                    

 CHAPTER 2

Ang init, pinagpapawisan lahat ng singit sa katawan. Tara ice cream tayo, yaya ni edji samin, ang pinakatahimik sa barkada. ano nakain mo at nagsalita ka ani ni bakulaw

habang tumatalsik ang laway niya ky Karl. Tangina mo baku naligo na ako, nagtawanan kaming lahat maliban kay baku hindi niya kasi na gets ang sinabi ni arc.

pumunta kami sa convenience store para bumili ng ice cream at tumabay dun dahil malamig nang may bigla akong isang taong medyo pamilyar, tinitigan ko siya ng mabuti,

kahit di ko pa siya nakikitasa personal alam kong siya yun, Si rylee! napasigaw ako at naisagi ko ang kinakain kong ice cream sa mukha ni arc. Anak ka ng talong zhou,tignan mo ang ginawa mo sa mukha ko sabay punas ng chocolate flavored na ice cream sa puti kong damit. pre pasensya ka na nagulat lang ako sa nakita ko, sino ba kasi yun?

ayun oh pre sabay turo sa babaeng maliit pero maganda at nakangiti na nakaupo sa waiting shed kasama ang barkada niya habang kumakain ng streetfoods. Easy ka lang zhou, ang bata bata palang nun mukhang highschool nga at kuya ka na nun pre, pangaasar ni baku na may give aways na laway. taena mo tara na nga sa tambayan.

pero bago kami umalis nilingon ko ulit si ryle,may kakaiba, talaga sa kanya.

kinagabihan as usual boring ang facebook. Walang live stream ng tournaments at wala din bagong anime na mapapanood. Naisip kong ichat si Rylee.

" Hindi ka rin adik sa pag like :P "

" same as you , lahat ng status ko nga nilike mo po kuya. ano po meron? "

" wala naman, masama ba maglike. Ang ganda mo kasi ee pero maliit ka HAHA. "

" alam ko matagal na HAHAHa. joke salamat sa imbang compliment mo po, ikaw na ang matangkad."

"you're welcome HAHAHA. "

" K "

Ayon araw araw kaming nguusap sa chat ni Rylee, Kamustahan, asaran, basagan, palitan ng likes and some sweet talks lambingan kumbaga. Alam kong my boyfried siya pero ayos lang, Magkaibigan lang naman talaga kami.

Pero alam ko sa sarili ko na may nararamdaman na ako para sa kanya.Pero hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ko kay nica. Hindi pa siguro ang sinasabi nilang pag-ibig pero sa tingin ko malapit na ito doon.

Last day ng bakasyon, back to reality, may pasok na naman may pera na naman.

Clay gising na anak tanghali na, bulong ni mama habang pinipisil ang ilong ko. Matatapos na ang eat bulaga nakahiga ka pa rin diyan kaya ka tumataba ee.

Arayyy ko naman ma pulang pula na tong ilong ko sa kakapisil niyo ee at isa pa hindi na po ako bata para tratuhin niyo ako na ganyan, minsan inaasar na ako ni Tim ee. nga pala ano po bang ulam? tapos na po ba ngayong kumain?

Naglalambing lang naman ako sayo anak. minsanan nalang nga tayo mag-usap dahil busy ako sa trabaho at ikaw naman late na parati nauwi.  Tapos na kami kumain ni Tim kanina pa, paborito mong ginataan na tilapia ang niluto ko. Bumaba ka na at kumain para hindi ka lipasan ng gutom dagdag niya habang nakayakapa sakin.

ano ba maaaa! sigaw ko habang kunyaring nllayo ang pagyakap niya sakin. pero sa totoo lang masaya ako dahil matagal tagal na din nung huling yakap sakin ni mama.

Burppppp! Grabe ang sarap talaga ng luto ni mama lalo't na yung paborito ko pa ang nilito niya halos hindi na ako makahinga dahil sa kabusugan.

"beeepp beeepp beppppp" Nag ri-ring ang phone ko

Si Nica tumatawag

 hi clay :) busy ka ba ngayon? tara punta tayo ng SM samahan mo ako mag shopping. Enjoy na natin ang last day ng sembreak. :D

Kaibigan LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon