Mga hinala

123 2 7
                                    

Rylee's POV

niloko mo lang ako Paty , kala ko mahal na mahal mo ako. Marami akong naririnig na balita na minsan nakikita ka nila na may kasamang ibang babae pero lahat ng rumors binaliwala ko kasi tiwala ako na loyal ka sakin.  Ngayon nahuli kita sa akto na may kasamang ibang babae.You don't need to exlain , break na tayo.

Niloko lang talaga kita May, maganda ka kasi at campus crush kaya niligawan kita. Ayaw ko sa babaeng kahit yakap  man lang hindi pa maibigay. It's over for us. 

Ang sama mo paty, ang sama mo. Manloloko ka!

Manloloko ka! Manloloka ka! Manlolo ka! 

Anak Maymay gising gising nanaginip ka naman! wika ng mama ni Rylee

at nagising bigla si Rylee na pawis na pawis

Nasan si Paty ma?

Sinong paty? Boyfriend mo ba nak?  Nanaginip ka lang. at ano bang sinasabi mong manloloko

Hindi alam ng mga magulang ni Rylee na may boyfriend ito at ngayon nadulas siya sa pananalita

Ahh hindi ma. Kaibigan ko yun. Panaginip lang pala lahat. 

Uminom ka muna nag tubig nak.

at nga pala kagabi gabing gabi ka na umuwi sabi ng yaya natin. Saan ka ba galing at ginabi ka at wala ka daw sa sarilo mo, hindi ka daw kumain at hindi na naligo at nagpalit ng mga damit bago matulog. Sabi ng guard natin, may naghatid daw sayo na lalaki gamit ang taxi. Kabata bata mo palang gabi ka na umuwi, paano nalang kapag nag college ka na. May problema ba anak?

Gabing gabi? Lalaking naghatid? sambit ni Rylee sa sarili. Napakamot siya ng ulo at biglang naalala ang mga nangyari kahapon. ahh ee wala po ma. Nagpunta po kasi ako sa birthday celebration ng kaibigan ko at nakatulog ako sa kanila. Pasensiya na po ma hindi na po mauulit. 

Dapat lang anak, babae ka. Maraming masasamang loob ang nagkalat sa labas. At ikakagalit ng papa mo ito pag nalaman niya. Oh siya sige bumaba ka na at kumain, tanghali na. May meeting pa ako mamaya sa company, si yaya na bahala sayo.

Sige ma, ingat po kayo. At pasalubong ko po donut.

Bago umali ang ina, ay niyakap niya ito at hinalikan sa pisngi.

Humiga ulit si Rylee sa kama niya, buti at hindi siya napagalitan ng mama niya. At inisip niya lahat ng ngyari kahapon, at naalala niya bigla ang lalaking tinutukoy ng mama niya, si Zhou.

"salamat rylee,chat kita bukas. Onlike ka ha? bheelat! " 

ugghhhh! Zhou lang alam kong pangalan niya hindi ko naman alam ang apelyido niya, gusto ko mag pasalamat ng formal sa kanya dahil kung hindi dahil sa kanya baka hindi na ako nakauwi or buhay ngayon. Ichachat niya daw ako so friend ko na siya facebook.

agad agad nag online si Rylee sa facebook at hinanap ang pangalan zhou sa chatlist niya pero walang pangalan zhou siyang nakita maski sa friendlist niya. Napasimangot si Rylee. Wala namang siyang magawa. Tinignan niya ang mga notifications nya,

..... your photos

..... your photos

..... your photos

.... commented on your status

.... tag you in a status

.... invited you to play blah blah blah

Binasa niya lahat ng mga message na sa inbox niya.. tinignan niya kung may lalaking nag PM sa kanya na connected sa nangyari kagabi..

Hindi siya nabigo, may isang taong nagmessage nga tungkol dun pero taong hindi niya expected.

Kaibigan LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon