Lumipas ang ilang buwan at ilang linggo na lamang ay graduation day ko na. Yes yes yes you heard it right! Ga-graduate na ako guys. Naipasa ko lahat ng subjects at kumpleto na rin cases ko. Wala na nga kaming masyadong ipinagkakaabalahan kundi ang clearance at graduation preparations na lamang.
Nitong mga nakaraang araw din ay naging busy si Lance sa trabaho kaya naging madalang ang aming pagkikita, pero ayos lang nagpaliwanag naman ito at palagi pa rin naman akong tinatawagan. Inassign kasi sakanya ng kanyang papa ang isang malaking project according to him.
Narito ako ngayon kasama ang ilan sa mga classmate ko pati na rin si Enrico, nakapila sa Multimedia Center for graduation pictorial. Kanya-kanya kaming bitbit ng aming toga. Yaasss nemen.
"Finally guys eto na yun. This is it we're almost there!"
Excited talaga kaming lahat.
"Zen after graduation anong plano mo? Are you taking the licensure exam?"
Enrico asked.
"Ahmp i'm thinking about it Enrico but I might enter the med school right away baka kasi magka conflict ang schedule ng exams"
I already took the NMAT and luckily I passed. Same University rin ako mag-aaral ng medisina although mom suggested kung gusto ko daw dun na din sa University sa London kung san sila ni dad nagmedisina. I told her na mas gusto ko sa Pinas, I don't wanna leave them and maganda din naman ang quality ng med schools natin dito.
"Aahhh OK. Ako din nga eh baka sa abroad na ako magtutuloy ng pag-aaral"
Same as me, Enrico is also into medicine. Gusto niya namang maging oncologist. Hindi ko nasasabing passion nito ang pagtulong sa mga tao. Enrico is naturally a selfless person. He is a consistent donor and volunteer sa isang local Cancer Foundation, her older sister also died from cancer kaya no wonder where his passion is coming from.
After our pictorials the group decided to hang out sa isang malapit na mall, gusto naming bumuo ng memories before we go on separate ways. Sad to think. It will be goodbyes for some, mahirap man pero this is part of growing up.
Nasa isa kaming pizza parlor because we were all craving over pizza. While waiting for our order to arrive napalingon ako sa labas and I saw a familiar person na naglalakad bringing some shopping bags from well-known brands. I smiled and excused myself from the group. Sasama pa nga sana si Enrico pero sabi ko ako na lang dahil sandali lang naman.
Hinanap ko si Lance dahil medyo crowded etong part ng mall. Luckily I was able to see his figure making its way out through the sea of people. Sinundan ko ito at isusurprise kaya di ko tinawag. He's on his way to the parking lot.
Nang nasa tapat na ito ng kanyang kotse tatawagin ko na sana pero di niya atah narinig, tatawagin ko sana ulit pero mabilis na itong nakapasok sa loob ng kotse. Hinintay kong dumaan ang sasakyan niya sa akin pero nung malapit na ito naaninag ko ang isang tao sa passenger seat dahil di naman fully tinted and kotse nito. I saw a girl.
Dahil sa pagtataka ay di ko na nagawang tawagin ang atensyon ni Lance. Baka workmate niya o di kaya ay kamag-anak kaya ipinagsawalang bahala ko na lamang. I tried calling him but to my dismay he ignored my call. Sabagay nagda-drive kasi. Maya ko na lang tawagan. Bumalik na lang ako sa loob ng mall.
-
Lumipas ang ilang araw pati ang mobile communication namin ni Lance ay naging madalang na, may mga araw na di na sya tumatawag o kahit text man lang. Sa kabila nun ay inintindi ko pa rin ito dahil alam kong mahirap ang trabaho niya.
YOU ARE READING
Suppressed: A Short Story of Love and Lust
RomanceThere are two kinds of secrets - those we hide from others and those we hide from ourselves.