Minsan talaga di patas ang mundo
Nagmahal ako pero sinaktan, ginago
Pero nakilala kita isang araw
Lahat ng hinanakit sa mundo nalusaw.Naging masaya tayo, nagmahalan
Hanggang tapusin tayo ng isang kasalanan
Patawad kung nasaktan kita
Patawad di ko sinasadya.Talagang di patas ang mundo
Lahat ng sinusubukan kong itayo, gumuguho
Paano ako babawi kung sumuko ka na?
Paano pa ako mag uumpisa kung wala ka?Sa tatlong taon na nakasama kita
Pinaramdam mo sa'kin kung gaano kasaya
Kaya sana isang pagkakataon pa
Tiwala at pagmamahal mo iingatan ko na.