Nostalgia

105 4 4
                                    

“WHYYYYY?” Sigaw ko sa nanay ko. “Why do I have to go? Why do I have to go alone?”

“Cause its your cousin’s wedding?” Tinignan ako ni Mama, habang nagbabasa siya ng magazine.

“Eh bakit ako lang? Ma naman!” I complained.

“May meeting nga kaming pupuntahan ng Papa mo sa Manchester. And its your Easter break next week, kaya hindi ka naman magccut ng class. You also said you don’t have plans for Easter break.”

“Pero kasi---” Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil pinutol nya ko.

“Ano bang pinoproblema mo at ayaw mong pumunta?” Tinaas nya ang kilay nya sakin.

Bakit nga ba? Its Ate Ynna’s wedding tapos ayaw kong puntahan. Napapikit ako. “Fine!” Tumayo agad ako sa harap ni Mama.

“Its been years Zoe.” Sabi ni Mama. Napatigil ako pero madali rin akong umakyat ng kwarto.

Akala ko ay hindi na ko babalik dun. I really thought there is no way na makita ko pa sila. Pero heto na ko, papunta na sa airport. Limang araw lang. Limang araw lang naman.

“Ayaw mo ba talaga akong sumama?” Karl asked nang makarating kami sa airport.

“Wag na. Pupunta kayong Paris di ba?” Ngumiti ako. Karl is such a good friend, at classmates kami nung highschool, syempre may dugong Filipino kaya we got along immediately. Kaibigan din siya ni Jules. At ung pinsan kong un na dapat maghatid sakin ay wala! Kaya si Karl ang naghatid sakin, sila Papa naman ay umalis na kahapon para sa meeting nila.

“Oo, pero pwede naman akong sumama sayo.” Sabi nya habang binaba ang bag ko.

“Magalit pa sakin si Kara.” Sabi ko, tinignan nya ko na parang sasabak ako sa gyera at hindi nya na ko ulit makikita. “I’ll be fine.”

Sana nga. Imposible namang makita ko sila roon hindi ba? Malayo to sa Manila. Pero summer na… Sabi ng isip ko.

Nakakita ako ng grupo ng mga teenagers, ilan sakanila ay nakatingin pa sakin at may tinutulak na isang lalaki. Parang they’re saying na dapat lapitan na ko. Nginitian ko sila bago ako pumasok ng hotel.

Nostalgic na kaninang makaapak ako ulit ng Pilipinas. I wasn’t able to go out of the airport kasi may connecting flight papunta dito sa resort. Pero ang makita ang mga teenagers kanina… Narealize ko kung gaano ko kamiss ang Pilipinas. Ang mga taong iniwan ko… ang mga kaibigan ko... at siya.

Bukas pa ng hapon darating sila Ate. Sa susunod naman na araw ang kasal nila. I wasn’t able to get the invitation. Hindi ko naalalang kunin kay Mama.  Basta sinabi nya lang ung date. Hindi ko nga rin alam kung part ba ko ng entourage or hindi.

Past lunch na ko nagising kinabukasan dahil na rin sa jetlag.

Ate Ynna ran into me the moment she saw me. Sobrang namiss nya daw ako. Hindi naman siya makapuntang London kasi nga sobrang busy nya sa work. Hindi ko nakilala ung boyfriend nya bago kami magmigrate… pero kahit unang kilala ko palang kay Kuya Tristan. He really looks at my cousin like she’s the most beautiful thing in the world. Parang wala ng papantay pa sa pinsan ko.

“Oh yeah. Bago ko makalimutan. Ung gown mo pala nasa room ko. Tara kunin natin.” Sabay hila sakin ni Ate sakin.

“Huh?”

“You’re my maid of honor. Hindi mo alam?” Kumunot ang noo nang makapasok kami sa elevator.  I shook my head. “Well, now you know. You’re my maid of honor.”

Vanilla Twilight 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon