Hindi lang pala sila ang imbitado kundi ang buong barkada. Hindi ko maintindihan ang mukha nila ng makita ako. Masaya ba silang nakita ako ulit o naiinis? Hay.
Hindi na ko lumapit sakanila dahil tinawag na ko ng mga pinsan ko.
“Ang bitch mo pa rin talaga!” One of my cousin retorted sa isa naming pinsan. Si Rhian, bitch talaga to.
“What?!” She sounded na hindi siya makapaniwala. “Nagsasabi lang ako ng totoo. Kung hindi ka na mahal bakit mo pa ipagsisiksikan sarili mo di ba? Tsaka may bago na siya di ba? Stop being pathetic Yaz!”
Nagpout nalang si Yaz at mukhang naiiyak na.
“Eh ikaw ate? Kayo na ba ni Kuya Karl?” Nandun kasi sila nung graduation ko. Tapos bumibisita pa tong mga to sa London kaya nakita nila.
“Who’s Karl?” Ate Ynna interrupted.
“Ung gwapong manliligaw ni Ate Zoe.” Tili nung isa pa. “Gosh! Sobrang gwapo talaga!”
“Sus. Mas gwapo naman kami dun.” The boys reacted.
“May boyrfriend ka na?” Tanong ni Ate Ynna sakin. “Siya ung kausap mo kahapon dib a?”
Sunud-sunod ung tanong nila sakin. Habang si Rhian naman ay nakangisi lang sakin.
“Hep!” Tinaas ko ung kamay ko. Tumahimik naman sila, kaya mukhang nanahimik rin ang lahat. Nakuha ko ang attention ng mga tao, kahit ang mga dati kong kaibigan. “Hindi kami no.”
“Oh? Eh bakit may message dito…” Nanlaki ang mata ko nang makita kong hawak ni Rhian ang phone ko. “Message me pag free ka na. I’ll call you. I miss you.” Nag evil smile siya. Damn this girl! Of all of my cousins, siya lang ang may alam na andito ang ex ko, tapos ganito pa siya umasta.
Ilang oras kong pinaliwanag sa relatives ko na wala akong boyfriend. Sa mga kaedad ko kasi, ako nalang walang boyfriend. Ang susunod na sakin ay si Rhian but she’s only 18. At talo nya pa ko dahil long-time boyfriend nya na si Dylan. Lucky bitch. Kahit ang sama-sama ng ugali may boyfriend.
“Ang kukulit nyo! Hindi nga kami.” Pinagtawanan nila ko.
“Then sino?”
“Wala.”
“Bakit wala?”
“Kasi wala.” Simpleng sagot ko.
"Bakit naman?" Tanong nung lalaki kung pinsan. "Hindi ka ba nalulungkot ate? I mean, kahit ako may girlfriend na eh."
Umiling ako. "I dont need a love life to be happy. As long as I have my family and friends. Im happy."
Kinilig ang mga pinsan ko pero may umepal.
“Maganda ka naman.” Rhian mocked. “Mabait. Matalino. Whats not to like about you Rhi?” Ngumisi siya. Ugh! This freaking girl. Tumango tango ang mga pinsan naming. “Hindi ka pa ba nakakamove-on sa ex mo tulad ni Yaz?”
Sinabi nya un sa mas malakas na boses. I glared at her pero hindi nya pinansin at pinagpatuloy.
“Ilang years na nga ba yun? Six years?” Ngumisi siya. I don’t know whats going on her mind. But im not liking it.
Umiling ako at tumayo. “Bahala nga kayo!”
Narinig ko pa silang sinisisi si Rhian kung bakit ako nagwalk out.