Chapter Four: Escape

87.6K 1.7K 65
                                    

Chapter Four: Escape

                Palakad-lakad ako at hindi mapakali. Nagdadalawang isip kung itutuloy ko ang pinaplano. Naunahan ako ng kaba at takot. Pero kailangan kong lakasan ang loob. Kung hindi ko ito gagawin ay hindi ako makakatakas mula sa lalaki. Baka hindi na ako makaalis sa kinaroroonan ko kung patuloy akong maduduwag.

                Nang marinig ko ang pararating niyang mga yabag ay mabilis akong nagkubli sa likuran ng pinto, at nanginginig ang mga kamay habang hawak ang may kabigatan na flower vase na basta na lang nahagip ng paningin ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang hinihintay siya. Nang sa wakas ay magbukas ang pinto at iniluwa ang lalaki. Pikit mata na inihampas ko sa kanya ang dalang flower vase. Tinamaan siya sa kaliwang braso. Hindi ko man siya napuruhan ay sapat na iyon para kumaripas ako ng takbo palabas ng kuwarto. Iyon na ang hinihintay kong pagkakataon.

                Pakiwari ko ay walang katapusan ang pasilyo na tinatahak ko. Nabuhayan lamang ako ng loob nang matanaw ang bungad ng hagdan. Malapit na sana ako nang may sumunggab sa akin mula sa likuran. Naabutan ako ng lalaki at walang kahirap-hirap na binuhat ako at sapilitang ibinalik sa loob ng kuwarto. Kahit anong gawin kong pagpupumiglas ay wala akong laban sa lakas niya.

                Basta na lang niya akong hinagis sa ibabaw ng kama. Napasinghap ako nang bigla niya akong kinubabawan. At bago ko pa mahulaan ang igaganti niya, sakop na niya ang mga labi ko. A kiss that meant to punish. And I could taste the blood in my lips. Habang patuloy akong nanlalaban ay lalong siyang nagiging mabangis. Them suddenly he stopped and stared at me for a moment. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Too scared and terrified.

                "K-kirsten..." He was different again. Wala na ang mabagsik na anyo niya kanina. Sa sulok ng mga mata ay nakita ko siya na umupo sa dulo ng kama. Sapu-sapo ng mga palad ang mukha niya. I gasped when I heard him cursed himself. Bigla na lang siyang tumayo at tuluy-tuloy na lumabas ng kuwarto.

                I start crying even hard. I didn't expect things to turn out like this. And I was humiliated. My body is shaking that I couldn't even make a move. Nanatili lang akong nakahiga sa ibabaw ng kama hanggang sa makatulugan ko ang pag-iyak.

                Nagising ako nang marinig ang pagbukas ng pinto. Marahan akong nagmulat. At sa naglalabong paningin ay nakita ko ang lalaki na pumasok ng silid. Mayroon siyang bitbit na tray. Nag-abala pa rin siyang hatiran ako ng pagkain.  Pero sa sulok ng mga mata ko ay lihim ko siyang sinusundan ng tingin nang mahagip ng paningin ko ang malaking sugat niya sa kaliwang braso. Napangiwi ako sa pinsalang ginawa ko sa kanya.

                Napapikit ako nang makita ko siyang patungo sa akin. Nagkunwari akong natutulog. Naramdaman ko na lamang ang banayad niyang paghaplos sa buhok at pisngi ko.

                "I'm sorry. I never meant hurt you," he said with agony on his voice. Pagkaraan ay kinumutan niya ako bago naglakad palabas ng pinto.

               

                "Wait!" Pigil ko sa kanya.

                He stopped without looking at me.

                Mabilis akong bumangon at umahon sa kama. Tinungo ko ang banyo at nang lumabas ay may bitbit akong medical kit. Nanatili pa rin ang lalaki sa kinatatayuan niya at hinihintay ang sasabihin ko. Hindi ko maintindihan kung bakit wala akong makapa na galit sa dibdib ko. Siguro dahil may kasalanan din naman ako sa nangyari.

You Belong To Me (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon